Maaga ako lumabas ng bahay inutusan kasi ako ni nanay na ako muna tumao sa palengke
"Samara " may tumawag sakin mula sa likod kaya napahinto ako
" Samara can i talk you ?" Sabi ni austin
" Next time austin " malamig kong sabi
" Kahit saglit lang? Importante lang ito " pag pipilit niya sakin
" May gagawin pa ako austin " at nag simula na ako mag lakad pero na patigil ako sa sinabi niya
" Samara hindi mo tunay na magulang ang kasama mo ngayon " seryoso niyang sabi
Napaharap ako bigla sa kanya
" Anong ibig mong sabihin ? Wag mo nga ako pinag loloko austin " inis na sabi ko
" Totoo ang sinasabi ko " seryoso padin niyang sabi
Nalilito padin ako sa sinasabi niya hindi ko tunay na magulang sila nanay ?
" Mag kita mamayang ala sais ng gabi sa plaza " sabi niya at umalis na
Tulala akong nag patuloy mag lakad paper is untang palengke
Dumating si nanay ng alas tres na pinapa uwi na ako .
Tinext ko si austin na ngayon na kami mag kita
Patakbo ako pumunta ng bahay para mag hilamos
Ilang saglit lang na tapos na din ako at dali dali ako tumakbo papuntang plaza
Hindi naman ako nahirapan mag hanap dahil matangkad naman siya
" Austin " tawag ko sakanya para alam niyang andito na ako
" Pasensya na natagalan ako " paumanhin ko
" Ok lang matagal ka na din naman namin inatay " seryoso niyang sabi pansin ko ang mata niya na mumula
" Anong sinasabi mo na hindi ako tunay na anak ng magulang ko paano nangyari yun? " Naguguluhan kong sabi
" Iniwan ka ni lola kila aling edna nung isilang ka ni mommy bata pa si mommy that time . Ang sabi ni lola kay aling edna na babalikan ka niya kasi hindi niya tayo kayang alagan ni mommy ng sabay " paliwanag niya
Nagulat ako napatingin sakanya
" Oo samara kapatid mo ako . Kambal " at tuluyan na siyang na iyak
" Ayaw ko maniwala " mahinang sabi ko
May nilabas siyang picture na dalawang sanggol
Una hindi ko makilala sino ang mga bata
Naalala ko may kaisa isa akong litrato nung sanggol palang ako dali dali ko kinuha ang wallet ko at pinag kumpara ko ito
Nanlaki ang mata ko dahil parehas na parehas ang itsura
" Paanong " nanginginig na ang buong katawan ko
" Bata palang ang mommy natin ng mabutis siya tinakwil siya nila lolo at lola dahil kahihiyan lang daw ang dala ni mommy nung manganganak na si mommy kinuha ulit siya ni lola kaso gusto lang nila apo na lalaki at di niya tayo kaya alagaan dalawa dahil mag isa lang siya nag aalaga at mag tataguyod satin kaya minabuti niyang ipaalaga ka kila aling edna " saad niya
" Gusto ka na makita ni mommy samara sising sisi si mommy dahil hindi niya alam na pinamigay ka ni lola ." malungkot niyang sabi
" Gusto ko siyang makita " sabi ko
" Bukas . Papakilala kita " sabi niya
Pauwi na ako ng bahay pero narinig ko si nanay na may kausap
Boses ni tatay
YOU ARE READING
Lucid Dream
Short StoryPaano kung kaya mong kontrolin ang mga bagay bagay sa iyong panaginip? ang saya nun diba ? Pero paano kung yung pag lulucid dream mo ay magkatotoo ? Mag lulucid dream kapaba o mananatili nalang sa reality mo?