Gumising nang maaga ang isang katorse anyos na batang lalake.
Dali-dali siyang naligo at kumain ng almusal.
Nang makapaghanda na, tinanong siya ng kanyang ina,
"Handa kna anak?" Tanong ng ina.
"Opo inay, medyo kinakabahan lang po dahil unang araw ko sa bago kong paaralan" sagot nito.
"Magtiis ka nlng anak. Pasensya na kung kinailangan nating umalis sa probinsya anak ha ?" Lumuluhang tugon ng ina.
"Naiintindihan ko po yon inay." Tanging nasabi ng batang lalaki na naaawa sa kalagayan ng ina.
"Napakabait mo tlga anak." Sambit ng ina.
Ngumiti na lamang ang batang lalaki.
"Oh siya, sige at magmadali kana." Huling sabi ng ina.
"Sige po nay." Nakangiti nitong tugon.
Disiplinado, at mulat sa katotohanan ang batang nabanggit.
Mahalaga sakanya ang oras kaya hindi niya ito sinasayang.
Marahil siguro ay naniniwala siya sa katagang "First impression, lasts" kaya hindi na siya nag atubili at nagmadali nang pumasok kahit na maaga pa.
Agad na nag impake ng mga gamit na pang eskwela ang nasabing bata gamit ang kanyang lumang bag.
"Hayyy .. Sana maging maayos ang araw na to." Bigkas nito habang naghihintay ng masasakyang jeep papasok sa eskwela.
Di mabilang na mga bagay ang iniisip nito kya hindi niya namalayan na lagpas na siya sa kanyang pupuntahan.
"Anak ng patatas naman ! Manong dito nlng ho!!" Sigaw nya sa driver na nakaearphone pa.
"Ano yon?" Tugon ng driver ..
"Bababa na ho ako!! "
"Bababa ka na?! "
"Ay hindi ho !! Aakyat ako !" Sigaw ng bata sabay baba.
Nang makalayo ay saka lang niya naalala na hindi pa pla sya nagbabayad.
" Hahaha ! Answerte ko ata ngayon , o malas?" Pagtatanong nito dahil malayo na pla ang narating niya dahil sa paglutang ng isip habang nasa sinasakyang jeep
" Hayy buhayy "
" Bakit kase kailangan pang lumipat e ?!" Tanong niya sa sarili
ITUTULOY !
