Jay's pov
Nagising ako sa di pamilyar na lugar at masakit din ang ulo ko . Tatayo na sana Ko ng bigla akong nadapa at Don ko nakita ang kadena na nakatali sa aking kaliwang paa.
Pilit ko itong tinatanggal pero naubos lang ang lakas ko . Napaiyak nalang ako pagkatapos mawala ng pinaghirapan kong negosyo eto naman ang sumunod . Napatigil ako sa pag iyak ng biglang bumukas ang pinto at hindi ko maaninag kung sino yon hanggang sa lumapit ito at nagulat ako .
"I...ikaw? Bat moko dinala dito pakawalan mo ako! Please parang awa mo na" pag mamakaawa ko dito pero pinisil lang nito ang pisngi ko bago siya nagsalita
"I never do that your mine and I love you" Saad nito na labis kong ikinataka .
Bakit ako pa napakayaman niya kahit sinong babae ay magkakandarapa sa kanya pero bakit ako."No hindi kita gusto at-" diko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong bigyan ng isang malakas na sampal.
"If you do not love me and I will teach you to love me" nakangising Saad nito bago tuluyang lumabas at sinaraduhan ang pinto.Naiwan akong nakatulala habang nakahawak sa kabilang pisngi ko . Ansakit ng sampal niya . Bigla nalang tumulo ang mga luha ko at napaupo sa kama habang nakasabunot Sa buhok.
"Bakit ako pa? Ano bang meron sakin " wika ko bago napahiga sa kama hanggang sa nakatulog .
Xavier's pov
I'm here in the balcony nagsisi ako sa ginawa ko sa kanyang pagsampal . Pero kung yun ang kinakailangan kong gawin ang maging possessive gagawin ko maangkin ko lang siya.
Bumaba na ako papuntang kusina at inutusan ko sina manang na ipagluto ng pagkain si Jay dahil alam kong di pa ito kumakain .
Binilin ko din na dalhin nalang nila sa kwarto ni Jay ang pagkain. Wala silang pakealam sa desisyon ko dahil pag nakialam sila ay masisisante sila that's why kahit magmakaawa pa si Jay na pakawalan siya ay hindi nila magagawa yon.
Pagkatapos kong mag bilin ay tinawagan ko ang kaibigan kong lawyer para gumawa ng kasulatan. Pagkatapos non lumabas na ako ng bahay dahil pupunta ako sa mall para ibili ng mga damit si Jay .
Pagkarating ko sa mall ay naghanap na ako ng magagandang damit . Pupunta na sana ako sa counter nang makita ko ang isang magandang dress na kulay red . Alam kong bagay to Kay Jay kaya kinuha ko na rin sabay punta sa counter para magbayad
Pagkabayad ko ay umalis narin ako para umuwi na ng bahay dahil nag text na si Joseph siya yung lawyer na gagawa ng kasulatan para sa amin ni Jay.
Pagkarating ko sa mansion ay naka park na ang kotse ni Joseph kaya naman iniutos ko nalang sa driver ko na siya na ang mag park ng kotse ko sa garahe. Pagpasok ko sa mansion bitbit ang mga pinamili ko ay nakita ko siyang nakaupo sa sofa Feeling señorito. Tumingin lang ito ng masama
"Ano na naman tong pinagagagawa mo? " wika nito habang nakataas ang isang kilay
"Gawan mo kami ng kasulatan ni Jay I'll pay you after " seryosong saad ko at bigla itong ngumise , pagdating sa Pera galing na galing ng kumag na to.Pagkatapos nitong gumawa ay inihanda ko na ang perang kapalit , nakalagay ito sa briefcase . Pagkatingin niya ay nagpaalam na ito may importante pa daw siyang lalakarin (gagastahin niya lang yon sa babae niya i guess)
Pumunta ako sa kusina para tanungin kung kamusta na si Jay at ang sabi ng mga maids ay kumain naman daw at naubos ang binigay nilang pagkain.
Nang masagot nila ang aking katanungan ay umakyat na ako sa taas papunta sa kwarto ni Jay para I check siya at mahimbing itong natutulog kaya dahan dahan akong pumasok upang hindi ito magising.
Nang makalapit ako dito ay tiningnan ko ang maamong mukha nito. Bakas parin sa pisnge niya ang natamo niyang sampal na kagagawan ko . Bigla siyang nagising at diko alam kung anong gagawin ko
"Anong ginagawa mo dito?" Pagalit na Saad nito kaya naman huminga muna ako ng malalim bago ko iniabot ang mga pinamili ko para sa kanya.
"Take this , mga damit mo yan marahil nagtataka ka kung bakit may red dress dyan well susuotin mo yan sa ayaw at sa gusto mo maliwanag" pagkatapos non ay lumabas na ako ng kwarto para pumunta sa sarili kong kwarto.
Napahiga nalang ako habang may halong awa sa aking mukha .
"Kung di ka lang sana nagmamatigas Jay hindi sana mangyayari ang ganitong set up , I don't want to hurt you because I love you and I want to take care of you
No matter what". Sa pag titig ko sa kisame ay biglang nag ring ang phone ko
At tumawag ang engineer na inutusan ko para itayo muli ang nasirang flower shop ni Jay."Sir good afternoon gusto ko lang sabihin na nabili na namin lahat ng materyales na gagamitin para sa pagtatayo ng pinapagawa niyo " wika nito .
"Good make sure na maganda ang kalalabasan niyan but ayways ikaw na bahala sa mga trabahador na gagawa niyan and call me para maibigay ko ang mga sahod nila " wika ko bago ko binaba ang tawag sa telepono.
Tiningnan ko ang laptop ko at biglang nag pop up ang message ng secretary ko maganda daw ang sales ng kompanya at patuloy na lumalaki ang mga shares .
Habang busy ako sa laptop ko ay biglang tumawag ang mga Guards at nang sinagot ko ito ay napatayo ako at napahampas sa lamesa.
"Fvck pigilan niyo at wag niyong palalabasin it's that clear?" Pagkababa ko ng telepono ay dali dali akong lumabas.
Halos matisod na ako pababa ng hagdan nag aalala ako na baka makalusot siya at makatakas . Hinding hindi ko hahayaang mangyari yon dahil ayaw kong mawala siya at iwan niya ako.Nang makarating ako ay nakita ko siyang nakikipagtalo sa mga Guards at nagmamakaawang palabasin . Nang makita ko iyon ay naglakad nalang ako ng mahinahon papunta sa kanyang kinaroonan nang bigla itong lumingon at kita ko sa mukha niya ang kaba . Bakit ba lagi siyang natatakot eh hindi ko naman siya sasaktan .
Halos maging parang suka na siya sa sobrang pamumutla pero ang cute niya parin he looks like an angel and it's so damn he's gorgeous. Nakikita ko sa kanya ang dati kong nobyo, kamukhang kamukha niya kaya parang naguguilty ako pag diko napipigilan ang sarili kong saktan siya.
Namatay ang Dati kong nobyo dahil may sakit siyang cancer at ang masakit doon ay hindi niya ipinaalam sa akin . Kahit manlang sana sa nalalabing buhay niya ay Nakagawa pa kami ng masasayang alala.
And that is the reason kung bakit ako nagkakaganito . Bigla nalang akong nawalan ng gana sa lahat ng bagay ,nawala ang Dati kong mga ngiti dahil sa pangungulila . Minsan nga naisipan kong magpakamatay pero napigilan ako ni manang fe kaya hindi natuloy.
Ngayong dumating si Jay sa buhay ko hindi ko na hahayaang iwananan niya ako at kung magkataon man iyon ay gagawa ako ng paraan para makuha siyang muli at madala dito sa mansion. Kung ikulong ang tanging paraan ay gagawin ko .
Next or delete ?
BINABASA MO ANG
ENSLAVE BY MR.CHASE DELUXX [BXB] [UNDER EDITING]
RomanceIsang businessman si Mr. Chase Deluxx . Sa hindi inaasahan g pagkakataon ay nasilayan niya ang isang lalaking bibihag sa kanyang puso na nagngangalang Jay Marie. At tila naging obsessed siya dito . Ngunit hanggang saan aabot ang kanilang pag-iibiga...