Teaser/Author's Note

2.1K 63 1
                                    

"Kung nalaman ko lang ng mas maaga na ganoon pala kasarap ang mahalikan ka, matagal ko na sanang ibinuwis ang buhay ko kapalit iyon."

Dahil sa larawang iginuhit ni Quinn ay nagbukas ang lumang lagusan ng mga lambana patungo sa mundo ng mga mortal. Sinamantala ni Kroen na makatawid. Napakaraming taon ang hinintay niya para makatawid upang mahanap, makita, at makasama kahit saglit ang kanyang ama na nasa mundo ng mga tao. Pero sa kasamaang-palad ay saksakan ng sungit ang pintor na nagmamay-ari ng susi ng lagusan patungo sa kanyang mundo. Higit sa lahat, posible siya nitong ipahamak dahil hindi ito naniniwala sa mga tulad niya.

Nagkasundo sila na hindi dadagdagan ni Quinn ng kahit anong detalye ang larawan. At patutunayan ni Kroen sa susunod na kabilugan ng buwan na isa siyang lambana at ang larawan ang lagusan sa pagitan ng dalawang mundo.

Subalit matapos ang kanilang napagkasunduan ay nagpasya ang puso at isip ni Kroen na manatili sa tabi ng pintor. Pero kaunting panahon na lang ang nalalabi sa kanya sa mundong iyon. Ano ang uunahin ni Kroen: ang hanapin ang kanyang ama o lubos-lubusin ang maikling sandali na makakasama si Quinn, ang mortal na natutunan na niyang ibigin?

Top 7 best seller in PHR Singles 2016

A short film adaptation (Panibagong Obra) Precious Pelikula.

3rd Best Film adaptation in Precious Pelikula 2017

Hello! Matagal na po itong published under PHR Gothic Romance pero hindi ko po idedelete sa wattpad. Tapos po ito rito. But.. there's a but. You have to follow my profile first para mabasa ang mga naka-private parts. Kung gusto niyo lang naman.

Thank you and enjoy reading.

Enchanted World of Kroen (Completed- Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon