LAST CHAPTER

1.2K 61 5
                                        

Nanlalaki padin ang mata ko na nakatingin sakanya hindi ko alam kung nananaginip ba ako o totoo na itong nangyayari

Pero isa lang ang alam ko andito na ulit siya . Nakita ko na ulit siya

Tuloy tuloy ang bagsak ng luha ko halo halong emotion ang nararamdaman ko gulat saya takot

Humakbang siya papalapit sakin at inabot ang bugkos na bulaklak

Kinurot ko pa ang sarili ko kung totoo ba ito nasaktan ako kaya totoo nangyayari ito

Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang pisngi na siyang hinawakan din ang kamay ko na nasa pisngi ko din

" Im finally home " mahinang sabi niya kitang kita ang luha din sakanyang mata

" Akala ko " hindi ko na matapos ang salita ko

" Tara sa iba nalang tayo mag usap " hinila niya ako palabas ng restaurant dahil pinag titinginan na kami

Nag drive lang siya ng nag drive hanggang sa

Nanlaki ang mata ko

Ang cliff na kita ang city lights

Bumaba siya at pinag buksan ako ng pintuan bumaba ako nagulat ako sa mga nangyayari paanong totoo ang cliff na kita ang city lights na nasa panaginip ko

Inupo niya ako sa isa sa mga bench na andun

" Alam ko marami kang katanungan pero sana hayaan mo ako mag paliwanag " sabi niya

Pero bago siya nag paliwanag sinapak ko muna siya

" Aray ko sadista ka padin kahit sa totoong buhay " natatawa niyang sabi kahit namimilipit

" Ang sama sama mo hindi ka manlang nag paalam sakin na di kana babalik sa panaginip ko nag antay ako ng ilang taon . Nag antay ako na baka sakali na babalik ka . " Naiiyak kong sabi

" Tapos malalaman ko na kaya pala kita nakikita kasi comatose ka noon " tuloy ko pa

" Im sorry kung di na ako nakapag paalam sayo im sorry kung nag sinungaling ako sayo . Oo na comatose ako dahil sa car accident . Ilang taon nasa ospital ang katawan ko samantalang ang kaluluwa ko nasa panaginip ng bawat tao . " Paliwanag niya

" Diko sinabi sayo kasi di ka nag tatanong " biglang sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin natawa siya bigla

" Joke lang ito seryoso na " nag seryoso siya

" Sa totoo lang ako mismo hindi ko alam na comatose lang ako akala ko kasi patay na ako . " Huminto muna siya saglit at tumingin sa mga city lights sa baba

" Pumasok ako sa panaginip mo dahil curious lang ako dahil ang ganda ng pag kakagawa mo parang walang problema tang masid lang ako pero one time nakita kitang umiiyak gusto kitang lapitan that time pero may pumipigil sakin hanggang sa ayun diko na talaga kaya pumasok na ako sa buhay mo . " Sabi niya

" Sabi ko sa sarili ko kakaibiganin lang kita dahil feeling ko kailangan mo ng kaibigan hanggang sa na realize ko na nahuhulog na pala ako sayo kaso inlove ka pa nun kay austin na kapatid mo pala " natatawa niyang sabi

Napairap nalang " bakit alam ko ba na kapatid ko siya wag kang judgemental " inis na sabi ko

Natawa lang siya

" Nung last birthday natin nung nagising ka may napasukan ako na parang palasyo . Palasyo ng mga panaginip kinausap niya ako kung gusto ko bang manatili sa panaginip na ito o gusto ko mabuhay " sabi niya

" At pinili mo ang mabuhay " mahinang sabi ko

" Oo pero may isang kondisyon . Makakalimutan ko ang lahat ng panaginip na napuntahan ko lalo na ang iyo at wala na akong kakayahang mag lucid dream" sabi niya

Lucid DreamWhere stories live. Discover now