Bernes pa ngayon, at bukas pa ang sweldo ko. Malamang na lalabas na naman ako sa apartment na bunganga ni aling Dolores ang bubungad.
"Kailan ka magbabayad sa upa?" Nakataas na kilay niya. Sabi na eh, bunganga niya ang bungad. "O wala ka ng balak magbayad?"
"Bukas pa ho ang sweldo ko, pwede bukas nalang?" Paghingi ko ng palugit. Kahapon sinabihan niya akong kapag hindi nakabayad palalayasin na niya ako dito sa apartment.
"Sige, pero huli na bukas. Kapag hindi ka pa rin makakabayad, maghanap ka na ng bagong matitirhan." Taas nuong naglakad siya paalis. Nakahinga naman ako ng maluwag.
Walang pasok ngayon kaya magtatrabaho nalang muna ako sa coffee shop.
Bago ako makaalis sa apartment tumunog ang phone ko, text iyon galing kay Jansen.
Wag mong kalimutan, bukas ka maglilinis dito sa bahay.
Tamang tama lang dahil wala akong trabaho bukas.
---
"I'm sorry pero ito na yung last day mo rito."
Hawak ko ngayon ang mga gamit ko, pati na ang huli kung sweldo.
"Nagtatanggal na kase ng mga trabahante, bumaba na ang sales kaya kunti nalang ang kita, kaya nagbawas sila. Tayong mga bagohan agad ang pinatanggal." Sabi ng kasama kong bago lang din nagtatrabaho rito.
Malakas akong bumuntong hininga, saan na ako makakakita ng trabaho ngayon? Yung sahod ko may kaltas pa dahil sa paminsan minsan kung late. Hindi ito kakasya sa babayaran ko kay aling Dolores. Kapag napalayas ako sa apartment, saan na ako tutungo?
Si Jansen nalang ang huling pag-asa ko para makabayad ng buo kay aling Dolores. Siguradohin niya lang na malaki ang ibibigay niyang tip bukas.
---
Bumalik ako sa apartment na parang pasan pasan ang mundo, hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko alam kung saan makakahanap ng trabaho.
I mean, madami namang naghahanap ng trabaho ngayon, pero ang kailangan nila full time. Studyante ako, hindi ko kayang magtrabaho sa umaga dahil may pasok.
Hindi ko na alam ang gagawin, kapag hindi ako nakahanap ng trabaho hindi na ako makakain, wala pa akong titirhan.
Bakit ba nangyayari sa'kin to? Hindi ito ang buhay na pinangarap ko. Hindi dapat ganito ang buhay ko ngayon.
"Walang hiyang buhay to oh, pano ako mabubuhay sa ganito?"
Inis akong umalis sa kama, nagligpit muna ako bago ko ginawa ang mga assignments at report. Hindi pa ako nakuntinto, nagbasa ako ng mga libro na andito para na rin maka pag advance study ako habang wala pa naman akong ginagawa.
Pagkatapos kong mabored ay lumabas ako sa apartment saka naglibot libot. Nagbabakasakali na may mahanap na trabaho.
Dahil malapit lang naman sa park ang apartment, ay doon na ako tumambay. Nakatulala lang ako sa mga batang naglalaro sa playground, may mga street foods din naman ang sarap sana bumili kaso kailangan kong magtipid lalo na ngayon na wala pa akong trabaho.
"Let's stay here mom, it's hot in there."
Napalingon ako sa lalaking nagtutulak sa wheelchair ng babaeng halatang may edad na. Siguro around 40s na siya. Mukhang paralisado, maayos naman ang mukha.
Medyo nahirapan ang lalaki na iakyat ang ina niya kaya tumayo ako at lumapit sa kanila. Tumulong ako sa pagtulak para makaakyat sila sa bench kung saan hindi mainit.
"Thanks," ngiti ng lalaki. Ngiting tipid lang iyon, saka bumalik ang pagka seryoso ng mukha niya. Saka ko pa lang naalala na familiar ang lalaking ito, yung kasama ng lalaking blonde ang buhok nung nakaraan.
"Hmm, welcome." Tumingin ako sa ginang, nakatingin din siya sa'kin kaya nginitian ko siya. "Pagaling po kayo," tumalikod ako sa kanila at nagsimula na namang maglakad.
Hindi na naman siya mahihirapan na bumaba doon sa bench.
---
"Ito bahay mo?" Tanong ko, maaga kong na received ang message ni Jansen kaya maaga rin akong nakaalis sa apartment. Hindi ko maririnig ang bunganga no aling Dolores.
"Oo, pero hindi talaga ito bahay namin." Sabi niya at umupo sa sofa saka naglaro. "Kasama ko dito ang pinsan ko, hindi mo na naman kailangan linisin ang kwarto niya dahil malinis na yun, ayaw niya sa kalat eh." Inilibot ko ang mata ko, ang ganda ng bahay moderno ang desinyo. Maganda tignan. "Yang sa kanan ang kwarto ko, ingat sa mga babsagin ha." Paalala pa ni Jansen sa'kin bago pumasok sa kwarto niya.
Para akong nabato sa kinatatayuan ko, ito na ata ang pinaka worst na kwartong napasukan ko. Subrang kalat, magulo ang mga damit, halatang hindi rin marunong maglaba si Jansen dahil nakatambak ang labahin niya.
Malakas akong bumuntong hininga saka nagsimulang maglinis. Hindi ko alam kung ilang oras akong naglinis, ang alam ko lang ay nakatulog ako pagkatapos maglinis.
Malambot ang kama dito, hindi katulad doon sa apartment na subrang sakit sa katawan ang kamang gawa sa kahoy.
Nagising ako ng may naramdaman akong gumalaw sa ulo ko.
"Matulog ka na muna, mukhang pagod ka kakalinis eh." Yung lang ang narinig ko kay Jansen at napaidlip na ulit ako.
Siguro dahil sa pagod kaya napahimbing ang tulog ko.
---
"Ariesha, gising ka na muna alas tres na ng hapon kumain ka muna." Tinapik tapik ang balikat ko para gisingin, kaya nagmulat na ako ng mata at napatingin sa labas ng bintana. Umuulan sa labas.
"Lagot!" Nagmadali along lumabas ng kwarto, at aalis na sana ng may maalala. "Jansen bayaran mo na muna ako."
"Mamaya pa ako magka-cash out pagtila ng ulan." Nagkamot siya ng ulo. "Saka kumain ka muna, bat ka ba parang nagmamadali?"
Bumuntong hininga na muna ako bago nagsalita. "Kapag hindi ako nakabayad sa apartment ngayon, palalayasin na ako. Eh san ako titira kong palalayasin ako ng mayor doma?"
Sumandal ako sa pinto, lumabas ang kasama niya sa bahay na ito sa kwarto niya ay laking gulat ko na ito na naman yung lalaking blonde, pero wala na siyang salamin ngayon.
"You again," sabi nito saka nalakad papuntang kusina. Pagbalik niya may bitbit na siyang plato. "Girlfriend mo, Sen?" Tinignan niya si Jansen, humalakhak lang naman si Jansen sa tanong niya.
"Hindi, kaklase ko yan. Pinaglinis ko sa kwarto ko."
"I see, meryenda?"
"Hindi nagtanghalian yan, may ulam pa ba?" Pumasok si Jansen sa kusina. "Ariesha, hali ka dito lumamon ka muna. Di pa tumitila ang ulan eh, saka ka na umalis pagkatapos kong mag cash out." Sigaw nito mula sa kusina.
"Hmm, Ariesha. I'm Casper."
Ngumiti lang ako sa kanya bago naglakad papasok sa kusina.
YOU ARE READING
Tears of Pain
Fiksi RemajaOnce I hurt, trust me, I'll still talk to you, but not the same way as before. - Gabryan Ace Galendez Every drops of tears have a reason, and the most top common reason of it is pain. - Ariesha Salazar