Sol and Luna

14 2 0
                                    

Minamahal kong luna,
Minamahal kita...
Hindi dahil nananatili ka,
Kundi dahil mahal kita,
Ikaw mismo.
Malayo man ang tanaw,
O minsan walang matanaw,
At Kahit kapaligiran man ay mapanglaw,
Ikaw padin ang patuloy na tinatanaw,
Ng aking mga mata,
humihiling na sana
Sa isang beses ng aking buhay,
Pagtagpuin tayo ng panginoon.

Aking luna, sa tuwing sumasapit ang oras mo nabubukod tangi ang kinang mo, nakakasilaw ang tingkad mo, nakakaakit ang mga mata mo.

Ako ngayon ay nanalangin sa kaitasan na sana magkaron ng isang mundong maari kitang makita ng malapitan, mahalikan, mahagkan, pinapangako ko na mga kamay mo'y aking hahawakan, hinding-hindi ko hahayaang ika'y aking bitawan. Mamahalin kita hanggang sa aking huling hininga.

Nagmamahal.
-sol

Tinta sa sarahaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon