Chapter 1

957 19 0
                                    

Bagsak ang balikat ko ng lumabas ako sa isang coffee shop na pinag applyan they will call me, e paniguradong di naman ako tatawagan halata kaya sa mga mukha nila na hindi ako tanggap nung interview sayang lang kasi mataas daw ang sahod dito.

Inilabas ko ang selpon ko para tingnan ang oras nakakaramdam na ako ng pagkulo ng tiyan di pala ako nakapag almusal simula ng umalis ako kanina sa apartment namin ni  Lia

Nilakad ko ulit ang papuntang sakayan ng jeep next kong pupuntahan ay yung restaurant sa bayan kilala yun dahil sa masasarap nilang pagkain kaso nga lang medyo mahal hindi afford ng mga kagaya kong mahirap.

Nang marating ko ang sinasabing restaurant ni Lia ay kaagad akong pumasok, Lalong tumunog ang tiyan ko ng malanghap ko ang masarap na amoy ng pagkain sa restaurant. Shit nakakagutom naman ang amoy na yun!!!!

"Excuse me po  saan po ba pupunta pag mag aaply po?" Tanong ko sa babae na nasa gilid ng counter.

"Naku hija late ka na, nakahanap na si Boss ng bagong waiter bumalik ka na lang pag nag hiring ulit dito" sabi ni ate na nagpahina talaga sakin ng sobra . Sayang naman ang pamasahe ko papunta dito tapos di naman na pala sila hiring.

Ngumiti ako ng bahagya kay ate at nagpasalamat bago siya talikuran ayaw ko na magtagal dito lalo lang kumakalam ang sikmura ko. Bakit ba ang hirap mag hanap ng trabaho sa pilipinas.

Mag sugardaddy  na lang kaya ako? Mas mabilis ang pera dun kaso puro naman manyak ang mga nandun. Naglakad ulit ako papuntang sakayan ng jeep nakakainis nagsayang lang ako ng pamasahe panu ko babayaran ang inutang ko kay Lia.

Wala si Lia ng maka uwi ako siguro ay nasa trabaho ito. Tiningnan ko ang mga kaldero may kanin at ulam naman kaso nga lang may naka sulat sa takip ng kaldero.

Charie,

Wag mong kainin ang nasa kaldero bruha ka di pa ako nakain .

Binalik ko ulit ang kaldero sa lagayan saka binalikan ang bag ko na iniwan ko sa sala tinaktak ko lahat ng laman ng bag ko saka binilang ang mga coins na natira sakin. Umabot pa ng bente makakabili pa ako ng kape at tinapay o kahit biscuits ay okay na ako magkalaman lang ang tiyan masyado na kasing mahapdi talaga ang bituka ko.

Bumili ako ng kape at dalawang biscuits kahit kape ngayon ang mahal na panu pa ako nito magkakape e wala na akong pambili bukas.

"Eh saan ka mag aapply ngayon?" tanong ni Lia ng i kwento ko ang pag aapply ko.

"Di ko din alam nakaka inis naman lahat na lang we will call you e di naman ako tatawagan " inis kong sabi.

"Kung ganun dito ka muna sa bahay ako habang naghahanap ka pa ng pag aapplyan ako na muna ang magtratrabaho satin"

"Pero unfair naman yun sa part mo, ano ako palamunin mo? Ayaw ko ng ganun Lia"

Bumuntong hininga si Lia" Hindi naman sa ganun Cha pero habang nag hahanap ka pa ng work ay dito ka na muna sa bahay mahirap ay palagi kang nag iikot dun sa bayan para maghanap ng trabaho"

May point din naman kagaya na lang ng nangyari sakin kahapon nagutom lang ako kakalakad wala naman akong naluhamg trabaho.

"Susubukan ko din magtanong tanong kung may alam ang kakilala ko na naghahanap ng trabaho "

Buti na lang talaga naging kaibigan ko tong si Lia kung hindi matagal ng tumirik ang mata ko sa gutom.

"Mag sugardaddy na lang kaya ako?"

"Siraulo!" Aniya saka malakas akong binatukan parang naalog utak ko dun ah!

"Joke lang e, mapanakit ka talaga" nakalabi kong turan.

Nanny for HireWhere stories live. Discover now