Samantha
Nandito na ako sa parking lot ng school, himala at nauna ako ngayon kesa kay Shyra. Tinext ko na lang siya na hindi ko na siya iintayin.
Dumiretso ako sa cafeteria, hindi na kasi ako nakapag breakfast sa bahay dahil wala akong kasabay.
"Do you mind if I join you?" May nag tanong sa akin, kilala ko na ang boses nito. Tumingin ako sa kaniya, hindi nga ako nag kakamali. Si prof. Montero nga ito.
"I don't mind, prof. Montero." Magalang na saad ko, at tuluyan na siyang umupo.
"Oh, cut that prof. Montero thingy, you can call me prof. Valarie." Saad niya habang pini-prepare ang pag-kain niya.
"And why's that?" Tanong ko habang nakatingin sa kaniya, naka-taas ang isang kilay ko.
"Prof. Montero is too formal, Jade. I prefer Prof. Valarie, e." Saad niya naman habang iniinom niya ang kape niya.
"Can you please stop calling me Jade? I hate my second name." Bigla naman siyang napatingin sa akin, at tuluyang ngumiti habang nakatingin sa aking mata.
"I love everything you hate, Jade." Sabay hawak niya sa kamay ko, bigla namang kumunot ang aking noo. What the hell?
"You're making me feel uncomfortable, prof. Excuse me." Seryosong saad ko at nag simula ng umalis, narinig ko pa siyang tumawa.
Seriously, what's her problem? Hindi ko tuloy naubos ang kinakain ko, I guess mamayang lunch na lang ako babawi.
Pag punta ko sa room ay nakita ko na agad sila Klair, tumabi na rin ako sa kanila.
"Girl, saan ka galing? Nakita ko kanina na naka-park yung sasakyan mo ah. Akala ko nga nandito ka na sa room e." Tanong sa akin ni Lira, si Raze at Klair naman ay busy sa kanilang cellphone.
"Kumain lang ako sa cafeteria, hindi ako nakapag breakfast sa bahay. Wala akong kasama e." Saad ko at hindi siya tinapunan ng tingin, ramdam ko rin na nakatitig siya sa akin.
"Dapat sinabi mo para masamahan ka namin, di mo manlang kami chinat e. Nakakatampo ka." She said at pinalungkot pa ang kaniyang boses, kaya tinignan ko siya at nginitian.
"Don't worry, Lira. May kasama ako." I said bago kunin ang notebook ko sa bag, baka kasi biglang pumasok ang prof namin e, para di ko na kukunin mamaya.
"Sino naman 'yan? Ikaw ah." She said, may halo pang mapaglaro na ngiti.
"Someone." Tamad na sabi ko sa kaniya, ayaw ko banggitin si Prof. Montero, baka kasi mag taka siya e, baka kung ano-ano pa ang isipin niya.
Mag sasalita na sana siya, pero natigilan din ng biglang bumukas ang pinto. Finally, baka kasi marami pang itanong si Lira e.
...
Lunch time na, sa wakas! Dalawang subject ang morning class namin, apat na oras ko rin tiniis ang gutom ko.
Nandito na kami sa cafeteria, hindi namin kasama si Shyra ngayon. Nag text siya sa akin na hindi siya makaksabay sa amin mag lunch dahil kasama niya ang parents niya mag lunch.
"Ako na mag oorder, ano sa inyo?" Saad ni Raze, bukod sa gwapo na ito ay gentleman din, dagdag pogi points din 'yon. Pero 'di ko pa rin siya papatusin. At isa pa, wala akong balak pumasok sa relationship.
"Pasta akin, with coke." Klair.
"Pizza and burger akin, with royal." Lira.
"Burger steak akin with rice. And water na rin." Saad ko, gutom na gutom na kasi ako kaya nag rice na ako. Usually hindi ako nakain ng rice e.
Naisipan kong yumuko muna, dahil nanginginig na ako sa gutom. Gugustuhin ko mang umidlip, hindi ko rin kaya. Maingay kasi rito e.
Luckily, mabilis lang naka-order si Raze. Hindi naman gaanong mahaba ang pila e, and mabilis din kumilos ang mga stuff dito sa cafeteria.
"Sino ba kasi ang kasama mo mag breakfast kanina, Sam?" Tanong ni Lira. Kaya napatingin sa gawi ko si Klair, na nakakunot pa ang noo. Problema niya?
