Chapter 40

5.5K 93 0
                                    

Mahinang ugong ng makina ang narinig ko hindi kalayuan sa maliit na bahay na inuupahan ko. Lumabas ako ng bahay para ilagay sa kalsada ang isang garbage ng basura para kolektahin yun ng mga busurero mamaya. Ang dami kong kalat sa bahay na parang hindi ko nilinisan ng isang taon. Kaya marami din akong basura na naipon sa garbage bag.

Day off kaya libre ang araw ko mula sa trabaho ko pero hindi naging libre nang maistambay ako sa bahay. Kung hindi ako nakakita ng dalawang daga kanina ay malamang hindi ako naglilinis.

Pinagpag ko ang kamay ko dahil sa alikabok. Bumaba si Henriette mula sa lumang truck niya. Kinakalawang na pero maayos pa naman.

"Oh kumusta? Marami ba ang nadeliver ngayon?" tanong ko, naglakad ako sa may poso para maghugas ng kamay.

"Finally tapos na. Tatlong araw din ang sunod-sunod na pagdeliver ng furnitures. May ipapadala din si boss para sa Manila. Sobrang stress ng araw ko dahil ang dami ding gagawin."

Umupo siya sa may pinutol na kahoy ng mangga. Nasa lilim din siya at hindi mainit dahil may isa pang puno ng mangga pa na nakatayo para magbigay proteksyon mula sa init. Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay nagpunas ako sa kupas na pantalon na suot ko, naupo ako sa tabi ni Harry.

"Katatapos ko ding maglinis. Hindi ko namalayan na ang dami na palang nakatambak na basura sa bahay."

"Hmm, inaantok nga ako eh. Napadaan lang ako dito dahil mamaya pa ako uuwi." Humikab si Harry. Kumuha siya ng towelette mula sa bulsa niya sa likod ng kanyang pantalon at pinunas sa mukha niya.

"Gusto mo bang kumain? May pagkain pa ako sa loob kaya nga lang wala akong malinis na plato dahil hindi pa ako nakapaghugas."

"Hindi ayos lang. Papahinga lang muna ako sa saglit at uuwi din ako dahil matutulog muna ako. Hindi pa naman ako nagugutom."

"Sigurado ka? Pwede akong maghugas ng plato para sayo."

Nginitian niya lang ako. "Okay lang talaga. Isa pa pagod pa ako. Hinihingal pa ako dahil sa pagtrabaho ko mula kagabi, hindi pa naman ako nakatulog ng maayos." sabi niya.

Tumango nalang ako. Siya naman ang nagsabi nun at okay lang sa kanya. Nagpahinga lang siya saglit dahil pagod siya sa pagmamaneho galing pa sa kabilang bayan, kagabi pa siya walang maayos na tulog dahil sumama siya sa pagdeliver hanggang noong isang araw pa.

"Maia, babalik ka pa ba doon?"

Napatingin ako kay Harry nang tanungin niya ako. Ang ibig niyang sabihin ay doon ay yung dati kong tinitirahan.

"May babalikan ka pa ba doon?" tanong niya ulit.

Naisip ko si Phoebian. Alam ko na may babalikan pa ako pero hindi ko alam kung hanggang kailan niya ako hihintayin. Tatlong buwan palang simula noong makabalik kami dito sa una naming trabaho. Wala kaming komunikasyon dahil hindi kami nagpalitan ng numero. Lalo na't hindi na kami nagkausap pa pagkatapos ng huling pag-uusap naming dalawa.

Pilit akong ngumiti sa kanya. "Mayroon pa. Ikaw? May babalikan ka pa ba?" Balik kong tanong sa kanya.

Nag-isip pa siya, pero nagkibit-balikat lang siya. Nakangiti akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Sa harap siya nakatingin. Ang boring dito sa lugar namin dahil hindi talaga siya maingay pero nakakarelax dahil walang ingay. Walang may makikialam sayo. Okay naman ang pagtira ko sa Casa— pangalan ng street kung nasaan ang apartment building ko.

Umuwi si Harry pagkatapos ng sampung minutong pananatili. Kailangan ding magpahinga ng tao dahil babad yun sa trabaho. Ako naman ay naligo dahil natuyuan na ako ng pawis sa paglilinis ko at nanlalagkit na ako dulot ng pawis.

Nang matapos akong makaligo ay naupo ako sa lumang sofa, binuksan ko ang TV para manuod. Pero akala ko ma-eenganyo akong manuod, nakakainip palang manuod kapag wala kang gana dahil hindi dun nakapokus ang atensyon ko. Bumuntong-hininga ako saka tumayo. Kumuha ako ng carbonara na binili ko kanina sa isang maliit na restaurant sa bayan. Yun ang kinain ko, pinatay ko din ang TV dahil sayang ang kuryente. Binuksan ko nalang ang Spotify at nakinig ng podcast para ma-entertain ako.

Phoebian (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon