-
-
"Asan kana?" Tanong sa akin ng kaibigan ko.
"Pababa na, naibili mo na ko ng ticket?" Balik kong tanong dito. Manonood kasi kami ng basketball game ng paborito naming koponan.
"Ay teh, nakakahiya naman sa'yo. Ikaw na lang hinihintay ng ticket." Napahagikgik tuloy ako habang pababa ng jeep.
"Saan ka banda?" Inipit ko sa gitna ng tenga at balikat ko ang cellphone ko't hinanap ang panyo sa bag ko, tumatagktak na ang pawis ko sa init. Dire-diretso akong maglakad hanggang makarating ako sa may entrance ng San Juan Arena.
Nakita ko naman agad ang kaibigan ko, binaba ko na ang tawag at lakad takbo kong pinuntahan ito.
"Mas mainit pala dito kesa sa amin." Reklamo ko. "Ano ba 'to, free trial natin sa impyerno?" Sabay kaming napahalakhak sa sinabi ko, napatingin na rin tuloy sa'min ang ibang nandoon na manonood rin.
"Tagal mo, haba na ng pila." Maktol nito.
"Doon na lang tayo pumila sa upperbox baba na lang tayo para lang mabilis makapasok." Suggest ko.
Noong nakapasok na kami, hiyaw nang mga estudyante at drums na pamilyar na pamilyar sa amin.
Buhay na buhay na naman ang dugo ko sa pag-cheer. Eto na lang talaga ang stress reliever ko sa nakakastress kong trabaho sa part time job ko sa mcdo. Ilang taon rin akong hindi nakapag-cheer dahil nga nag pandemic, pero ngayon eto na ulit. Ready na murahin ang kalaban ng favorite team ko.
"Go San Beda Fight!" Sabay kong sigaw sa Red Army, tawag sa crowd ng San Beda University. Hindi man kami nabigyan ng opportunity na makapag aral sa prestiyosong unibersidad na iyon, para na rin kaming dating estudyante doon dahil sa pag tanggap ng mga alumni sa amin bilang loyal fan ng red lions.
Ang ligalig na rin ng kaibigan kong si Neri dahil nakita niya na ulit ang long time crush niya na si James Canlas.
Sa first half ng game, medyo dikit ang laban pero lamang pa rin and beda ng ilang puntos. Wala kaming ibang ginawa ni Neri kundi ang manlait ng kapwa, pero sa aming dalawa lang. Opinion lang ba, hindi sa pagiging judgemental pero alam kong pagiging judgemental na rin 'yun.
"Parang gumugwapo lalo sa paningin ko si Pietro?" Biro ko, pero totoo 'yun. Half meant ba.
"Gwapo naman talaga 'yan, ngayon mo lang napansin?" Patol ni Neri sa akin.
"Crush ko na siya mula ngayon, tsaka 'yun si number 5! Yexel Vergara name nun 'di ba? Add to cart na na'tin 'yan." Natatawa kong sambit dito.
"Maiba tayo, parang mas bet ko 'yung nakaupo sa likod ng bench ng beda. 'Yung naka-hoodie na white and black?" Natatawa kong bulong kay Neri.
"Ay weh? Bet mo?"
"Sakto lang, pero mas bet ko si Pietro." Biro ko, I mean...normal naman sa amin 'yung ganitong biro. Though, crush ko naman talaga 'yung iba or atracted ako sa kanila pero alam ko naman na 'yung puso ko nandun pa rin sa lalaking walong buwan nakipag habulan sa akin. "Pero ah, hawig ni Mister Hoodie Guy 'yung ex ko." Bigla naman akong binatukan ni Neri.
"Ex? Gaga ka be? Hindi naging kayo remember?" Ouch. Bakit naman ang talas ng talim ng nakaraan? Charot.
"Eh ang panget namang sabihing 'fling' parang kami na rin naman-"
"parang, pero hindi." Putol nito sa pagsasalita ko. Parang bobo.
"Fine, atleast ako graduate na sa pagiging bobo. Kahit anong gawing niya, hindi na ko babalik." Proud kong sambit kahit na alam ko sa sarili ko na isang tawag lang ng pinsan niya, tatakbo ako. Kasabay naman 'yun ng pag sisimula ng second half.
Nakakapagod pero worth it, kahit alam kong mata-traffic ako pag-uwi sulit kasi ansaya, panalo sila tapos nag enjoy pa ko.
"Pa-picture ako kay James." Ungot ni Neri. As always, number one fan ni James simula nung unang game nun sa SBU, love at first play. Ganern.
"Ako kay Pietro at Yexel. Pa picture rin tayo sa ibang player na hindi masungit ang jowa." Kasi naman, hindi kagaya nung mga jowa ng player dati. Noon nagiging kaibigan pa ni Neri ang jowa ng player sa sobrang bait. Ngayon, jusko. GenZ nga naman kala mo naman nalalayo ang edad sa amin eh twenty three lang kami sila siguro nasa bente anyos pero grabe na mambakod. Pero hindi rin naman namin sila masisisi ang mga people nowadays, charot.
Nag-CR muna kami bago lumabas ng arena. Syempre makikipag picture sa players, ang panget naman kung panget ka sa picture. Sa pag pulbos na nga lang mapi-filter ang kachakahan hindi pa ba pagbibigyan? Well, hindi naman kasi ako marunong mag make up, so what. Charot.
Usually, fifteen to twenty minutes bago lumabas ang players at nagtitiyaga talaga kami maghintay kasi why not? Gusto namin magpa-picture eh. Minsan na nga lang ako magkakaroon ng picture with mga gwapo hindi ko pa papatulan?
"Nauna lumabas si Yexel!" medyo kinakabahan rin naman ako, hindi naman kasing kapal ng pad paper ang mukha ko at hindi rin mataas ang confidence ko pero keri lang, para sa picture.
"Yexel, pa-picture daw siya" ani Neri. Tingnan mo si Tanga, sinigaw pa talaga.
Nag selfie kaming dalawa kahit nahihiya ako. Mestizo kasi si Yexel parang may laging espanyol na may dugong british. Pati kay Pietro ay nagpa-picture rin ako. Bakit ba, walang bantay na jowa kaya keri lang.
Hinihintay na lang namin si James para mag pa-picture, feeling ko nagpapa-gwapo pa 'yun para mabaliw ang kaibigan ko. Charot.
Hindi naman ako mabo-bored dahil may iilang gwapo sa paligid, motivation ko talaga mga gwapo eh. Don't get me wrong, hindi naman ako malandi as in malandi, malandi as low-key lang ako.
Tapos nakita ko na naman si Mister Hoodie Guy, may ID Lace rin na Red kagaya nung sa players, sa porma niya parang pormahan ng uniqlo ganern, fresh and ang pogi sa paningin. Infairness, gwapo siya. Kaya lang parang may mali? Parang pamilyar siya. Tama, kamukha talaga ni Dustin. Hanggang dito minumulto ako ng nakaraan.
Pag alis ko ng tingin doon kay Mister Hoodie Guy, napatingin na ko kay Neri na hindi mapakali, natanaw niya na pala si James 'yung lang ang daming nagpapa-picture. Siguro nag iisip na siya ng way paano makakasingit.
"Ang hirap naman magkagusto sa sikat." Sabay buntong hininga nito.
"Lika, singit tayo. Hindi pwedeng uuwi kang luhaan for today. Dapat may picture ka rin." Sabay hila ko na dito sa mga nagkukumpulang nagpapa-picture sa crush niya.
-
-
BINABASA MO ANG
Satellite
FanfictionTwo souls who had big desires of achieving their dreams, found each other. Will they able to achieve their dreams together or they are only bound to be the satellite of each other? fanfiction written by rbietch December 2022