Preview

283 11 0
                                    

WARNING!!! This is a BoyxBoy Love story. If you're close-minded, don't read it. If you found Gay couples cute, then read. Hihi... This will be my first story in watty. So, please bear with me, and I can also receive messages and comments for this story be better. My other acc. @JamisLoveee


Si Tierra, ang ikatlong anak sa apat na magkakapatid nina Haring Poderoso at ni Reyna Valeriana sa Kaharian ng Cristales. Siya ang nakakuha ng taglay na kapangyarihang lupa. Sa kanilang magkakapatid ay siya ang pinakamahina, ngunit napaka-amo at napakaganda niya, dahilan para pagnasaan ng kalalakihan at kababaihan sa kaharian. Sa murang edad, ay nangako siya sa sarili niya na wala siyang mamahalin mapalalake o babae. Ngunit, nagbago ang lahat ng iyon nang makilala niya ang magiting na sundalo ng kanilang kaharian na si Hermoso.


Si Hermoso, isang tapat at magiting na sundalo ng Kaharian ng Cristales. Gwapo siya, perfectly sculpted nose, piercing eyes, flawless skin, lahat ng pinangarap na katangian ng isang lalake. Musmos palang ay nawalay na sa pamilya at kinupkop ng Punong Kapitan ng mga Sundalo ng kaharian.


Masaya at mapayapang namumuhay ang Kaharian ng Cristales ngunit nagbago ang lahat ng iyon nang magkaroon ng malubhang sakit ang Reyna, dahilan upang mamayapa. Nagkagulo ang buong kaharian sa nangyari, na labis na ikinalungkot ng Hari. Kailangan nila nang bagong reyna upang maitaguyod ng maayos ang buong kaharian. At dumating nanga ang isang napakagandang dilag na bumihag ulit sa puso ng hari... ngunit may ibang intensyon ang dilag na si Bella.


Ano kaya ang mangyayari sa buong kaharian ng pakasalan ni Haring Poderoso si Bella? Makaka-apekto kaya ito sa samahan ng magkakapatid? Ano ba talaga ang intensyon ni Bella? at, Ano ang mangyayari sa Love story nina Tierra at Hermoso? Tunghayan ang kapana-panabik, kahindik-hindik, nakakatuwa at nakakagulong kwento ni Tierra.

Tierra's Power & Love (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon