Nakaka-drain, huhu!
Kakatapos lang ng exam namin for the last quarter ngayong grade 11. After this ay pagpapasahin na kami ng mga kulang at lectures.
Nagpaalam na ako sa mga kaklase ko at bumaba sa ground floor. Nasa fourth floor pa ang room namin! Jusko!
"Bruh, wait for me!" matinis na sigaw ng isang babae.
Nilingon ko ang sumigaw at it's none other than my bestest girlfriend, Nadine Eyaya. Grade 11-ABM student. We're best friends for 4 years now.
Tumigil ako at inantay na makalapit siya sa akin.
"Pagod yarn?" bungad nito sabay kapit sa braso ko. She look so fresh. Wala bang kina ii-stress-an 'tong babaeng 'to? Hays, palibhasa matalino.
"Hindi po ako kasing talino mo, Ms. Accountant." pang-aasar ko rito. Dahil exaggerated ang best description sa friendship namin, ayan siya at humawak sa dibdib na animong biglang- bigla sa sinabi ko.
"How dare you say that?" umiiling pa ito. OA.
"Ulitin mo nga, Ma'am." pormal na pormal na sabi nito. Gagang 'to feel na feel."Yabang ah." inirapan ko ito at nagpatuloy na sa paglalakad.
Hinatak niya ako pasakay sa tricycle papuntang SM Trece. Mula kase doon ay maglalakad kami papuntang terminal at doon sasakay pauwi sa Indang. 30 minutes ang byahe depende sa sasakyan at pagod ko. Dahil pagod ang katawan at isip, pakiramdam ko ay isang oras kaming bumyahe, wala pang tigil sa pagku-kuwento ang katabi ko. Nang makababa sa terminal sa Indang, muli kaming sumakay ng tricycle pauwi sa bahay namin. Una akong bumaba sa kaniya dahil sa ilaya pa ang bahay niya. Matapos mag paalam at magbayad ay dumiretso ako sa loob ng bahay, nagpalit ng damit at nahiga sa kama. Nang makaramdam ng antok ay agad na akong natulog.
"Ella, gumising ka na 'jan, wala ka nang itutulog mamaya." ramdam ko ang tapik sa paanan ko.
"Hmmm..." sagot ko, inaantok pa.
Inaantok man ay sinubukan kong bumangon. Maya-maya lang ay naghain na kami ng hapag kainan. Sabay-sabay kaming kumain ng hapunan.
Matapos kumain ay sinubukan kong bumalik sa pagtulog. Ngunit gising na gising ang diwa ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at binalak na magpaantok.I browse my facebook, messenger, even tiktok. Nang ma-bored ako ay binuksan ko ang pinakapaborito kong gawin, maglaro ng ML. Nag-open ako at masayang nag claim at dahil maganda ang ping ng internet, rank agad ang puntirya ko!
I plugged my earphones on and opened my mic, tamad kase ako mag type.
I started playing at 9 PM and got 4 wins ng 10 PM. I entered the matchmaking again and base sa tulad tulad na initials sa unahan ng pangalan nila, squad, so trio sila. I picked pharsa as my hero, sa drafr ay tahimik lang ako kase wala namang dapat sabihin. Pero nung naglalaro na, maingay na ako like usual.
"Luh, ML na ML naman 'tong Lancelot. Nakikisali nag 1v1 kami ni Changé eh." reklamo ko ng mapatay ako ng core ng kalaban.
Inaantay ko na ma-respawn ako ng may biglang may tumikhim. Nagulat ako kaya napa-react ako, may nag-open mic, chineck ko kung sino at yung core namin, Ling ang gamit niya.
"It's okay, pretty babe, magkakaroon na'ko ng ulti, akong bahala sayo." saad ng isang lalake mula sa laro.
"Huh?" nagtatakang tanong ko rito, naglo-loading pa ang isip ko.
"Ay! my bad!" tumatawang saad nito. Napangiti ako sa tawa nito, nakakahawa.
"Ako yung Angela, kasama ko yung Ling and Sun." pagpapakilala nito.