six

12 2 0
                                    


-

"Nagke-crave ako ng donut. Krispy kreme?" Then I make face to him, baka sakaling bilhan niya ko.

"No, too sweet." Napa-nguso ako doon. Parang donut lang, ang damot.

Naglalakad kami ni Sean sa loob ng mall kasama ng kapatid nito. Nagsha-shopping ang kapatid nito habang kaming dalawa ang chaperone.

Kakalabas lang rin namin ng bershka boutique ng ang katapat naman na mini stall ay dunkin' donut.

Niyakap ko 'yung braso nito tapos tumingala ako sa gilid nito. Ang tangkad kasi. Pinapungay ko ang mata ko baka sakaling bilhan niya ako.

"Dunkin' donut," sabay nguso ko doon.

"Hindi pwede. Masyado 'yang matamis." Shuta, parang may diabetes ako kung pag bawalan ako ah.

Binitawan ko ang pagkakakapit ko sa braso nito na parang batang nagmamaktol.

Narinig ko ang magpang asar na tawa ni Sean sa tabi ko. Sinamaan ko tuloy ito ng tingin.

"Kakain na tayo ng lunch, 'wag ka na magalit d'yan." Inirapan ko na lang ito at tumabi sa kapatid niya na natatawa na rin.

Naghahanap kami ng makakainan pero hindi ko na ito pinapansin. Manigas siya d'yan.

Gusto ko lang naman ng donut.

Pagkarating namin sa restaurant na pagkakainan namin, nagpaalam ang kapatid niya na magsi-CR daw. Iniwan na kami ng kapatid niya pero hindi ko ito pinapansin.

"Pagbalik ko na tayo umorder, mag CR din ako pag balik ng kapatid ko." Sabi nito sa'kin pero hindi ko pinapansin. Nagse-cellphone lang ako sa tabi nito.

Nararamdaman ko ang titig nito sa'kin tapos alam kong nakangiti ito, animo'y nang iinis.

Nababad-trip ako talaga, gusto ko lang naman ng donut.

True to his words, pagkabalik ng kapatid niya, umalis ito para mag CR, nagpaalam rin ako sa kapatid nito na may bibilhin lang. Natatawa naman ito ng tanguan ako. Parang alam niya na bibili ako ng donut na cravings ko.

Nagmadali akong maglakad, baka kasi maabutan ako. Napadaan ako sa Krispy Kreme, papasok na sana ako ng ma-realize ko na madali niya kong mahahanap kung dito ako pupunta.

Kaya imbes na doon, nag elevator ako papuntang second floor tas doon nagtingin ng jewelry.

Isang set ng alahas na kulay peridot ang binili ko. Tapos umalis ako't sumakay ng kotse. Nagdrive ako hanggang makarating ako ng NLEX.

Noong na-realize ko na magbabayad ako ng tollgate, nag U-turn ako bigla. May mga aso akong nakita kaya bumaba ako. Huli ko na ng ma-realize na matatapang pala 'yung mga aso tas bigla along nagtatakbo at umakyat sa pader. Muntikan pa malapa ng aso ang pwet ko.

Dumating si Sean, natatawa niya akong pinapababa pero hindi ako bumaba. Natatakot kasi ako.

"Hindi ka kakagatin n'yan, bumaba ka na." Ani nito tas lumapit. Nang akmang sasakmalin ulit ako ng aso, na out of balance ako't nahulog sa pader.

Good thing at nasambot ako ni Sean na natatawa sa akin. Inayos ko ang sarili ko't tumagilid.

Napamulat ang mata ko. What the hell? Inabot ko ang phone ko sa bed side table ko at tiningnan ko ang oras, 8am pa lang?

12 pa naman ang pasok ko, ano ba namang panaginip 'yon.

Natulog ako ng 4am dahil tinapos ko ang freelance work ko, tapos ang aga ko nagising dahil sa panaginip na 'yon.

Ang weird naman, out of many people. Bakit siya pa? I mean, hindi naman ako kilala nung tao, nananahimik siya pati ako sa buhay ko. Ang galing naman magbiro ng universe.

Pumasok ako ng work na iniisip ang panaginip ko na 'yon. Kinuwento ko na rin kay Lea, natatawa na lang ito sa akin. Tulala akong nag oorder take sa customer noong araw na 'yon hanggang matapos ang duty ko.

"Bukas ah, 12 ang game nila. Agahan mo naman." Paalala sa akin nito.

"Oo na nga. Pero ang weird ng panaginip ko." At kinuwento ko na nga sa kanya. Wala lang siyang ibang ginawa kundi ang tumawa ng tumawa.

"Baka siya ang destiny mo." Biro pa nito sa'kin.

"Tigilan mo ko. Destiny, ayokong i-consider as panaginip. Parang bangungot na kasi hanggang ngayon naaalala ko na parang totoo." Reklamo ko pa dito.

"Haha, baka clue sa'yo ng universe na may chance kayong dalawa." At tuloy tuloy na nga sa pang iinis ito. Kung hindi ko 'to kaibigan, baka  pinatayan ko na 'to ng phone.

"Ha-ha-ha, funny ka." Napipikon kong untag dito.

"Pero no joke, hindi naman siya kamukha ni Dustin, pwede na." Psh, kulit.

"Oo nga, may itsura siya. 'yun na ba ang basehan ng susunod na jojowain? Kung ako papapiliin, kahit hindi na mayaman, walang sasakyan at hindi pogi basta mataas pangarap sa buhay keri na." Paliwanag ko.

"Sino ba nagsabing jowain agad? Hindi ba pwede happy crush muna?" Natatawang sagot nito. Nag init tuloy ang pisngi ko. "Ikaw ha, nakakahalata na ko sa'yo." Sabay halakhak nito.

"Ewan ko sa'yo. Sige na, icha-chat kita kapag paluwas na ko ng Maynila." Pagsuko ko.

"Sige, agahan mo utang na loob. Matutulog kana? Baka mapanaginipan mo ulit si Sean ah." Sabay tawag ulit nito.

"Alam mo, d'yan ako napapahamak sa'yo. Ikaw lang buyo ng buyo d'yan. Nananahimik ang life ko." Kinakabahan tuloy ako, pasmado pa naman ang bibig nito. Baka bigla na lang magkatotoo. Jusko, ang hirap kaya mag overthink.

"Haha, joke lang. Tulog na ko, see you tomorrow!" And she ended the call.

Gusto kong matulog pero alam kong hindi dahil bumabagabag sa utak ko si Sean Garcia.

Ano ba, universe? Trip mo ba kong pag isipin?

I ended up searching him, again. Pangalawa na 'to. Pero ang ending wala along makuhang ibang information kasi naka-private ang accounts niya..well aside sa Instagram niya na puro picture niya.

Alam mo 'yon, kapag may gusto kang malaman sa isang tao pero hindi wala kang magawa para malaman kasi ang pribado ng buhay niya.

Nakakabaliw. Kaya naman wala along nagawa kundi magsulat. I wrote my thoughts, parang prompt ba. Alam ko kasi masisiraan ako ng bait kapag inisip ko lang ng inisip 'to.

Nagkaroon rin ako ng what ifs sa utak ko so I can stop thinking about him.

Kumbaga, he is sky and I am ocean. We are bound to be there forever. Pero 'di ba ang tubig mula sa dagat nag evaporate para mapunta sa langit? So may chance pa rin?

Sige, imbes na tigilan ko na parang binigyan ko pa lalo ng sakit sa ulo ang sarili ko.

Basta impossible. 'Yun na 'yon.

-

-

SatelliteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon