"Ayan ang ganda ganda mo na lalo Kristina!" masaya kong turan ng matapos ko ang pag braid ng buhok niyang sobrang haba.Ngumiti siya at tinitigan ng maiigi ang itsura sa salamin na nasa harap. " Thank You ate Charie"
Kinurot ko ang pisngi niya, ang cute talaga ng batang to siguro kamukha niya ang Mommy niya dahil hindi niya naman hawig si Sir Keann.
"May dumi po ba sa mukha ko ate Charie?" tanong niya sakin.
"Wala naman ang ganda mo lang bata ka kaya natutulala ako " natatawa kong turan at kinurot ulit ang pisngi niya.
"Ate Cha pag kinukurot daw ang pisngi lumalaylay daw po ito" naka labi niyang sabi.
"Kahit naman lumaylay yan maganda ka pa din Kristina mana ka ata sakin!" Parehas kaming natawa sa sinabi ko.
"Tara na ihahatid na kita sa school" ani ko, tumango naman siya at sumabay sakin palabas ng bahay nila na sobrang laki.
Hinatid ko si Kristina sa school niya at siniguro na wala siyang nakalimutan sa sasakyan dahil sermon na naman ako kay Sir Keann panigurado.
Dumiretso ako sa apartment namin ni Lia. Hindi kasi ako nakapagdala ng mga damit dahil biglaan lang ang pag punta ko kila Sir Keann. Hindi na ako nagpahatid sa driver mag commute na lang ako mamaya nakaka hiya naman kung gagawin ko ding service sng service ni Kristina.
Hindi na ako kumatok ng dumating ako sa apartment, dere deretso akong pumasok at halos mabuwal ako sa kinakatayuan ko ng makita kung anong nangyayari sa harapan ko.
"Lia!!!! Walang hiya ka ano ba yang ginagawa niyo?" sigaw ko na halos ikabulabog ng buong apartment.
"Shit!!! Cha dapat nagsabi ka na dadating ka!" Dinig ko ang mabilis nilang kilos para magbihis.
Nasasagi pa nila ang ibang gamit at nahulog ito sa sahig. Nang maramdaman kong tapos na silang magbihis saka ko lang dinilat ang mata ko.
Nahihiya silang tumingin sakin lalo na si Lia. Sino bang di mahihiya e nakikita ko sila live na gumagawa ng bata.
"Buti nalang ako lang nakakita sa inyo! Panu kung yung landlady natin nakakita sa inyo? Panigurado bukas na bukas balitang balita na kayo sa kanto!" litanya ko sa kanila kaya mas lalo silang yumuko.
Tiningnan ko si Andrei, matagal na silang magka sintahan ni Lia simula nung high school palang kami kaya boto din ako dito pero wag naman sa ganto jusko maaga ata ako mauutas sa dalawang to.
"Ito kasing si babe e! Sabi kong i lock ang pinto!" tinuro pa ni Lia si Andrei na napakamot naman sa ulo ang huli.
"Ay naku ! Wag na kayong mag sisihan aalis din naman ako kukuha lang ako ng mga gamit ko at wala na akong masuot sa trabaho"
"Teka may trabaho ka na Cha?" Tila gulat na tanong ni Andrei.
Tumango ako " Hindi ba sinabi sayo ni Lia?" sinulyapan ko si Lia.
"Ngayon lang ulit kami nagkita ni babe Cha kaya di ko din nasabi sa kanya" turan ni Lia.
Tumango tango ako "Sige na uuna na ako at baka hanapin ako ni boss Keann mainit pa naman dugo nun sa lahat ng tao pero pogi hehehehe" napa hagikgik pa ako.
Sinamaan ako ng tingin ni Lia samantalang si Andrei naman ay natawa sa sinabi ko.
"Parang fishy yang tawa mo Cha ah! Mag kwento ka muna kung anong trabaho mo dun kay Sir Keann mo na yan"
"Nanny nga ako ng anak niya diba? Paulit ulit ka naman e!"
"Yun lang?" naniniguro niyang tanong.
Kinurot ko siya dahil sa mapa nukso niyang tingin sakin.