Gaya pa din kahapon ay buong maghapon pa din akong nag stay sa bahay, puro linis lang sa buong bahay ang ginawa ko maghapon na bored nga ako kaya naglaro ako sa selpon ko ng plant vs. zombie."Ay epal sino ba tong tawag ng tawag?" pinatay ko ang tawag at pinagpatuloy ang paglalaro ng plant vs. zombie kaya lang tumawag ulit ang number na yun kaya sinagot ko na.
"Hello? Sino to? Panu mo nakuha ang number ko? Scam ka no? Naku wala akong pera maghanap na ka ng ibang biktima nababadtrip na ako sayo ha !" dere deretso kong sabi.
"Hello ma'am, ikaw po ba ito yung nagbigay ng contact number kay Kristina?" Sabi ng nasa kabilang linya.
"Opo, ako nga po bakit po sila napatawag?"
"Naku ma'am pinapatawag po kasi kayo ni Sir Keann"
Ha? bakit naman ako pinapatawag ng Keann na yun? Wala naman akong ginawa sa anak niya ah? Isinauli ko pa nga ng walang ransom e.
"Bakit daw po ?" takang tanong ko.
"Eh ma'am hindi ko din po alam pumunta na lang po kayo dito, sige po ibababa ko na ang tawag"
Ibinababa ko ang selpon ko at tumunganga muna sa kawalan, wala na pala akong pera para sa pamasahe papunta dun sa bahay na yun medyo malayo pa naman.
Naligo ako at nagbihis para mag mukha naman akong presentable bago humarap sa kanila, baka sabihin nila mukha akong gusgusin pag di ako nag ayos. Nag text na din ako kay Lia para sabihin na aalis muna ako at may pupuntahan lang saglit.
Nag check muna ako ng bahay bago lumabas at nagulat ako ng makita ang sasakyan na naka parada sa labas ng apartment namin. Kahit yung mga kapit bahay namin ay naki usisa na din kung sino nag mamay ari ng sasakyan na yun.
"Charie iyan ba ang iyong naiibig? Bigatin ah" nakangising turan ng landlady namin.
"Naku Manang hindi po at wala naman akong naiibig" naka ngiwi kong sagot.
Sabay kaming lumingon ng lumabas ang driver ng sasakyan na naka parada. Luminga pa ito sa buong paligid saka tumigil ang tingin sakin.
"Miss pinapasundo na po kayo ni Sir Keann" sabi nito
Eh? Kailangan talaga may sundo? Kaya ko naman pumunta dun mag isa e.
"Ahh..heheheh ganun ba? "
Tumango lang ito at inilahad ang kamay para buksan ang sasakyan. Tumingin muna ako kay Manang Tess saka pumasok sa sasakyan . Nakita ko pa ang bulungan ng mga kapitbahay namin ng sumakay ako sa kotse.
Palihim kong nilibot ang paningin sa buong sasakyan, ang bango din ng amoy sa loob ganto pala feeling na sumakay sa ganto.
Bumusina ang driver ng tumapat kami sa gate at kusa itong bumukas kaya nakapasok kami agad. Inayos ko ang damit na medyo nagusot dahil sa pagkakaupo ko.
Inantay kong buksan ang pinto ko dahil hindi ako marunong nun baka masira ko lang pagbayarin pa ako wala pa naman akong pambayad.
Sumunod ako kay Manong Driver papasok sa loob ng bahay, kung humanga ako kahapon nung nasa labas kami ngayong nasa loob na ako parang mahuhulog ang panga ko dahil sa pagka buka nito.
Hinanap ko si Kuya dahil bigla itong nawala, naku naman si kuya babatukan ko yun pag nakita ko. Luminga linga ako para hanapin si Kuya pero di ko talaga siya mahanap, saan kaya yun lumusot?
Tumayo muna ako katabi ng vase at nag antay na may dumaang tao para magtanong kung nasaan ang Sir Keann nila. Ilang minuto pa ang lumipas pero walang taong dumaan . Aabutan pa ata ng gabi dito.
"You look stupid" nagulat ako ng may biglang nagsalita sa gilid ko kaya natabig ko ang vase na nasa tabi ko.
Hala gagi yung vase!!!!!! Mas mahal pa ata to sa monthly naming bayad sa apartment!!! Saan ako kukuha ng pera pambayad!!!