MEMORIES: Flipping Truths (Chapter 10)

33 0 0
                                    

Chapter 10

»» Kaori's POV ««

Hindi ko inakala na ang isang Austin Jace ay magkakagusto sa isang simpleng tulad ko. Marami na akong nabasang mga lovestory tungkol sa isang gwapong-gwapo at sikat na lalaki na nagkakagusto sa isang simpleng babae. I find it cliché but then it really happens in real life!

Kuya Austin is their school's male model. Makikita mo agad sa labas ng school nila yung picture nya. At one time, pumunta ako sa Cavite para dalawin yung ate ko at nagulat ako ng pati sa bus, mukha nya ang nakikita ko. Even in Manila, nakarating ang mukha nya. At nung minsan, isang talent manager ang lumapit sa kanya para ayain syang pumasok sa showbiz but he turned it down easily.

"bakit ayaw mo?"

"baka kasi magselos ka kapag nagkaroon na ako ng leading lady." nang-aasar nyang sagot

"sira-ulo ka!" tumatawa kong sagot sa kanya. "yung seryoso kasi kuya."

"basta ayoko lang. Tara, dalawin na natin si mama." oo nga pala, nanganak na si tita kagabi kaya ngayong umaga kami pupunta. Tamang-tama at wala akong trabaho ngayon.

Nang dumating kami sa ospital, ipinakilala nya ako sa mga magulang at kapatid nya. Naging maayos naman ang pagtanggap nila at inakala pa ngang girlfriend ako ng anak nila.

Maraming ipinapaasikaso kay kuya yung papa nya kaya naman naiwan ako sa ospital kahit na ayaw nya akong iwan.

Marami kaming napagkwentuhan ng mama nya at ng kapatid nya na mahilig rin sa Bring it on na movies kaya hayun, di ko na namalayan na hapon na pala.


"bunso" sa simpleng tawag na yon, nagwala na agad ang puso ko. Nilingon ko sya at nakangiti syang lumapit sa akin. Parang nagslow motion ang lahat at ang tanging nakikita ko lang ay ang papalapit nyang gwapong mukha. Mabilis ang pintig ng puso ko at iisa lang ang dahilan non. Si Kuya Austin.

Lord, salamat at ipinakilala Mo Po ang taong 'to sa akin.

"bunso, tara. Puntahan natin yung tinatambayan ko kapag walang klase."

"huh? Ah, ah- wait lang. Nakalimutan kong gumawa ng resignation letter. Gusto ko sana bago ako umuwi mabigay ko na sa store."

"magre-resign ka na?" nawala ang ngiti sa mga labi nya. Dahan-dahan akong tumango. "sigurado ka na?"

"oo. Uuwi na muna ako sa probinsya. Kailangan kasi ako ni mommy don. Alam mo namang binibisita lang nya ako dito."

"haaaay. Halika na. Gawin na natin yung resignation letter mo. "

Tahimik lang kaming dalawa. Hanggang sa matapos ako, walang nagsasalita sa amin. Ang awkward tuloy sa loob ng kwarto ng mama nya.

Nagpaalam lang kami at lumabas na ng kwarto. Naglalakad kami ng maramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko.

OMG! Holding hands! magsyota lang ang peg! Hahaha

Sumakay na kami sa motor nya pero ang nakakabigla iniyakap nya ang mga kamay ko sa bewang nya.

Isa pang OMG!!!! (^_^)

=">

Alam kong namumula ako ngayon kaya wala na akong nagawa kundi ang ihilig ang ulo ko sa likod nya.

Mamimiss ko sya. Sobra :(   



Alam nyo ba kung nasaan kami? Ay naku, bilyaran again!! Haha. Halos lahat ata ng tambayan ng lalaking to bilyaran. Haha. Pasaway na bata.

Pero may isa pa akong alam na tambayan nya. Alam nyo kung saan?

Sa puso ko.  Pffffft (^^·)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MEMORIES: Flipping TruthsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon