Yung feeling na akala mo mag isa ka ?
Yung feeling na akala mo O.P ka ?
Yung feeling na akala mo Forever Alone ka ?
Alam yan ni Glen :)
Pero mali siya ng akala :)
Yeah !,Let's do the Harlem Shake !
Continuation:
Dismissal..,
Nag ayos na ng gamit si glen upang makauwi na .
Nang mkapaghanda na ay tumayo na siya at naglakad palabas ng kwarto .
sinulyapan niya muna si steff bago lumabas .
" parang namumukaan ko tlga ang babaeng yan " . Bulong nito .
Habang nasa malalim na pag iisip ay bigla siyang hinakbayan ni nick .
" tropang likod ka na ba Glen ? Patrick ! Tropang likod na ba to si Glen ?!" Sigaw ni nick.
" anong tropang likod ? " tanong ni glen .
Hmmm .
Tropang Likod ..
Ano nga ba yun ?
Nakakain ba un ?
Syempre hindee .
Sila lang nmn ung magkakaklase, na magkakaibigan , and at the same time e nagtuturingan silang mgkakapatid .
Pinaliwanag ito sa kanya ni Nick.
Pero kahit anong tibay ng samahan nito, merong isang bagay na nagpapaiba iba sa interes nila .,
Basketball :)
"Tol nanunuod ka ba ng PBA ?" Tanong ni nick.
" oo tol , bakit?" Sagot ni glen .
" saang team ka kampe ?"
" talk n' text tol " sagot nito na ikinatuwa ng kausap .
" bengga !! Patrick !! Saan na San Mig mo ?! Kampi ko pla to si Glen e !," sigaw ni glen sa mga kaklase .
" wala Ginebra prin tlga ! Woooo !" Sigaw ni adrian.
" hahaha mga tropang talonan naman kayo e ! Lalo na yung Globalport ! " sigaw ni patrick .
Nagtawanan sila , nag asaran , at nagharutan .
ilang saglit pa ay naisipan na nilang umuwi .
Habang naglalakad palabas ay nananatili parin silang magugulo .
" mukamo ! Tinotoyo ka nanaman e ! " sigaw ni patrick sa isa nilang kasama na sobrang harot .
Pinagbabatukan ito ng mga kasama .
" Baliw nga yan si David , toyong toyo e " pang aasar nung isa pang kasama .
" harhar , bale Mike ! Kelan cell group ?" Tanong ni patrick dun sa laging kasabay ni David .
" e ewan ko , kung kelan pwede " simpleng sagot ni mike .
nagkulitan sila nang nagkulitan .
Nang makalabas ay kanya kanya na silang sibat .
" babye papa jeff ! I love yah ! Wahihihi" pagpapaalam ni patrick kay jeff .
Kasabay ni glen ang isa pang tropang likod , si Carl .
Madalas , este palagi nila itong tinatawag na budoy .
Naghintay na lamang sila ng masasakyan .
Nang makauwi ay agad na nagtanong ang ina ni glen .
" kamusta anak ?"
" ayos lang po inay", sagot ni Glen sa ina .
Humiga agad si Glen .
Pumikit.
At natulog .
" wooo ! tropang likod" bulong nito sa sarili .
ITUTULOY !