"Someone nga, ayaw ko banggitin ang pangalan niya dahil naiinis ako sa kaniya." Sabi ko matapos kong sumulyap kay Klair na hindi inalis ang tingin sa akin.
"Bakit ka naman naiinis? Sinamahan ka na ngang kumain niyang someone na 'yan." Bakit ba gustong-gusto niyang malaman kung sino ang kasama ko kanina?
"Wag na natin pag-usapan, okay?" Saad ko habang salubong ang kilay. Buti na lang talaga ay nanahimik na siya.
Sumulyap ako kay Klair na nakain na ngayon, pansin ko na parang naiinis siya.
...
Kakatapos lang namin mag lunch, at nandito na kami sa room.
12:47 na, kaunting minuto na lang ay time na ni prof. Montero, yes. Prof. Montero pa rin ang tawag ko sa kaniya, nakakailang naman kung Prof. Valarie, 'di ba?
Besides, ganon ang ginawa niya sa akin kanina. Bakit ko susundin ang gusto niya?
Naisipan ko na makinig na lang ng music at yumuko habang nag hihintay sa susunod na subject. Plinay ko na ang Getaway car ni Taylor Swift, favorite ko kasi ito e.
Habang nag se-self time ako, tinapik ako ni Raze kaya napatingin ako sa kaniya. "Nandiyan na si Prof. Montero." Saad niya.
Kaya pinatay ko na ang music at nilaya ko na ang AirPods ko sa bag ko, pati na rin ang phone.
Pag tingin ko sa harap ay nakatingin sa akin si Prof. Montero, habang nakangiti. Kumindat pa sa akin bago pumunta sa table. Napangiwi naman ako dahil sa ginawa niya.
Kung hindi lang siya professor, iisipin kong may gusto sa akin 'yan e.
Nag simula na rin siyang mag tulo, magaling siya mag turo, at napakasungit ng aura niya. Kaya kaming lahat ay walang choice kundi ang makinig at mag seryoso sa subject niya.
"Get one sheet of paper, we will be having a quiz." See? Kaya dapat makinig sa nag tuturo e.
20 items lang ang quiz niya, muntik pa ngang matuyo ang utak ko sa sobrang hirap e.
"Jade, help me carry these." Tukoy niya sa mga gamit na dala niya, laglag panga naman akong napatingin sa kaniya. Puro libro ito, expected ko na sobrang bigat nito.
Nauna na siyang lumabas kaya wala na akong nagawa kundi bitbitin ang mga dala niya.
Habang nag lalakad siya ay 'di ko maiwasang mapatingin sa waist niya, ang ganda ng pag ka-kurba nito. Hanggang bumaba ang tingin ko sa butt niya na medjo may kalakihan.
"Eyes up here Jade, you can touch it later." Saad niya while smirking. Agad naman akong namula sa sinabi niya.
Ilang sandali pa ay nandito na kami sa office niya, ginala ko ang mata ko sa loob nito. Maganda ang style ng office niya. Bumagay ang color ng wall niya sa mga design.
Pumunta na ako sa desk niya at nilapag do'n ang mga gamit niya. Nag lakad naman siya papunta sa pinto at sinara ito, nagulat pa ako ng ni-lock niya ang pinto.
"Why did you lock it prof? Aalis na po ako." Sabi ko habang nakatingin sa kaniya.
"I thought you wanna touch my butt? You seems so interested kanina habang nakatingin sa butt ko." Saad niya, at ngumiti pa. Really? Professor ba talaga ito?
"It's not what you think prof, yumuko lang kanina at napatingin ako sa butt mo. At isa pa po, hindi ako interesado riyan." Saad ko, I wanna congratulate myself nga e, dahil hindi ako nautal.
"So tumingin ka nga sa butt ko kanina?" Tanong niya habang papalapit sa akin, at ako naman ay umaatras.
Dang, she got mo there.
Tuluyan na niya akong na-corner sa table niya.
"S-stop it, prof. Montero." Nauutal kong saad, shit.
"I told you na you can call me prof. Valarie." Saad niya habang titig na titig sa akin.
Napalunok ako ng bumaba ang tingin niya sa aking labi.
____________________________________________
Hi!! Ngayon lang nakapag update, busy kasi ako dahil sa activities e. Ayan na pambawi.