Chapter Two

1.3K 115 6
                                    

"Taga 'Engkantasya' ako. At dito ako dinala ng lagusan. Diyan sa lagusan ako dumaan."

NAKANGITING lumapit si Kroen sa nagtatakang gwapong lalaki.

"Anong pangalan mo?" malambing na tanong niya at nag-alay ng matamis na ngiti sa kaharap.

Umigkas naman ang kilay ng lalaki. "Quinn." Matipid na tugon nito.

"Ah! Ikinagagalak kitang makilala. Siyanga pala, nasaang lugar ba ako?" Nagpalinga-linga sa paligid si Kroen.

Malamlam ang liwanag sa loob ng silid na iyon. Makalat, puro lata ng pintura, bras na pampinta, mga papel, lapis, pluma at mga malalaking canvas (hindi ko alam ang tagalog sa canvas, ginawa ko na ang lahat para isipin pero hindi ko talaga maisip) na karamihan ay may nakaguhit na larawan. Sa isang bahagi ay may nagtambak na blankong canvas. At maliit na eleganteng mesa. Nakaamoy si Kroen ng masarap. Mabilis na lumapit siya sa mesa at inabot ang bote ng mamahaling inumin, binuksan niya iyon at inamoy. Napakasarap ng amoy!

"Maaari bang tikman ko ito? Amoy masarap!" humihingi ng pahintulot na tanong ni Kroen kay Quinn.

"Sandali lang Miss!"awat ni Quinn sa kanya. "Saan-"

"Hindi ako si Miss. Ang pangalan ko ay Kroen." Putol niya sa sinasabi ni Quinn.

"Okay, okay!" tila sumusukong saad ng binata. "Saan ka ba nanggaling? Paano ka nakapasok sa work room ko? Dito sa bahay ko?"

"Bahay mo pala ito." sabi niyang nagmasid-masid muli sa paligid hawak pa din ang bote ng inumin. "Masyadong maliit at ang dilim." Komento niya.

Tila hindi nagustuhan ni Quinn ang sinabi niya base sa pagdilim ng mukha nito. "Wait until you see the whole house. Work room ko lang ito."

Hindi niya gaanong naintindihan ang sinabi ni Quinn dahil sa banyagang salita nito. May ilan din naman siyang nalalamang banyagang salita dahil dumadaan sila ng mga kaibigan sa natural na lagusan at nakikisalamuha sa mga tao pero limitado ang abot ng kanyang kaalaman.

Palagay niya, base sa ekspresyon ni Quinn ay idinedepensa nito ang bahay laban sa komento niya.

"Ang ibig kong sabihin, maaari na ba akong makatikim nito?" Inilahad niya ang boteng hawak. Ganoon ang iniaalay ng matandang babaeng nakatira sa malaking bahay na malapit sa malaking umbok ng lupa na siyang natural na lagusan ng mga tulad niyang lambana. Madalas din silang pumasok sa malaking bahay at mang-umit ng mga inumin na naiiwan sa mga dambuhalang baso. "Alam mo kasi, paborito kong inumin ito. Minsan lang ako makainom ng ganito, kapag may nag-aalay..." Nahinto sa pagsasalita si Kroen. Nakatawid na siya sa mundo ng mga tao. Bakit may naaalala pa din siya mula sa daigdig nila?

Hindi kaya, dahil kalahating tao at kalahating lambana lamang siya?

"Paborito mo ang red wine?" narinig niyang tanong ni Quinn. Tumango siya. "At ang ibig mong sabihin ng nag-aalay ay nagbibigay?" Tumango siyang muli. "Saan ka ba nanggaling? Paano ka nakapasok rito? Bakit ganyan ka manalita?" Hinagod nitong maigi ang hitsura niya. Napahawak naman siya sa mukha at sa tenga. Sigurado siyang normal na anyo ng isang mortal na ang hitsura niya kaya't bakit ganoon nalang ang pagtataka nito habang hinahagod siya ng tingin. "Pupunta ka ba sa party?"

Napatingin din si Kroen sa kanyang sarili. Ganoon ang kasuotan niya sa araw-araw. Pupunta man siya sa pagdiriwang o hindi.

"Oo. Mamaya pa naman, kapag kabilugan na ng buwan sa kalagitnaan ng gabi. May sarilinang pagdiriwang kami ng mga kaibigan ko."

"Ah, intimate party." Anito. "Pero palagay ko ay nagkamali ka ng lugar na pinasok. Hindi ito ang party place ninyo ng mga kaibigan mo at tapos na ang twelve midnight." Umakto itong lalapitan siya at hahawakan. "Paano ka bang nakapasok rito? Taga saan ka ba?" naiinis at nagtatakang tanong nito.

Enchanted World of Kroen (Completed- Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon