F02

755 22 0
                                    

 KAKATAPOS pa lang ng second period nila at abala sya sa pagbabasa ng book na novel story at hindi alintana ang paglalakad nya sa hallway at maraming nakakasalubong.

"Heaven please naman itigil mo muna yan, kung hindi ka busy sa acads ay sa story ka nanaman." sabay irap pa sakanya ng kaibigang si Belle at nai-imagine pa nya ang pag irap ng kaibigan habang naka suot ng eye glasses.

"Haha, stress nanaman ang ate nyo Dumbelle."

Pasingit pa ni Lexie na may panunuya. Mukhang magsisimula nanaman sila sa pagbabangayan.

"Ewan ko sayong bakla ka." tumingin ulit sakanya si Belle. "Nood tayo ng soafball practice nina Kyle, naka promise kasi ako sakanya kanina e."

Si Kyle Mariano ang long time na ka-mutual understanding ng kaibigan nyang si Belle. Grade 11 palang sila ay ganun na ang label ng mga 'to pero hindi nya alam kung bakit wala pang level up.

Gwapo, mabait at ito rin ay member ng soafball team kaya hindi nya masisi ang kaibigan kung patay na patay ito dun.

Hindi talaga sya mahilig sa maingay at wala din syang interest sa usapang mga laro pero para sa ika-sasaya ng kaibigan ay sumunod nalang ito.

Ngingiti-ngiti pa ang kaibigan habang nanonood ito sa binata at minsan pa anga ay nginingitian ni Kyle si Belle at kita dito ang pagpipigil na ilabas ang kilig na labis nyang ikinatawa.

Nang matapos ang practice nito ay tumayo sila nang makitang paparating sa kinaroroonan nila ang binata at tatlo pa nitong mga kasama.

Kumaway sakanya ang kasama si Louis ang captain ng soafball team at kaibigan ni Kyle. Hindi maikakaila ang kagwapuhan nito, matangkad at maputi. Sobrang bagay nya din ang buhok nyang mala Chris Evans ang dating, pero walang tatalo sa dating ng ninong gob nya.

Did i say ninong gob?!

No. No.

"Heaven si Louis pala ang captain namin na pat--

Hindi na natuloy ni Kyle dahil sumabat na si Louis.

"Ahm, h-hi Heaven; mabuti naisipan nyong manood." Kapansin pansin ang pamumula ng binata

Nginitian naman nya ito na mas ikinapula ng buong mukha nya.

Cute.

"Nagyaya kasi si Belle kaya naisipan ko na din sumama. Ang galing nyo pala, keep it up."

Uminom ng tubig ang binata at huminga ng malalim saka tinapik ang braso ni Kyle.

"F*ck, imagine pinuri ka ng isang Heaven Miracle Monteccini. Nakakaganado pala."

Narinig nyang turan ng binata pero hindi nalang nya pinansin dahil nagyaya ng pumasok sa ikatlong klase nila ang kaibigang si Lexi.

They already finish their Science Class in Science laboratory but their adviser, Misis Montañer discuss first the upcoming English festival before the dismissal.

"Kailangan din natin ng English Journalist for incoming English festival class."

Oo nga pala't sa first week ng January yun. She almost forget it because of that Pandemic.

FS 1: FRANCO MONTECCINI(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon