**************************************************************************************************************************************************************
"What the hell were you saying, Avi?" di makapaniwalang saad ni Mariz Cosco. Ang baklang manager ng kapatid niya at owner ng resto-bar na pinagtatrabahuhan niya. Nangunot ang dalawang manipis na kilay nito habang matamang nakatingin sa kanya, tinatantiya nito kung seryoso siya sa kanyang pahayag. Sinadya niya talaga ito sa opisina para lamang makausap ito sa binabalak niya. Apat na araw matapos siya nitong dalawin sa ospital ay pumasok na ito sa trabaho kung saan nakaabang siya. Alam niyang nalulungkot pa din ito sa nangyari sa kapatid niya kung kayat tulad niya ay nagkulong din ito malayo sa mundo ng camera.But after a month ay nagpakita rin ito sa kanya. Bukod sa pagiging manager ay matalik na kaibigan ito ng ate niya. Sinabi nitong sinadya nitong hindi nagpakita sa kanya ng ganoon katagal dahil sinisisi nito ang sarili na hindi nito pinigilan ang kapatid niya upang pumunta sa party'ng iyon dahilan ng naganap na pangyayaring hindi nila inaasahan.
"You heard me! I want to be in the spotlight, just like my sister!" matigas niyang ulit sa kanyang pahayag.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Abvril? Iyan ang kahuli-hulihang gustuhin ng kapatid mo. Even you! You hated the sparks of being in the spotlight. You hated wearing stilettos and high heeled shoes. You hated the glamour of gowns and dresses as well as expensive jewelries. Ngayon gusto mong pasukin iyon. Are you kidding me?" mahabang litaniya ni Mariz. He hit her there. Totoo lahat ng sinabi nito. Sino ba naman ang mag-aakala na ang tulad niya ay gustuhing pumasok sa mundo ng camera. She's just a typical simple boyish girl na wala ngang alam sa make-up at fashion papasukin ang mundong lahat ng kaluluwa mo ay nakabalandra sa lahat. Pero buo na ang plano niya. She can learn and change. Kailangan niyang pantayan ang mga taong iyong nasa tuktok ng pedestal o kung maaari pa ay lampasan upang madali niyang mahila ang mga ito pababa at maramdaman nila kung paano pagtawanan at hamakin ng publiko. Lalong-lalo na ang ama niya. Sa tingin niya kailangang maramdaman rin nito ang sakit at kahihiyang natamo niya simula pa noong nabubuhay pa ang kanyang ina.
"I can change, Mariz." Seryosong sagot niya. "If you can't help me.I can find someone who can." Mariin niyang wika. Pinatigas ang bawat salita upang ipaabot sa kaharap na hindi siya nagbibiro.
Natigilan si Mariz sa determinasyong nakikita niya sa mukha ni Abvril. She seemed to be desperate. At nag-aalala siya sa maaaring gawin nito. Baka masira lamang ang sarili nito. Shes very beautiful, no question about that. Hindi nga naitago ng panlalaking kasuotan nito ang kagandahang taglay nito. She has a deceiving looks.Napakaamu ng mukha nito. Those big chocolate eyes and natural red lips. She's a walking temptation for every male. And those body of hers na madalas nakatago sa leather jacket na suot nito alam niyang hindi maikakailang mas maganda ang hubog nito kaysa sa kapatid na si Tiffany. Bakla siya pero humahanga siya sa taglay na charm ng dalaga. At ngayon pa lang natatakot siya sa maaaring kasadlakan nito kapag napunta ang dalaga sa maling kamay. Tiffany done everything para malayo sa spotlight ang nakababatang kapatid especially in the world of showbiz kung saan pinakasikat ngayon ang half sister nilang si Lira Puenteverde pero hindi na niya alam kung paano ito pigilan ngayon.
"Why?" halos hindi iyon marinig na tanog niya pero nagawa namang sagutin ni Avi.
"I want the popularity; I want the spotlight for me to have revenge!" Nagngingitngit na sagot ni Abvril. Ramdam ni Mariz ang galit at poot mula roon.
"Alam mong kailanman hindi ito gugustuhin ng kapatid mo. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo but I will never help you because of revenge. Ginawa lahat ng ate mo na malayo ka sa mundong ginagalawan niya tapos ngayon dahil lang sa paghihiganti sisirain mo ang kalayaan mo away from the press and the public's judgmental eyes."
BINABASA MO ANG
"ABVRIL'S RAGE"
RomanceAbvril de la Rosa is one of the hottest and in demand commercial and fashion model in her generation. Being the daughter of the most promising and sought-after actor Miguel Poe, she tried to overpass the success of her father to get her revenge. She...