Kabanata 2
Truth
Paano ba magising mula sa isang bangungot kung hindi naman ako natutulog?
Paano mo hihilahin ang sarili mula sa pagkakalugmok? Paano na...
If I didn't wake up in the middle of that night, would they kill them in a very different way?
O pinatay nila sila dahil nagising ako? Dahil nakita ko sila? O baka pumunta lang sila do'n para makipag-usap? Pinalala ko lang ba ang sitwasyon?
Nagbadya ang mga luha ko.
If I endured my thirst for little longer, things would be different. Baka magkakasama pa rin kami ngayon. Regardless if it's in afterlife or in this lifetime...
Napahilamos ako sa aking palad, sinasalo ang mga luha.
Miss na miss ko na sila.
Napahagulhol ako habang nakaupo, sinisiksik ang sarili sa isang sulok.
Sa halos isang buwan na nakakulong lang ako, tulad noong gabing iyon, wala akong ginawa. Kung paano ko sila pinanood na yakapin ang lamig ng kabilang buhay, ganoon ko din pinanood ang sariling lamunin ng dilim.
Hindi ako nanlaban. Hindi ko itinaya ang buhay ko para sa kanila.
Kasi aaminin ko... wala akong kayang gawin. Hindi ko sila naisalba at hindi ko rin ngayon kayang isalba ang sarili.
Wala akong choice kundi ang magpaubaya na lang. Bahala na kung ikukulong nila ako dito hanggang sa tumanda na lang ang panahon. O tuldukan ang miserable kong buhay. Bahala na sila...
Ni wala sa pagpipilian ko ang lumaban, ang umasa, o ang magtiwala. Dahil wala akong nakikitang rason para magpatuloy.
Sa mga oras na ito, wala akong panghahawakan. Hindi ganoon kadali humanap ng rason para umasa na magiging maayos din ang lahat.
I was terrified that time. Sa kaisipang mamamatay ako nang hindi nagkakaroon ng makabuluhang buhay.
Pero mas nakakatakot pa lang mabuhay na hindi ka sigurado kung may kabuluhan pa ba ang lahat.
Hindi ko magawang kumain nang maayos. Hindi rin ako nakakatulog. Every time I closed my eyes, the only thing that came to mind was the lifeless bodies of my family, lying on the cold floor, soaked in their own blood.
That's my hell loop, I guess. And I can't run away from that. I don't have the courage to. I'm too weak to even scream for help.
I woke up from a shallow sleep when I felt the burning sensation in my stomach.
Napamulat ako at nakita ang lalaking gigil na pinagsisipa ako.
I groan.
I used my arms as a shield. Pero hinang-hina ako para manlaban pa.
"Hindi ka kakain, ha?! Pinapahamak mo kami. Tanginamo!" sigaw niya na halos nakapagpabingi sa akin.
The kicks send me a lot of pain. Unbearable as my consciousness is already on the brink.
Ayos lang 'yan. This lifetime is not for me to live with. Kaya ayos lang.
Inalo ko ang sarili habang tahimik na iniinda ang bawat sipa sa akin.
Nakatanggap ulit ako ng isa pang sipa bago may pumasok na isang lalaki para awatin siya. I thank him in my mind.
Umubo ako dahil nagbabara lalamunan ko. I felt my lungs giving in, kahit ang pag-ubo ay napakasakit. I saw my blood on the floor and some in my forearm.