Chapter 10

99 6 0
                                    


T I E R R A

"Hinding-hindi ko matatanggap to!" galit na sabi ni Kuya. Nandito kaming apat na magkakapatid sa aking silid. Hindi pa rin namin masikmura na tuluyan nang nagpakasal si Ama kay Bella.

"Kuya wala na tayong magagawa. Simula mga musmos palang tayo, hindi natin kayang kalabanin ang kagustuhan ng Ama." Sabi ni Ate Agua na nawawalan na ng pag-asa. Nang biglang bumukas ang pinto...

"MGA BATA! Ang Ama niyo..." natataranta na parang naiiyak na sigaw ni Aling Ninyera na matagal nang nagsisilbi sa palasyo.

"Bakit? Ano pong nangyari?" tanong ko. Hindi na nasagot ang tanong ko nang tumakbo papalabas ang aking tatlong kapatid, sumunod na lamang ako. Nabigla na lamang ako sa aking nakita... Si Ama nakahiga sa kanyang kama na may patalim sa kanyang tagiliran. Nakita ko namang humahagulgol si Bella sa tabi niya.

"Anong nangyari?" tanong ni Viento habang tumutulo ang kanyang mga luha.

"K-kukuha lang s-sana ako ng a-aming m-aaiinnom sa k-k-ku-usina, ngu-ngunit pa-pagba-balik ko, Ito na siya..." Umiiyak na sabi ni Bella

"Huh?! Teka... hindi ito maaari. Pa-paano? Hindi! Ama! Ama! Gumising ka..." umiiyak na rin na sabi ni Ate. Hindi ko na namamalayan na basang-basa na pala ang aking pisngi. Pumasok na rin ang manggagamot ng aming kaharian at sinuri si Ama.

"Hindi na tumitibok ang kanyang puso, at hindi ko na rin nararamdaman ang kanyang pulso. Malungkot mang sabihin ngunit, sumakabilang buhay na ang hari."

Para akong nabagsakan ng malaking puno nang marinig ko ang mga katagang yun. Hindi maaari. Sa pagkakaalam ko, wala namang kaaway si Ama. Kapamilya ang turing niya sa kanyang mamamayan. Hindi pwede. Parang may mali...

KINABUKASAN

Parang kahapon lang nang nandito kami sa dalampasigan upang ihatid si Mama sa huling hantungan niya. Ngayon, si Ama na naman ang aming ipinagluluksa. Nandito ang buong mamamayan ng aming kaharian. Katulad ni Mama, inilagay ang bangkay ni Ama sa isang balsa na puno ng palamuti. Madami na rin ang nag-iiyakan, at isa na ako dun. Una, nawalan kami ng Ina, ngayon isang butihing Ama na naman ang nawala sa aming piling.

Unti-unti nang lumalayo ang balsa kung saan naroon ang aking namayapang Ama. Ganitong-ganito ang nangyari nang si Mama ang nawala sa amin. Nag-iiyakan. Nagdadamayan. Nagsibalikan na rin ang mga tao pabalik sa kaharian. At kaming magkakapatid lamang ang naiwan dito sa dalampasigan.

"Paano na'to? Wala na tayong mga magulang. Ulila na tayo." Malungkot na wika ni Viento

"Huwag kang mag-alala Viento, nandito pa na man kaming mga kapatid mo. Isipin na lamang natin na magkasama na ulit si Ama at Mama." Sabi ni Ate na tila nangbubuhay ng pag-asa

"Hindi pa huli ang lahat. Nandiyan pa ang kaharian na dapat nating pangalagaan. Hindi natin dapat hayaang mapunta sa masamang kamay ang pinaghirapan at pinalago n gating mga magulang." –Kuya

"Ngunit papaano yan kuya. Kasal si Ama kay Bella nang siya'y mahiwalay sa atin. Si Bella ang magiging Reyna." –ako

"May kutob ako na may masamang balak 'yang babaeng yan ha! Isipin niyo? Bagong kasal palang sila, namatay na agad si Ama. Sa pagkakaalam ko, walang nagpaparamdam na kaaway an gating kaharian. Tapos, sabi niya kumuha lang siya iinumin nila sa Kusina at pagbalik niya, patay na si Ama. Nung pumasok tayo sa silid ni Ama, wala naman akong nakitang maiinom dun. Kuha niyo?" mahabang sabi ni Ate

"Oo nga ate noh?! Nang tayo'y pumasok wala akong nakitang iinumin nila sa silid. Isipin niyo nga pag kayo ang nasa sitwasyon, may dala dala kang inumin tapos sa iyong pagbalik patay na ang asawa mo, diba dapat mabibitawan mo dala dala mo at tatakbo papunta sa asawa mo." Dagdag pa ni Viento

"Wag nga kayo mag-isip nang ganyan. Malay niyo, nilinis na o kinuha na pala ng katulong ng palasyo ang inumin nila. Alam niyo, bumalik na lamang tayo sa palasyo. Gutom lang 'yan." Sabi ni Kuya na sinusubukang pagaanin ang aming loob.

Bumalik na nga kami nang palasyo. At kung iyong pagmamasdan, wala nang nagsasayawan at nagkakantahan na mga tao. Masyado nang tahimik. Hindi katulad nang dati, masayang Masaya ang buong kaharian.

Dalawang linggo na ang nakakaraan nang kami'y maulila. Ang dating Masaya at masigla na kaharian ay tila nalumbay, nang mawalan sila nang hari. Ipinasa ng minstro ng kaharian ang titulo bilang reyna si Bella. Hindi ko alam kung marunong siyang mamahala o ano. Ayokong manghusga.

Ako'y kasalukuyang nasa kwadra ni Ballo. Matagal tagal na rin nang di ko nakakasama ang kabayong 'to. Malakas pa rin naman siya. Matapos kong pakainin si Ballo, pumasok na ako nang palasyo. Nasa likod lang naman ng palasyo ang kwadra. Nang tinatahak ko ang aking daan patungo sa aking silid, isang tagpo ang nakapagpabagabag sa akin. Si Kuya....

Nakikipaghalikan kay Bella!

---------------------------------------

Sorry, ngayon lang nakapag update ulit. Sana'y wag akong kamuhian. Na-busy lang naman kakapanood ng Avatar: The Legend of Korra! Enjoy!

Tierra's Power & Love (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon