Facebook Status (One Shot)

250 13 3
                                    

"Trish, baka 'di na yan makaabot ng last subject dahil sa titig mo. Matunaw uy!" bulong saakin ni Kisha na palaging nambubulabog habang pinagmamasdan ko si Justine na naka earphones habang nakatingin sa labas.



Hindi ko nga alam kung bakit crush ko yang Justine na yan eh ang sungit sungit naman. Hindi malapitan agad. Pag tinatanong mo, dededmahin ka lang. Minsan naman nag wawalk out. HIndi ko pa nga yan nakitang ngumiti kahit kasama niya ang tropa niya. Tropa ng mga basagulero sa campus. Bully sila lahat. Walang sinasanto kahit si Principal. Pano yung isa anak ng may ari ng school. Kaya hindi ako lumalapit sakanila. Mahirap na baka mapagtripan din.



Napitlag ako sa pagtunog ng bell. Hudyat na lunch time na. Inayos ko agad ang mga notebooks ko at itinago sa bag. Napatingin naman ako kay Justine na sinusuot ang Jansport niyang wala atang laman.




Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Ang cool niya kasi. Kahit bad boy ang image niya, ang pogi parin. Ewan ko ba. Mga ganito ata ang type ko. Ts. Nagsimula na siyang maglagad at iginala ang tingin sa kabuuan ng classroom. Halos 5 nalang ang natira sa room dahil umalis na yung iba.




Nagtama ang paningin namin. Naghumentaryo ang puso ko ng makita kong nakatingin siya saakin. Ang mga mata niyang nakaka intimidate at walang emosyon. Walang anu-ano'y iniwas ko agad ang tingin ko. Dahil ramdam kong nag iinit na din ang pisngi ko at sa takot na mapag tripan ako ng barkada niya. Nakita ko nalang siya na nakalabas na ng classroom.




-


Kakauwi ko lang sa bahay ng may nagdoorbell. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Kisha na may dala-dalang mga cartolina at manila paper. Magrereport pala kami bukas at partners kaming dalawa.



Pumasok kami sa kwarto ko at iniwan ko muna siya doon para magshower saglit.



"Trish! Pahirap laptop mo!" sabay katok saakin ni Kisha sa banyo.



"Sige!" sigaw ko din at narinig ko ang mga yapak niya papalayo.



Paglabas ko ng banyo ay nadatnan ko si Kisha na nakangisi habang nakatitig sa laptop ko. Tumaas ang isang kilay ko at kumunot ang aking noo.



"Anong problema mo?" tanong ko sakanya. Unti unti niyang tinaas ang kamayu niya at tinuro ang screen ng laptop ko. Lumapit ako doon at parang tumigil ang mundo ko ng mabasa ko iyon.




Trish Grummon - feeling loved


Ang gwapo mo talaga Justine!! I crush you so much! ♥ -with Justine Santiago

5 minutes ago

Facebook Status (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon