Sinamahan ako ng mga guard na hanapin si Kristina sa labas ng mall. Hindi naman kami nahirapan dahil nakita namin agad siya sa may parking na may kinakaing ice cream"Kristina!! Ikaw talagang bata! Lagi mo na lang akong pinag aalala!" naiinis kong sabi.
Lumabi naman siya sakin "S-sorry ate"
"Lagi ka na lang nag so-sorry e lagi mo din naman akong hindi sinusunod" inis pa din ako sa kanya.
"Sino yung sinamahan mong babae? Diba sabi ko sayo wag kang sasama kahit kanino na hindi mo kilala "
"Sabi niya po kasi ate kilala ka daw niya at inaya niya po akong bumili ng ice cream kaya sumama ako" pag rarason niya pa pero hindi pa din ako natutuwa sa ginawa niya.
"Ewan ko sayo! Pag nalaman to ng Daddy mo paniguradong hindi na tayo papayagan nun na makalabas ng bahay" sabi ko sa kanya
"Sorry na ate" nag pa awa pa siya sakin.
Inismiran ko siya "Tigilan mo ako sa drama mo Kristina galit pa din ako sa ginawa mo"
Tumawag na ako sa driver para magpa sundo. Ilang minuto lang ay kaagad na dumating ang driver na tinawagan ko.
"Akin na ang binili mo Charie " inabot ko kay Manong Lando ang mga binili ko.
"Mauna ka ng pumasok Kristina aayusin ko lang ang pinamili ko " sabi ko sa kanya.
Kaagad naman siyang sumunod sakin at pumasok siya sa loob ng sasakyan. Nang maayos na ang mga pinamili ko ay pumasok na din ako sa sasakyan.
"Galit pa din ba sakin ate?" kaagad na tanong ni Kristina.
"Hindi ako galit Kristina, naiinis lang ako dahil kahit anong bilin ko sayo ay ni isa wala kang sinusunod " ani ko.
"Sorry na ate hindi ko na po talaga gagawin iyon ate" ayan nanaman siya sa pangako niya.
Halos tumirik ang mata ko sa sinabi niya "Naku naka ilang beses mo na yang sinabi sakin Kristina"
"Hindi ko na po talaga uulitin ate"
"Hindi mo na talaga mauulit iyon dahil ako na ang magsasabi sa daddy mo na wag ka ng payagan na lumabas"
Mabilis kaming nakarating sa bahay nila tinulungan na din ako ni Manong Landon para i akyat ang mga paper bags.
"Ang dami mo atang pinamili hija" turan ni Mang Lando.
"Para po iyan kay Kristina, napansin ko po kasi na medyo maliit na ang mga damit niya kaya bumili ako ng bago"
"Masaya ako at naging malapit na sayo ang batang iyon dati ay halos ipagtulakan niya ang mga nag aalaga sa kanya tanging ikaw lang ang naging malapit sa kanya" naka ngiti si Manong habang sinasabi iyon.
"Masaya po ako na ako ang napili ni Kristina para mag alaga sa kanya" tugon ko.
Hinatid ko sa kwarto ni Kristina ang mga paper bag. Inisa isa kong inilabas ang mga damit na pinamili ko. Natigil ako sa pag lalabas ng pinamili ng makita ko ang maliit na box kasama ng mga damit ni Kristina.
"What's that?" nagulat ako ng biglang magsalita si Sir Keann sa gilid ko.
Mabilis ko iyong tinago "Ahh.. wala po yun sir"
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Lumapit siya sakin at biglang hinablot ang tinatago kong box.
"Ano ba! Akin na yan!"pilit kong inaagaw ang box pero itinaas niya ang kamay niyang may hawak ng box.
Binuksan niya ang box habang naka taas pa din ang kamay niya. Nilabas niya ang isang magandang neck tie na binili ko.
"Ano ba yan hindi na tuloy surprise " inis kong sabi.