"Ang cute ng kuha mo. Parang low-key lovers kami dito, oh!" Ani Neri.
"Kilig na kilig ka na naman dyan, kulang na lang ipa-billboard mo 'yan eh." Pagbibiro ko pa.
"Ay kung afford ko lang, pero dahil binigyan mo ko ng idea parang gusto kong ipa-tarp." Napailing na lang ako sa sinabi nito.
Medyo traffic mula San Juan papuntang ortigas lalo na at mga alasais na kami nakasakay, kasagsagan ng peak hour.
"Oo nga pala, ka-circle nila Yexel 'yung sabi mong ang pogi kanina." Nakuha ni Neri ang atensyon ko? Si Mr. Uniqlo Guy ba?
"Kilala mo??" Tanong ko.
"Oo, sa IG alam ko wait search ko." May mga tao pa itong sinearch sa IG na familiar sa'kin parang mga dati ng player sa San Beda and friends of friends nila bago niya inabot ang phone niya sa akin.
"Sean Garcia. There, infairness ang gwapo nga." Iniscroll down ko pa para makita ko ang ibang pictures niya.
"Hawig ni Vin Albrenica," ng matitigan ko pa ang isa niyang picture. "Parang kilala ko na siya na parang hindi? Hindi ba siya 'yung sa Adamson dati, 'yung malandi?"
"Ha? Sino na naman? Nakalandian mo?" OA na sagot ni Neri.
"Hoy, never nakipag landian 'to. What I mean, ka-tropa nung lalaking bet ako noon na player ng Adamson? Parang siya 'yun? Sean Garcia rin yata 'yun." Hindi ko na tanda, o sadyang napaka common ng name niya?
"Ewan ko sa'yo. Gutom lang siguro 'yan. Kumain na lang tayo pagkababa na'tin sa Galleria, okay?" Nagkibit balikat na lang ako. Iniisip ko siya rin ba 'yung lalaki sa Adamson.
Almost 10pm na rin ako nakauwi ng Cavite. Nagpahinga lang ako ng konti tas kinuha ko na ang laptop ko para mag-check ng emails, may tatapusin pa pala akong project.
May kliyente kasi akong kailangan ng almost 15k words for research, pero next week pa naman ang deadline.
Sa freelancing world kasi, mas maaga mo matapos ang workload mo, mas mabilis ang pera. After ng iisang kliyente, hanap ka kaagad ng bago. Easy money. Pero sa panahon ngayon, dasal dasal na lang sa dami ng nasa mundo namin.
Kaya rin ako pumasok sa fast-food industry eh. Pakiramdam ko kasi, mababaliw ako kapag sa araw-araw mga letra ang nakakasagupa ko. Kaya lang, mukhang maling desisyon ang kumuha ako ng experience doon. Nakaka-drain pero nare-redeem naman ng mga nakakasama ko sa work.
Ganito ko palagi eh, para akong nasisiraan ng bait kapag hindi nakawala ang ibang emosyon ko sa katawan, for example my curiousity.
I ended up searching about Sean Garcia. Nakakabadtrip pa kasi private lahat ng accounts niya, well except for his Instagram.
I even googled him pero puro Sean Garcia na boxingero ang nalabas.
So ibig sabihin hindi siya 'yung nasa Adamson before?
I searched more on google, sinearch ko pa 'Sean Garcia Red Lions' and there, may lumabas. He's from the red cubs pala. But most of the information are left unanswered.
Very private naman pala. So I therefore conclude that he is not the guy from Adamson.
Siguro umaatake ang memory block ko most of the people I knew, limot ko na. Kaka-cellphone ko 'to sabi ni Mama.
Pero seriously, I am very sentimental person. Mapa-bagay man 'yan or dates or time noon tinatandaan ko. Pero as I grew older, unti unting nagpe-fade ang memories. Baka dahil sa puyat 'to.
Sana kasi pinanganak na lang akong mayaman para hindi ako nagpupuyat kaka-browse ng work. Charot.
Pero kung mayaman ako, baka nagliliwaliw na lang ako sa life at baka hindi ko nakilala ang iilang taong nagiging happy pill ko.
Or probably, hindi ko name-meet ang mga taong na-meet ko sa life time ko ngayon.
Neri:
May tickets na tayo for friday's game. Hindi ka pwede tumanggi.That's what my friend's message. Desisyon talaga ang gaga. Paano pala kung may pasok ako?
Neri:
Awol kung awol. Mahal mo naman ako 'di ba?The audacity, pero she's right. Love ko naman talaga siya. Iilan na nga lang sa daliri ang mga kaibigan ko so bakit hindi ko pa mamahalin 'di ba?
Me:
Who says I love you?Pero masarap bardagulin ang kaibigan mo, lalo na kapag alam niya na ang love language ko ay mangpikon.
Neri:
Oh well, Me. Good night, sana hindi mo mapanaginipan si Sean. Byeee.Natawa na lang ako sa kanya. Pati 'yung nananahimik na tao, dinadamay niya.
Dahil hindi pa ako masyadong inaantok nanood muna ako ng mga videos sa tiktok.
Pero mukhang maling desisyon yata ang panonood ko dahil puro tarot reading na lang ang lumalabas sa for you page ko. Uto-uto pa naman ako.
Medyo weird din kasi ako madalas, medyo naniniwala ako sa astrology kaya kung may mapanood man akong nakakarelate ako, nare-resonate ko.
Ganun ako ka-uto-uto. Tapos io-overthink ko na ang mga what ifs n'yan. Tingnan mo nga noong bata-bata pa ko'yung matanda namin na kapitbahay ang sabi niya makakapag asawa daw ako ng Engineer, tapos hanggang ngayon dala dala ko.
Tingnan mo, akala ko tuloy si Dustin 'yun. Hindi rin kasi ako marunong sumunod sa direction. Sabi Engineer eh hindi pa naman siya engineer, ayan nagkanda leche-leche ang life.
Pero kiber lang, charge as experience and lesson. Hindi rin naman ako nagsisisi. Konti lang. 'Yung sakit parang kagat lang ng aso pero 'yung aso eh 'yung pitbull na galit na galit. Ganern.
Kung hindi ka masasaktan, hindi ka maggo-grow pero parang sa dami na ng sakit na pinagdaanan ko gusto ko na lang hindi mag grow para hindi na masaktan.
Pwede kaya 'yun? Special request ko sa universe, tutal expertise ko ang manifestation ✨
Pero sa true lang, next time I'll fall inlove, mina-manifest ko na hindi gaano masakit.
Kumbaga, the love that I'll give to someone is the same level on what he gives. Kasi dapat ganun naman talaga 'di ba?
Tapos sana mataas ang pangarap para sa sarili niya. Kasi ganun rin ako, I have dreams that I wanted to pursue.
May we find each other as fuel on our desire to achieve our dreams and grow together.
Hindi ba parang ansarap mangarap kapag may kasama ka?
But what ever the universe will give, I'll accept it wholeheartedly.
Kahit ano pa man 'yan, meron o wala I'll chase my dreams no matter what.
-
BINABASA MO ANG
Satellite
FanfictionTwo souls who had big desires of achieving their dreams, found each other. Will they able to achieve their dreams together or they are only bound to be the satellite of each other? fanfiction written by rbietch December 2022