CHAPTER FIVE

806 12 0
                                        

"Welcome " maligaya niyang bati

" Rain may kwekwento ako sayo " masaya kong sabi

" Ayy talaga bet pero kwento mo nalang yan sa byahe pupunta tayo sa beach " pumapalakpak niyang sabi

Sumakay kami sa kotse ko at nag drive na ang driver papuntang beach

Nag kwento ako sa kanya ng mga nangyari kanina sakin habang nag kwekwento ako hindi ko maiwasan hampasin siya hindi naman siya umaangal at kinilig talaga ako

" Masaya ako at maganda na ang reality mo " naka ngiti niyang sabi

" Hindi ko man masabi na ok na talaga ang reality ko pero masaya ako ngayon " naka ngiti kong sabi

" Masaya akong marinig sayo yan " naka ngiti man siya pero ang mata niya may lungkot

" Bakit ? " Tanong ko sakanya

" Huh ? Anong bakit ? " Taka niyang tanong

" Malungkot ka " saad ko

" Huh ? Ako malungkot ? Ang saya ko nga eh " pilit niya pinapasaya ang sarili niya

* Wala kang maloloko rain sabihin mo na " pilit ko sakanya

" Wala naman . maganda na reality mo so alam ko na hindi kana mag lucid dream niyan " natatawa niya

" Ano kaba mag lulucid ako sa school lang naman maganda reality ko hindi sa bahay " natatawa kong sabi

Naka ngiti nalang siya sakin
Hindi ko namalayan nakatulog pala ako sa byahe .

Siguro ilang saglit lang may naramdaman akong tumapik sakin

" Samara andito na tayo " narinig kong bulong ng isang tinig sa tenga ko

ramdam ko ang lapit ng mukha niya sakin Minulat ko mata ko medyo malabo Pero maya maya pa 
lumiliwanag din napatigil ako dahil ang lapit lapit ni rain

" Maganda ka din pala  sa malapitan " mahinang bulong niya

Hindi ako makapag salita dahil sa gulat lumayo din siya agad

" Andito na tayo " nakahinga lang ako ngmaluwag nung lumayo na siya sakin

" Ah ganun ba " utal na sabi ko

Ang bilis bilis ng tibok ng puso hindi ko alam bakit

" Tara na gusto ko na tumakbo sa dagat " sabi niya

Hindi na nga niya natiis at tumakbo na siya papuntang dagat na akala mo bata

Sumunod naman ako sa kanya naupo muna ako sa buhangin at tiningnan
ang nasa paligid puting puti ang buhangin at asul na asul ang tubig.

" Ui anong ginagawa mo diyan? Tara na dito sarap ng tubig oh " sabi ni rain

" Mamaya na " sabi ko

Nag taka ako ng umahon siya sa tubig akala ko tatabi siya sakin

" RAIN IBABA MO AKO " sigaw ko sakanya

Ang loko binuhat ba naman ako

" RAIN ISA SABI NG IBABA MO AKO " sigaw ko padin

Tawa lang siya ng tawa

" RAIN IBABA MO AKO " SIGAW KO PADIN

" ok " natatawa niyang sabi kaya binaba niya ako sa tubig naka inom tuloy

" Walangya ka bakit mo ako binaba " sigaw ko sakaya

" Luh anong sabi mo baba kita diba ? Edi ayan binaba na kita " natatawa niyang sabi

Lucid DreamWhere stories live. Discover now