Chapter 3

100 10 0
                                    

T I E R R A


"Anak, handa ka na ba sa kaarawan mo bukas?" tanong ni Mama


Nandito kami ngayon sa hapag, kumakain ng hapunan. Nalito naman ako sa tanong ni Mama.


"Ano naman pong paghahandaan ko bukas? Wala namang mangyayari diba? Tsaka, magsa-salo-salo lang naman ang buong kaharian bukas hindi ba?" Nalilito kong tanong sa kanya.


"Anak, bukas na ang ika-18 mong kaarawan. Mahalaga yun, mas magiging malakas ang iyong kapangyarihan." - Ama


"Eh, siya naman ang pinakamahina sa aming magkakapatid eh, baka nga matalo ko siya sa labanan ng kapangyarihan kahit na Labing-walong taong gulang na siya." - Pagmamayabang ni Viento. Di naman ako nakapagsalita, dahil totoo naman.


"Viento! Kahit na siya ang pinakamahina, at mas malakas ka, wala kang dapat ipagmayabang, dahil baka sa isang iglap mawala yang kapangyarihan mo." - Ama


Natahimik na lamang kaming lahat, at ipinagpatuloy ang pagkain. Nakita kong ipinagkibit-balikat nalamang ni Viento ang sinabi ni Ama.


"Ah, oo nga pala, darating ang manghuhula ng kaharian upang matingnan ang hinaharap, at kung papaano mawawala ang kapangyarihan ni Tierra." pagputol ni Mama sa katahimikan


"Kailangan pa ba 'yon Ma?" tanong ko sa parang pagrereklamong tono sabay taas ng kilay


"Oo naman anak, nanalaytay sayo ang pagiging imortal, kaya tradisyon na natin 'yan."


Natapos na kaming kumain ng hapunan, at nagsi-akyatan na rin kami sa sarili naming mga silid. Nagbilin sa akin si Mama na dapat na akong magpahinga dahil magiging mahabang araw bukas.



*****KINABUKASAN******


Nagising ako dahil sa ingay ng pagkatok sa pinto ng aking silid. Tiningnan ko ang kalangitan mula sa malaking bintana, at masasabi kong malapit na rin ang paglabas ng araw. Kumatok na naman ang tao sa labas ng aking silid ng napakalas. Galit?! Nagmamadali?! Aga-aga!!!


Agad naman akong tumayo at pinagbuksan kung sino man ang nandidistorbo sa aking pagtulog, at di naman ako nagkamali...


"Maligayang Kaarawan aking magandang kapatid" masiglang sigaw ni Ate Aqua sabay yakap sakin. Ibinalik ko naman ang yakap niya.


"Maka-maganda naman po kayo ate, parang di ka nai-insulto dahil mas maganda ako sayo" sabi ko at napatawa na lang kami. Kumawala na rin kami sa pagkakayakap.


"Maligo ka na, Nakahanda na rin ang iyong susuotin. Kayaaaa, Dali-an mo" sabi niya na tila siya ang may kaarawan. At umalis na rin sa aking silid.


Pumunta na rin ako sa sarili kong palikuran at doon naglinis ng katawan. Pagkatapos ko ay lumabas na ako, nakita ko ang perpektong pagsikat ng araw. Biglang sumakit ang buo kong katawan na parang namamanhid. Napaupo ako bigla sa sahig na nagdulot ng malakas na ingay. Bigla namang pumasok sa kwarto ang aking ate at lumapit sa akin. Agad niya akong pinahiga sa kama.


"Anong nangyari sayo? May masakit ba? Baka kung anong mangyari sayo? Naku, ika-18 na kaarawan mo pa naman. Baka naisumpa ka noon at ito na ang katuparan nun, tapos mangingisay ka, tapos mahihirapang huminga, o baka mawala sayo ang iyong kapangyariha. NAKUUU! Di ko ata kaya yun. Ayos ka lang ba?" Satsat niya na parang natataranta atkung saan saan tumitingin


"Wag kang O.A. ate! Ayos lang ako, at unti-unting nawawala ang sakit, wag kang mag-alala. San na ba ang susuotin ko?" tanong ko


"Kukunin ko pa, tapos may bigla akong narinig mula dito sa iyong silid, kaya nagmadali akong pumunta dito. Ayos ka lang ba talaga?"


Binigyan ko siya ng walang ganang tingin at sinuklian niya ng matamis na ngiti, saka umalis sa aking silid.


Nawala na ang sakit na aking ininda kanina. Ewan ko kung anong nangyayari pero naramdaman kong parang may koneksyon ito sa aking kapangyarihan. Pakiramdam ko mas lumakas ako, na parang mas naging masigla ako. Basta!!!


Wala anu-ano'y bumukas ang pinto at iniluwa ang aking magandang kapatid dala dala ang damit na gawa sa tuyong dahon, na kumikinang pa. Ang pang-itaas ko ay hanggang dibdib lamang, makikita pusod ko? Mataas naman ang pang-ibaba, pero pinoproblema ko ang pang-itaas. May kapa pa na kulay berde na may mga dahon dahon sa gilid.


"Ano 'to ate? Bakit dapat makita ang pusod ko? Baka may magtangka na namang gahasa-in ako niyan. Ayoko niyan! Ano 'to nakulangan ng tuyong dahon ang kaharian at hanggang diyan lang? Ayoko... " reklamo kong nakasimangot


"Wag ka na ngang magreklamo. Isuot mo nalang, at protektado ka naman eh. Walang magtatangka ulit na kunin ang pinakamamahal mong pagkabirhen. At nandito rin ang korona mo na gawa sa ugat ng pinakamatandang puno dito sa kaharian. Isuot mo na, maraming naghihintay sayo sa labas. Hihintayin na lang kita sa labas ng silid mo." mahaba niyang sabi, halos walang hinga-an nga eh.



Alam ko namang wala akong laban kay ate pagdating sa satsatan, kaya pumasok uli ako sa palikuran at nagbihis. Ang sikip ng pang-ibaba ko, bakat na bakat ang aking likuran, 'di naman masyado sa harapan. Napabuntong hininga nalamang ako at lumabas na rin ng palikuran. Isinu-ot ko narin ang korona at lumabas na. Nagulat ako at napatalon, pano naman kasi, biglang pumalakpak si ate at sumigaw na parang baliw.


"Hoy, ate, tigilan mo nga yan, para kang sira ulo."


"Ang ganda mo, Tierra, para ka talagang babae, Nakuuu, ang ganda ng pagkakurba ng hawak mo at malaki ang bewang mo. Nakakainis ka, mahihiya na akong tabihan ka. Baka sabihing alipin mo ako." Sabi niya sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa


"Ate, wag ka nga. Maganda ka parin naman eh" pambobola ko at tumawa kaming dalawa. Tanga Lang? -_-


"Handa ka na?"


———————————————————————————————————


Sorry guys, di ako nakapag update kahapon. Susubukan kong bumawi ngayon, kahit na 6 lang kayong readers. Hihi


Okay lang. pero mas Okay kung makatanggap ako ng Comments and Votes?


Tierra's Power & Love (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon