Chapter 4

94 10 0
                                    

"Handa ka na?"


Tumalikod ako, at nakita ko si Mama na nakangiti sakin. Tumango na lamang ako sabay ngiti.


"Halika Na, naghihintay na ang buong kaharian sayo sa labas ng palasyo." - Ate


Humayo kami papuntang labas ng palasyo. Nang makaharap na namin ang malaking pinto ng palasyo, tiningnan ko sina Mama at Ate ngunit, bakit wala sila sa tabi ko?


Biglang bumukas ang malaking pinto, sabay ng pagtugtog ng mga trumpeta. Nagulat na lamang ako dahil sobrang dami ng tao sa labas ng kaharian. Nagsimula na akong maglakad, at naghiyawan ang lahat ng tao. Kinakabahan talaga ako, ngayon lang ako nakaharap sa maraming tao, dahil palagi akong nasa palasyo at minsan na lamang nakakalabas.


Nakita kong lumapit sa akin si Kuya Fuego na nakangiti. Nginitian ko din siya ng napakatamis.


"Maligayang Kaarawan Tierra!" Bati niya sabay halik sa aking kamay. Mas lumakas ang hiyawan ng mga tao, at mga pito. Bakit may pito? Naramdaman kong namula ako. Bakit ba kasi hinalikan ang kamay ko, eh kuya ko naman siya.


"Ang lakas mo naman makababae Kuya, nakakahiya." Sabi ko ng medyo nakatagpo ang aking kilay. Ipinulupot na lang niya ang aking kamay sa kanyang bisig. Ang laki ng kanyang bisig at sobrang tigas. Nakakailang na talaga.


Pumunta kami sa isang napakahabang mesa at sa gitna ako pinaupo ni Kuya. Nandoon sina Ate at Viento, umupo naman si Kuya sa may kanan ko. Sa mahabang lamesa nakaupo rin ang mga pinuno ng iba't ibang ministro ng kaharian.


"Nasan sina Ama't Mama?" Tanong ko sakanila


"Nandoon sila sa trono nila sa gitna." Walang ganang sagot ni Viento


Tiningnan ko nga sila, nasa likod ko lang pala. -_-. Nginitian ko lamang sila at ibinalik naman nila. Nabigla ako nang may narinig akong pumutok, tiningnan ko ang paligid lahat sila nakatingala. Tumingala na rin ako, at ang gandaaaa!!! May mga paputok sa itaas, ang kukulay at may napormang isang dragon at biglang sumabog. Teka, ang aga aga nagpapaputok na sila? Pero bawing-bawi naman.


Pagkatapos naming kumain, pumunta ako sa harap ng lahat at lumuhod sa harap ng Amang hari. Lumapit ito saakin saka inilabas ang kanyang espada, may mga salita siyang binigkas at inilapat ang espada sa magkabila kong balikat at sa ulo. Nagpalakpakan ang mga tao, saka ako tumayo. Kinawayan ko silang lahat kasabay ng isang ngiting ubod ng tamis.


"Anak, nandito na ang manghuhula ng kaharian, sumunod ka sakin at dadalhin kita sa kanya, na nandodoon sa isang silid sa loob ng palasyo." -Mama


Tumango na lamang ako at sinundan siya. Nang makarating kami sa isang silid na may malaking kahoy na pintuan. Ngayon ko lang napansin na may ganito kaming silid sa palasyo. Bumukas ito at bumungad samin ang kadiliman.


"Dito na lamang ako sa labas anak. Hihintayin kita." sabi ni mama na may ngiti


Habang naglalakad ako'y biglang nagka-ilaw at nanggagaling iyon sa kandila na nasa gitna ng lamesang bilog, na nasa gitna ng silid. May nakita kong babae na nakaupo sa isang silya na nasa mesa. Eto na siguro ang manghuhula, o baka siya na talaga.


"Mahal na prinsepe, maupo po kayo"


Lumapit ako at umupo sa isang silya, at kaharap ko na ang babae, napansin kong matanda na siya, kulubot na ang balat. Pero hindi naman nakakatakot ang itsura. Bigla niya kinuha ang kaliwa kong kamay na nakapatong sa mesa. Saka hinawakan ang palad.


"Masyadong mahina ang iyong kapangyarihan kamahalan, ngunit 'di hamak na mas malakas ka sa karaniwang mangkukulam. Pero mas lalakas ka pa kung may mag-aalay sayo ng kapangyarihan. Paka-ingatan mo ang iyong pagkabirhen, dahil pag nawala ito mawawala rin ang iyong kapangyarihan. Maari ka lamang makipagtalik kung kasal ka na. Kung makakasal ka sa isang hari o prinsepe mas lalakas ka, at kung mawala man iyong pagkabirhen na hindi pa kasal, kailangan mo paring magpakasal sa isang hari o prinsepe." tuluy-tuloy niyang sabi.


"Ha?! Bakit lalake? 'Di pwedeng babae?" tanong ko. Di naman kasi normal sa lugar namin ang parehong kasarian ang iyong pakakasalan, ngunit may parte sa aking pagkatao na biglang sumigla nang nalaman kong dapat magpakasal sa isang lalake.


"Alam kong hindi normal 'yon pero yun ang nakalaan para sa'yo at 'di mo na mapipigilan. At ang hayop na nakalaan rin sa'yo ay makikita mo sa likod ng palasyo, mamaya pagsikat ng buwan, saka ka dapat lumabas . Ang iyong hinaharap ay mag....—-"


Naputol siya sa kanyang sinasabi, dahil biglang bumukas ang pinto at nakita si Mama na parang nagulat na may halong kaba. Sa likuran naman nito'y isang sundalo ng kaharian.


"Anak, manatili ka dito. Hindi ka dapat lumabas dito. DITO KA LANG!" diin niyang sabi na ikinalito ko.


"HUH?! Bakit Ma, anong nangyayari?" tanong ko, 'di na ako mapakali


"BASTA!!! Dito ka lamang" sabi niya sabay alis at isirado ang pinto. Pagtingin ko sa likuran ko'y nawala ang manghuhula.



Anong nangyayare?


———————————————————————————————————————————————


Bibitinin ko muna kayo my dear readers... (Oo, gising pa ako sa mga oras na'to)



-Jammy

Tierra's Power & Love (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon