PROLOGUE

36 0 0
                                    

Halos liparin ng dalaga ang bukana ng bulwagang iyon. Kagagaling lamang niya sa trabaho at di niya alintana ang pagod upang sumugod sa Puenteverde Mansion kung saan nagaganap ang isang kasiyahan na lubos niyang kinamumuhian. It was their fathers Wedding Anniversary sa taong ipinagpalit nito sa kanila ng kanyang ina at ate Tiffany. She doesn't understand why the hell her sister attended the event while all the while she rages their father to her very bone.

Nasa gitna na siya ng bulwagan nang mapatingin ang lahat sa kanya. Sino ba naman ang hindi mapapatingin. Shes wearing maong pants na kupas, a leather jacket and a baseball cap. Sa get up niya akalain ng lahat na manggugulo siya sa party'ng iyon. She smirked upon the thought. Ang mga guard nga sa labas ay walang muwang na nakapasok siya. Masasabi pang magnanakaw siya or perhaps a gate crasher sa party na hindi naman siya imbitado.

Nagpalingalinga siya sa paligid hindi alintana ang titig ng mga socialites upang hanapin ang kapatid nang mapadako iyon sa napakataas na hagdan sa gitna ng bulwagan. Napatda siya sa kinatatayuan. Nanlamig at namanhid din ang buo niyang katawan habang nakatunghay sa babaeng unti-unting gumugulong pahulog sa napakataas na hagdang iyon. She knew for sure kung sino iyon kaya kahit nanlalambot ay tinakbo niya ito. Malakas ang hiyaw ng mga tao sa paligid niya pero hindi niya iyon naririnig. Sobrang lakas ng pintig ng puso niya na halos kakapusan siya ng hininga.

Saktong narating niya ang dulo ng hagdan kasabay ng pagbagsak ng ate niya sa kanyang paanan. She froze at sa nanginginig na kamay ay dinaluhong niya ang duguang kapatid.

"Ate...!" impit niyang sigaw sabay ng pag-agos ng mainit na likidong iyon sa kanyang mga pisngi."Ate...Hindi...Hindi...!"usal pa niyang umiiling.

Napaangat siya ng tingin habang yaka-yakap ang kapatid. Walang may gumagalaw sa mga taong nakapaligid sa kanya kahit ang mga ito ay shock ding nakatunghay sa kanya.

"Please tulungan niyo ang ate ko!" sigaw niya. Doon niya napansin ang paglapit ng dalawang taong kinaiinisan niya pero sa ngayon alam niyang kamumuhian niya hanggang sa kaibuturan ng kanyang puso. Her father and her sister's fiancé. Kinuha ng ama niya ang kanyang ate mula sa kanya at patakbo itong kinarga palabas. Tila mawawalan siya ng hininga habang nakatingin sa duguang ulo ng kapatid. She didn't even blinked but when she saw her sister slowly open her eyes she knew that moment will make her emotion fall. She stopped when it's just her sister last breath she murmur something that make her world crashed and a rage in her heart succumbed her whole being. Her dark rage.

"ABVRIL'S RAGE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon