Kabanata 4

1 0 0
                                    

Kabanata 4

Trap

I was ready to spend my life in this room. I already accepted that I can no longer have the life I had. Na tapos na yo'n. Na pinahiram lang sakin ang lahat at mabilis ding binawi.

Binawi dahil una pa lang, hindi naman talaga iyon para sa'kin.

And now that they're giving me chance to start anew. To find where I truly belong. Hindi ko alam kung iyon ba talaga ang gusto ko mangyari.

And what starting anew even mean? Does it mean I have to move on and grow up from all the pain? Hindi naman ganoon kadali iyon...

I exhaled harshly.

Alam kong maraming beses ko nang ipinangako sa sarili na maghihiganti ako. That it'll be my purpose. But I don't know now if I'm even capable of doing it.

Kakayanin ko ba talaga?

Kaya ko bang panindigan itong pinapasok ko?

Napahilamos ako sa aking palad dahil wala akong sagot sa sariling katanungan.

Bakit ba pumayag 'yung Rios na 'yon? Mas nababaliw na yata siya kaysa sa akin!

Sinampal at sinabutan ko ang sarili nang napagtanto kung gaano katanga ang mga pinagsasabi ko do'n.

Wala akong karapatang magreklamo ngayon dahil kasalanan ko rin naman bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon. Masyado akong nagpadalos-dalos.

Pero kahit na! Gusto ko pa rin magreklamo! Gusto kong sila ang sisihin!

Kaso, ano na gagawin ko ngayon?

Five hours ago, sinabihan nila ako na handa na ang kasunduan at bukas ng umaga ang alis ko dito pagkatapos ng compact.

Kaya ngayon, natataranta na ako. Madaling araw na, dilat na dilat pa rin ako! Hindi ako makatulog sa dami ng iniisip at halo-halong emosyon.

Pinagpag ko ang mga paa sa hinihigaan.

I'm nervous for some reason. Hindi ko makapa ano ang eksaktong dahilan. Ang alam ko lang kabado ako at nag-aalangan sa naging desisyon ko.

At mas lalo lang akong nabalisa nang maayos nila akong sinundo at iginiya sa isa pang silid na puno ng iba't ibang damit.

They closed the door for my privacy and told me to wear something I'm comfortable with. Nagtagal ako doon hindi dahil nahirapan ako mamili kundi dahil hindi ako makapaniwala sa kung paano nila ako itrato ngayon. At naglaan talaga ako ng oras para tumulala saglit.

They're being nice and I should be pleased about it, right?

Pero hindi. Mas nakakabahala nga na ganito bigla ang tungo sa akin. Parang isang maaliwalas na araw na dapat sanang bumabagyo na. Something beautiful which conceals the coming deluge of sorrowness.

Wearing oversized printed shirt and wide-leg pants, I checked myself in the mirror. I almost didn't recognize myself. Maputi na ako noon, at mas pumutla ako ngayon. Kung di ko lang kilala ang sarili, iisipin kong pinanawan na ako ng dugo.

Pati ang labi'y walang kakulay-kulay! Pero nagbablush naman ang eyebags ko, pwede na 'yan.

Kapansin-pansin din ang mahaba kong buhok. It was mid-length the last time I looked in the mirror. Ngayon ay umaabot na sa puwetan ko. I combed my hair, staring intently at my reflection. There have been so much changes, ako na lang ang hindi makausad.

I sighed. When done, I tied my hair to a messy bun to somehow look neat.

I, then, look around and realized, may variety of shoes din sa kabilang cabinet. Hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin at kinuha na lang ang unang nakitang puting sapatos.

Blade, Blood, and Fury (La Nostra Casa Series #1)Where stories live. Discover now