"Ate, gising na! May pasok ka pa!"
Sigaw ni mama agad ang narinig ko pero gumising na rin naman agad ako kasi ako ang pangatlo sa sinusundo kapag umaga. Huli sina Elle at Ella, at 'yung isa pa naming kaklase na lalaki. Pare-pareho kasi silang taga-Tundol. Galing pa kasing Balanga ang service namin kaya nauuna ang mas malapit, which is si Lourine, si Chilia tapus ako.
"Bilisan mo diyan, Ate Rika!"
Kinalampag ko pa ang pintuan sa banyo namin para marinig niya ako. Kasambahay namin si Ate Rika. Bali lima kaming nakatira sa bahay. Si mama, ako, 'yung kapatid ko at ang dalawa naming kasambahay. Si papa kasi nasa abroad. Kaya dalawa rin kasambahay namin kasi minsan wala kaming lahat sa bahay.
"Ito na, patapus na!"
"'Yan, tama 'yan!"
"Kaaga-aga sumisigaw ka, Abegail!"
"Mabagal ako kumilos kaya kailangan maaga. Need ko pa mag-make up!"
"Kikay ka kase!"
"Ulol!"
"Totoo!"
"Sumbong kita kay mama eh!"
"Oh, anong isusumbong sa akin?" Sumilip pa sa amin si mama mula sa sala. Hala, narinig.
"Si Abegail raw may boyfriend, ate," ani ni Ate Rika bilang biro. Pero dahil ang hindi nila alam na may boyfriend ako, ang dating sa akin tuloy ay sinusumbong talaga ako.
"Huy, 'te! Ma, hindi totoo 'yun! Ang bagal niya kasi maligo!" pag depensa ko.
"Hoy, Abegail, wala munang magjojowa. Bawal pa. Kapag nagkaro'n ka, dapat pinapapunta muna sa bahay at ipakilala sa amin ni papa mo. Kumilos ka na, bilisan mo diyan. Maya-maya gising na rin si Francheska at may pasok rin 'yun."
Si Francheska ay kapatid ko.
"Oo na, oo na." 'Yun nalang ang naisagot ko.
Binilisan ko ang pagligo at lumabas na rin agad. Siguro mga 30 minutes lang ginugol ko sa paliligo tapus bumalik na sa kwarto para magbihis. Nakaplantsa na rin kasi ang damit ko pagbalik ko. Inuna ko muna magsuot ng undergarments bago sinuot ang palda, blouse at necktie. Mamaya na ang blazer. Mainit ang panahon! Nag-make up muna ako bago nag-blower ng buhok at nag-suklay.
Simple lang ang make up ko dahil bawal ang heavy make up sa school. High school palang naman kasi kami.
Pagkatapus ko mag-prepare ay kinuha ko na ang bag ko. Nilagay ko nalang doon ang mga pang kikay ko. Bahala na sa mga papel. Manghihingi nalang ako kina Ella, tutal malapit lang naman ako kay Ella.
5:00 am pa lang, narinig ko na ang service. May something talagang kakaiba sa tunog ng service namin na malalaman mong iyun na 'yun kaya nagpaalam na agad ako kina mama. Dahil puyat ako, antok pa rin ako pagkasakay ng van. Halos tulog rin sina Lourine sa loob nang sumakay ako. Pero inuna ko munang tignan ang Messenger ko.
From: Gio Miguel
I'm sorry, okay? You're just
so beautiful I need to just
keep you mine. I don't want
anyone around you than meNapairap nalang ako. Kaya damay na rin sina Ella sa selos niya?
From: Gio Miguel
I'm sorry, please give me
a chance to make it up to
youHey, are u still there?
I think you're already asleep
I cannot think straight right
now, you're not replyingHey, are you ghosting me?
Faith
Nag-seen lang ako at nag-send ng like bago natulog sa byahe. Wala pa akong lakas para reply-an siya ng matino. Kapag pinagbigyan ko na naman siya, hindi ko na alam anong gagawin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Chances of the Charmer (Algea Series #3)
Storie d'amoreAlgea Series #3 Religion is a particular system of faith and worship. By marrying or loving someone as different as yours is forbidden, because it can cause faith confusion. But God's plan never fails. His love never fails. Because love does not di...