Chapter Two

6 1 0
                                    

Inayos ko na ang gamit ko at lumabas ng classroom, gutom na gutom na ako at the same time napakadami kong susulatin sa isang lecture na kailangang ipasa. Nagpapa-comply na kase ang mga teachers ng kulang namin na requirements and lectures sa bawat subjects. Ilang activities na tinamad lang ako ang kulang ko pero naipasa ko na, itong last subject na ito na lang ang kulang ko, and lectures ang tinatapos ko ngayon. After lunch ang pasahan nito!

Bumaba ako sa canteen at inilabas ang baon kong lunch, bumili na rin ako ng tubig, piattos at ilang candy. Napag-desisyonan kong mag lecture habang kumakain.

"Naks, ang sipag ah?" bati ng isang boses.

Nagpakalma ako ng sarili bago tinunghay ang lalaking nagsalita, na ngayon ay humahatak na ng upuan sa tapat ko. He's wearing a polo same color as mine, necktie, I.D, black slacks, specs, his black hair is a bit messy, I'm guessing that the wind did that to his hair, makapal na kilay, doe black eyes, fair skin, pointy nose, thin rosy lips and two cute little but deep dimples located on the corners under of his lowerlip. In short, pogi... at crush na crush ko.

"Kung masipag ako, edi sana ineenjoy ko ang lunch ko at nakikipagkwentuhan ako sa'yo at wala nito." dire-diretso kong pamimilosopo dito sa duro sa notebook na sinusulatan at kinokopyahan ko. Stating the obvious beh? Hindi porket crush ko siya ay maayos at pabebe ko na siyang kakauspain. That's my façade.

Tumawa ito. "Ano 'bang subject 'yan?" maya maya'y tanong nito.

"POLGOV" maiksing sagot ko, pinagpatuloy na ang pag susulat.

"Lagi ka kaseng tulog 'jan eh" tumatawang sabi nito. Pasalamat ka talaga pogi ka.

"Wow! Thank you very much for reminding me, I'll pretend I didn't know." sarkastikong paismid na sabi ko sa kaniya. Pogi ka pero nakakapikon ka talaga minsan.

Tumawa lang ito, inirapan ko pa ito bago sumubo ng tocino at kanin, bago nagsulat muli. Base sa peripheral vision ko, he stood up, holding his wallet.

"May gusto ka?" tanong nito. Busy-ing busy ako sa pagsusulat ng magtanong ito, bago ko pa mapigilan ang walang hiya kong bunganga ay nakasagot na agad ito.

"Ikaw."

Napapikit ako dahil sa sariling kabobohan. WTH, ELLA MAE?!?!

Nahihiya man ay sinilip ko ang mukha nito, na agad ko ring pinagsisihan dahil nakatingin ito sa akin, naglalaro ang malokong ngiti sa labi, dahilan para lumabas ang maliliit na biloy doon. Great. Tumikhim ako kunwari at nagpatuloy muli sa pagsusulat.

"Ikaw na kako b-bahala." nautal pa ako sa huling salita. Ang obvious obvious, Ella Mae!!

"Sure...? I think I heard something else eh." nang-aasar na tanong pa nito. Pogi ka na sana kaso bingi, pero crush pa din kita, hart hart. 

"Lumayas ka sa harapan ko, Aaron Liam." naiinis na pagtataboy ko rito. Napipikon na ako, but at the same time nahihiya.

Napalitan na ng inis ang kabang nararamdaman ko kanina ng tumawa ito ng nakakaasar. Bakit ko ba nagustuhan 'tong kumag na'to?!?! 

Bumalik siya na dala na ang pagkain niya. Hindi ko na lamang ito pinansin dahil na rin sa inis at kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. Hindi naman siya manhid, alam kong alam na niya ang tungkol sa paghanga ko sa kaniya, ilang beses na rin akong ipinahamak ng mga kaibigan ko at maski ng sarili kong bibig pero never niya akong tinanong. Busy-ng busy ako sa pagsusulat ng may biglang pumitik sa noo ko.

"Ano ba?!" naiinis ko siyang tinunghay habang hinihimas ang parteng pinitik niya. Masakit ah!

"Nagfi-fiesta na yung langaw sa lunch mo oh." tinuro-turo niya pa ang lunch ko. Nilingon ko iyon pero wala naman akong nakikita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Always AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon