[18]

1.2K 62 56
                                    

(3rd Person's POV)

"Welcome, mga katorpe!" saad ng isang babae na nasa bukana ng booth.

Yan ang bumungad kaila Penelope at Uriel noong dalhin sila ng estudyante sa isa na namang booth – ang Jail Booth with a Twist. Okupado ng booth na ito ang isang buong building ng engineering since mga engineering students ang nakaisip ng pakulong iyon. Ang disenyo ng bawat room ay tila isang kulungan at sa loob nito ay may isang pares ng tao na nakakulong at tulad ng dalawa nating bida ay nakaposas din.

"So, ano namang ganap natin ngayon dito? Preso yarn?" rinig ni Pen na bulong ni Uriel.

"May kaibigan o kakilala ba kayong torpe? Iyong hiyang hiyang umamin sa taong napupusuan nila? Huwag kayong mag-alala! Tutulungan natin sila! Sa halagang 500, mararanasan na nilang makulong sa taong mahal nila! Kaya ano pang hinihintay niyo? Ipakulong niyo na sila!" muling saad noong babae sa entrance na sinamahan pa ng malademonyitang tawa.

Tila nabuhayan naman ang mga estudyanteng nakarinig at nagkagulong pumila roon sa isa pang estudyante na nakaupo sa isang sulok at may nakalatag na listahan.

"Ano po bang lagay ng kaibigan niyo? Gaano po ba siya katorpe? Kailan po ba nagsimula ang katorpehan niya?" narinig pa ni Pen na tanong noong naglilista.

"Mga kabataan talaga ngayon daming pakulo!" iritable namang bulong ni Uriel.

Maya-maya pa'y may lumapit sa kanila na estudyanteng tila nakauniporme ng pampulis. Dahil bawal naman magsuot ng uniporme ng mga nasa ganoong propesyon, nakasuot lamang ito ng asul na polo na itinuck in sa asul ding palda. Pagtapos may iniangat itong isang papel at binasa.

"Kayo, Uriel at Penelope Penalver, ay dinadakip dahil sa kasong..." napahinto sa pagbabasa iyong babae bago nagsalit-salit ang tingin sa dalawang bida at napangiwi pa ito bago muling nagsalita. "...dahil sa kasong nag-uulyaning mga puso."

"Ano raw, be? Ano may alzheimer's lang ang ganap?" angal naman ni Uriel.

"Ito ay isinampa ni Ms. Kyra ---"

Hindi na natapos pa noong babae ang binabasa dahil mabilis na hinablot ni Uriel ang papel at walang pakundangan itong nilukot at tinapon sa kung saan.

"Uriel!" sita naman ni Pen.

"Dami pang hanash, be. Kulong mo na lang kaya kami?" iritable namang saad ni Uriel.

Napakamot na lamang sa ulo niya iyong babae at napabuga ng hangin bago sinenyasan sila Uriel na sumunod sa kanya.

Dinala niya ang dalawa sa 4th floor ng building at sa ikalimang room. Ito ang magsisilbing selda ng dalawa sa loob ng 30 minutes. Wala pang katao-tao roon. Sila ang unang preso.

"Pagtapos ng 30 minutes ay babalikan ko kayo para makalaya na. Sa ngayon, samantalahin niyo na ang pagkakataon na masabi ang mga nilalaman ng mga puso niyo." seryosong saad noong bababae. "Paalam, mga katorpe!" dagdag pa nito kasabay ng pagtunog ng click ng kandado.

Nairolyo na lamang ni Uriel ang mga mata bago inaya si Pen na umupo sa dalawang upuan na nasa gitna ng room.

"Lakas ng trip ng teacher mo no? Number one shipper ata natin yun e." panimula ni Uriel bago inihiga ang ulo sa brasong nakalapat sa arm chair. Tiningnan lamang siya ni Pen bago sumandal sa upuan.

Dahil walang nakuhang sagot mula sa dalaga, tinapunan niya ito ng tingin. Nahagip pa ng mga paningin niya ang band aid na nakadikit sa gilid ng leeg nito para matakman ang love bite na iniwan niya roon noong nagdaang gabi. Hindi rin niya tuloy naiwasang maalala ang ginawa nitong pagpatong sa kanya dahilan para pamulahan siya ng mukha.

Every Full MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon