Chapter 1: Samantha

1.3K 14 4
                                    

Samantha

Nagising ako dahil sa paulit-ulit na pag ring nang phone ko, hindi ko na sana sasagutin kaso nakita ko na si Shyra ang tumatawag.

She's my best friend since high school kami, unexpected din ang pag kakaibigan namin dahil ang sabi niya ay mukha raw akong unapproachable. Well, totoo naman based na rin sa mga naririnig ko.

"Sam, saan ka mag aaral this school year? Kung saan ka, do'n na lang din ako mag aaral." Sabi na e, hindi niya talaga ako maiwan-iwan, kung nasaan ako gusto niya nandon din siya.

"Sa Princeston University na lang ako pumasok, tutal maganda naman ang facility nila and magagaling din magturo ang mga professors do'n." Nag search na rin kasi ako ng mga universities na pwede kong pasukan, and naakit ako ng Princestone kaya ayan na ang napilit ko.

"Great, sabay na tayo mag enroll if you want. And let me ask you Sam, disedido ka na ba talaga sa kinuha mong kurso?" Disedido ba talaga ako? Magiging masaya ba ako kung pipiliin ko ang kurso na gusto ng magulang ko kesa sa kurso kung alam kong mag e-enjoy ako?

"I think sigurado na ako, Shy. Ayon din naman gusto nila Mom and Dad e, ang maging doctor ako. Alam mo naman, puro doctor ang family ni Mom kaya gusto nila na mag doctor din ako." Mahabang sabi ko na bakas ang lungkot. Kung hindi ko makukuha ngayon ang degree na gusto ko, siguro after na lang ng med-tech.

Architecture, ayan talaga ang gusto kong i-pursue hindi ang pagdo-doctor. Wala naman akong balak na mag-asawa kaya napag desisyunan ko na dalawang degree ang kukunin ko. Kung hindi ka makapili, edi kunin mo parehas. Basic.

"Aww, you can do this. Alam ko naman na ayaw mo niyan, wala ka naman nang magagawa kung parents mo na ang may gusto. By the way, I need to end this call na, my Mom are calling me na kasi e." Agad naman akong pumayag, naalala ko kasi na galit pala ako sa kaniya dahil naputol niya ang masarap kong tulog.

Tinignan ko ang orasan sa cellphone ko, it's already 11 in the morning, and to day is friday. I decided na bumaba na lang, pero bago 'yan ay nag hilamos and toothbrush na lang ako, hindi na ako nag palit ng damit kasi usually mga maids at ang kapatid ko lang ang tao rito sa bahay. Okay naman ang pantulog ko kaya hinayaan ko na lang.

Pag baba ko ng hagdan ay nagulat ako dahil nakita ko si Dad, usually kasi kapag ganitong araw ay wala siya dahil sa business trip sa ibang bansa.

"Hi my única hija, good morning." He kissed my forehead bago siya umupo ulit.

"Good morning Dad." Bati ko pabalik sa kaniya bago kumuha ng fresh milk. May nakita rin ako na garlic bread sa lamesa, kaya ayon na lang ang kinain ko.

"What do you want for your 20th birthday? Do you still want that Ferrari GTC4Lusso? Tatawagan ko na ang secretary ko para ihanda na ang mga papeles na kakailangin." Spoiled talaga ako kay Dad, that's why na mas gusto ko siya kesa kay Mom.

"Yes dad, I still want that ferrari, pero malayo pa ang birthday ko kaya chill ka muna riyan." Sabi ko na natatawa pa, masyadong excited kahit malayo pa naman ang birthday ko.

Natapos na akong kumain, okay na ako sa gatas at tinapay lang, hindi naman na ako nag la-lunch. Mini-maintain ko kasi ang katawan ko.

Aalis na sana ako kaso biglang nag salita si Dad "don't forget the family dinner, sa sunday na 'yon." Aish, nakalimutan ko na may dinner pala kami kasama ang side ni mama, muntik ko na makalimutan. "Yes, dad." Ayan na lang ang sinabi ko bago umalis sa kitchen.

Mahaba pa ang araw kaya naisipan ko na lang na mag libot sa mall, bibili na rin ako ng school supplies kahit next week pa ang pasukan namin.

Tinext ko kanina si Shyra na kung pwede niya ba akong samahan sa mall, tumanggi naman siya dahil may kailangan daw siyang gawin.

Okay lang naman sa akin kahit wala akong kasama ngayon, yun nga lang e wala akong kadaldalan. Agad din akong nakarating sa mall, mabilis lang naman ang biyahe dahil walang traffic.

Agad kong sinalpak sa tenga ko ang airpods na bagong bili ko, madalas ko kasing nawawala ang airpods dahil palagi kong nalilimutan kung saan ko nailagay.

Nandito na ako ngayon sa National Bookstore, dito ko na rin naisipan na bumili ng school supplies dahil magaganda ang mga mag pipilian dito. Kumuha na rin ako ng binder, highlighters and ballpen.

Nag lalakad ako habang nakatingin sa mga bagay na nakalagay rito, pero may nakabangga sa akin. At dahil sa lakas ng pagkakabangga sa akin, natanggal ang isa kong airpods.

"Hala, I'm sorry. Hindi kita nakita." Sabi ko habang pinupulot ang mga gamit niya na nahulog. Nag taka ako kung bakit hindi manlang siya tumulong kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya, nag taka ako dahil pag tingin ko sa kaniya ay nanlaki ang mata niya.

Tumayo na ako at ibinigay sa kaniya ang mga gamit niya. "As you should, next time ay huwag kang paharang-harang sa daan." Masungit na sabi niya habang nag lakad papalayo.

Wow huh? Siya na nga itong nakabangga sa akin, siya pa nag sungit. Hindi manlang nag sorry. Kapag talaga nag krus ang landas namin, tatarayan ko rin siya.

Hindi ko namalayan na gabi na pala kaya umuwi na ako, pag uwi ko ay naligo at nag pahinga na lang ako. Hays, kapagod.

My greatest what ifWhere stories live. Discover now