Chapter 4 : Valarie

412 8 0
                                    

Nandito na kami ngayon sa cafeteria, luminga-linga ako sa paligid buti na lang ay kumakaway si Shyra, kaya pumunta na ako sa kaniya. Sumunod naman sa akin sina Klair. Sakto' pang limahan itong table na 'to.

Umupo na ako sa tabi ni Shyra, nasa tapat ko naman sila Lira, Klair, at si Raze. "Uhm, Shyra mga classmate ko. Mag pakilala ka." Utos ko kay Shy, ngumiti muna siya bago mag pakilala. "Hi, I'm Shyra Collins."

"I'm Raze" habang naka-ngit, sunod naman na nag pakilala si Klair. Feel ko ay mag kakasundo silang dalawa, parehas silang madaldal e. Napatingin naman ako kay Lira na hanggang ngayon ay walang imik habang nakatitig kay Shyra. Hmmm.

"Hoy, mag pakilala ka na, baka matunaw naman si Shyra sa mga titig mo." Natatawang sabi ni Klair, natawa na rin ako. "L-lira, y-yeah. I mean I'm Lira." Pakilala ni Lira habang nauutal pa, ito namang si Shy na mukhang nag tataka kung bakit nauutal si Lira. Pero, ngumiti naman si Shy sa kaniya.

"Ako na mag order, anong gusto niyo?" Anunsyo ni Raze, "Carbonara akin, with water." Favorite ko kasi ang carbonara e, hindi rin ako mahilig mag soft drinks kaya nag water na lang ako. "pizza sa akin with spaghetti", "sa akin naman ay burger with fries." Sabi ni Klair at Lira, "same with Sam na lang ang akin." Sabi ni Shyra at umalis na si Raze.

Habang nakapila si Raze, bigla namang nag salita si Klair. "Balita ko, may bagong prof dito sa Princeton, maganda raw." She said. "Yeah, I heard na siya ang prof natin sa Anatomy and Physiology." Dagdag pa ni Lira, wala naman akong pake kung may bagong prof dito, kung maganda ba siya o hindi. As long as magaling magturo, okay na 'yon.

"Really? As in? Pretty? Sunod sunod na tanong ni Shy. "Yes" maikling sagot ni Klair habang naka-ngiti pa. "Ay, sayang. Dapat pa lang nag medtech na lang ako." Ang gaga talaga nito, porket nalaman lang niya na maganda ang prof, gusto na mag palipat. "Kanina ka pa tahimik, Sam. Is there something wrong ba?" Pansin sa akin ni Lira, hindi naman kasi ako interesado sa pinag uusapan nila kaya hindi ako umiimik.

"Wala kasi siyang pake sa pinag-uusapan natin, and she's straight. Kahit anong ganda pa ang iharap natin sa kaniya, hindi mababaliko 'yan." Sagot ni Shy sa tanong ni Lira, para tuloy siyang spokesperson ko.

"Weh? Hindi ka pa na-bend? Wala ka manlang kahit girl crush? Or celebrity crush? Sunod na sunod niyang tanong, umiling na lang ako. Gutom na kasi ako, at kapag nagutom ako ay tinatamad akong mag salita.

Nakita ko si Raze na papunta rito sa table namin, buti nakayanan niya ang ganiyan karami? I mean, ang dami niyang dala.

Nag simula na kami kumain, habang nakain kami nag kekwentuhan naman silang apat. Mabilis lang din kaming natapos at naisipan na pumunta sa room, may klase na rin kasi si Shyra.
                                      ...

Nandito na kami sa room, nakayuko ako dahil inaantok ako. Mabuti na nga lang ay hindi maingay ang mga ka-block ko.

Naramdaman ko na tumahimik ang buong room, at may takong akong naririnig. Hindi ko na pinansin 'yon at nanatiling naka-yuko. Tinapik naman ako ni Klair kaya napatingin ako sa kaniya, sumenyas siya na umupo na ako nang maayos.

Nakita ko na ang babaeng nag lakad sa harapan kanina. She's tall, I think nasa 5'7 ang height niya, matangos ang ilong, bagay na bagay ang wavy hair niya, bumagay rin ang kulay ng kaniyang buhok sa mukha niya. Her amber eyes. Her perfectly body, ang dream body ng karamihan, ang mahahabang legs na kahit lamok ay hindi madadapuan.

Bagay na bagay rin ang suot niyang skirt at long sleeve polo niy, her 3 inches heels. Gosh, Lira is right, she's beautiful. Indeen beautiful.

I mean normal lang naman mag compliment ng tao 'di ba? Diniscribe ko lang naman siya.

"Tama na ang kakatitig sa kaniya, baka matunaw." Natatawang sabi ni Klair na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Inirapan ko lang naman siya.

Nag sulat siya sa white board. Valarie Maeve Montero. "I'm Valarie Montero, I will be your professor in Anatomy and Physiology, you are allowed to call me Prof. Montero. Understood?" Sabi niya habang nililibot niya ang mata niya sa buong silid, tumigil sa akin ang tingin niya, at ngumiti pa. What? Sa akin ngumiti siya pero sa block mates ko hindi.

"Yes, prof. Montero" sabay sabay kaming nag salita. "I only have three rules, first dapat nakikinig kayo. Second, ayoko sa makalat. Third, you must obey me. That's it."

"Since it's our first day, I want you all to introduce yourself, mag umpisa tayo sa unahan." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nasa hulihan kaming apat.

Mabilis lang natapos ang mga nasaunahan namin, ngayon ay si Klair na at susunod na ako. "I'm Klair Cruz, 19 years old. And my hobbies is sleeping, playing online games, and playing volleyball." She said and umupo na agad.

Tumayo na rin ako para mabilis matapos, dahil gusto ko na rin umuwi. Although 2 hours ang subject niya sa amin. "Samantha Gomez, 19 years old. And my hobbies are listening to music, and reading some books. Physiology books to be specific." Mabilis kong sabi, akmang uupo na sana ako pero biglang nag salita si ma'am. "What makes you feel happy, Jade?" What? Did she just called me using my second name? I hate when people calling me Jade. "By receiving gifs po." Magalang kong sagot.

"Are you single?" Nagulat naman ako sa tanong niya, as in? Profess ba ito? Bakit masyado naman siyang out of the line kung mag tanong. "That question is too private ma'am. And I can't answer that." Kalmado kong saad. "Why so sungit, Jade?" Mapag laro niyang tanong habang naka-smirk pa. "Can I seat na ma'am?" Tanong ko. "Yeah sure."  Maikling saad niya.
                                     ...

Mabilis lang natapos ang klase namin kay prof. Montero, kahit nakakailang ang mga titig niya sa akin, ay natiis ko naman.

I'm heading to parking lot, maaga rin naman kaming pinauwi ng last subject namin, it's already 4 in the afternoon. Naisipan ko na lang na mag drive thru dahil kanina pa ako nagugutom.

After 30 mins, nakauwi na ako sa bahay. Agad naman akong sinalubong ng maid para kunin ang gamit ko, pero hindi ko binigay. Kaya ko naman kasing buhatin papunta sa kwarto ko.

Naisipan ko na matulog muna, pero bago ako humiga sa kama ay naligo muna ako.
____________________________________________
Good eve!! Sana masarap ang ulam niyo

My greatest what ifWhere stories live. Discover now