CHAPTER 31 (Asyte Night Hunt)

65 9 3
                                    

B R I G I D

The Night Hunt is one of the most awaited grand event in Academes aside from the tournament. Because the Night Hunt will not only showcase the skills and talents of the students, but will also build a good relationship in between each individual and was also a way to strengthen the social interconnections in each individuals, clans and kingdoms. 

All Kingdoms have their respective Academes where their citizens can enroll. While the Asyte Academe is the most prestigious in all the Academes. Kumbaga parang pang-national level ang labanan. Magkakaiba rin ang dates ng kada Night Hunt ng kada Kingdoms para makabisita ang Emperor sa mga okasyon, pero ang pinakahihintay talaga ng lahat ay ang sa Asyte, lalo pa ngayong lahat ng next in line crowned royalties ay sabay-sabay na nag-aaral sa Academe. Sayang nga nabulilyaso 'yung Tournament, hindi tuloy namin alam kung sinong mananalo sa pagitan ni Claude, Arpina at Lucie sa Elemental Magic category habang wala talaga kaming idea sa mixed category. Kahit yata sa original novel ay hindi naman natuloy ang scene na 'yon.

Though unlike the tournament, the Asyte Night Hunt is done by groups. Each team will be consisting of four students randomly picked by a draw. Both Armoury and Elemental Magic are allowed during the Night Hunt and whoever team has collected the highest number of Zakii Beasts hunted will be the announced as the winner. 

The settings will be a dynamic of spatial major biomes all present in interchanging positions by the use of teleportation spell. The biomes will all be present in each aquatic, grassland, forest, desert, and tundra settings.


———✦⚜⚜⚜✦———


"Hindi pa 'ko ready bukas!" Pang-ilang reklamo na ba 'to ni Raiden? "Bakit ba kasi ako pumasok sa Academe na 'to?" Aba malay ko rin.

"Ang bilis ng araw, Night Hunt na agad bukas," Claude sighed while checking the leaves of her Armoury umbrella. "Ilang buwan na rin pala lumipas simula no'ng tournament."

Hindi na lamang ako nagsalita at nagkibit-balikat na lamang saka pinalitan ang protection tassel ng glaive ko. Pinasadahan ko rin ng tingin ang iba pang mga estudyanteng nakasalampak sa damuhan at kanya-kanyang punas sa kanilang Armoury weapon. Dahil bukas na ang pinaka-aabang na Asyte Night Hunt ay todo kayod na ang mga estudyante ngayon sa paghahanda at pagkokondisyon sa mga sarili nila. Well kasama na kami do'n syempre, pero hindi naman ako excited, saka hindi ako masyadong kinakabahan dahil by group naman 'yon. Magpapabuhat nalang ako. Huwag nga lang sana akong ma-group kayna Caelus, Karya o Richwell, please lang dapuan mo naman ako swerte. Lahat ng luck ko gamitin mo na dito sa bunutan. Kahit sino pa 'wag lang sila. Tatanggapin ko si Lucie at Arpina 'wag lang talaga 'yung tatlo.


"Huy!" isang malakas na tabig sa kaliwang braso ang gumising sa diwa ko. "Anong dinadalangin mo dyan?"nakangising tanong ni Raiden. Sagit siyang nag-isip saka muling ngumiti nang may halong pang-aasar. "Siguro hinihiling mong maka-group si Karlysle noh."

Huh?!

"Yieee si ate~" panggagatong naman ni Claude na kanina pa nagpipigil ng ngiti.


"Kung pag-untugin ko kaya kayong dalawa?" Taas kilay kong tanong ngunit patuloy parin sila sa pang-aasar. Kung hindi lang kami napapaligiran ng mga Maestro ay kanina ko pa kinonyatan 'tong dalawang 'to.

"Lah! hindi naman mabiro. Saka ang tagal na simula nu'ng last interaction niyo siguro naman time na para magsama na kayo saka magka-moment sa Night Hunt." 

Seems Like The Story's Been RevisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon