Chapter 45 - Gestures

63 3 0
                                    

"August!" tumili ako nang sabuyan niya ako ng tubig sa pool. Tawa lang siya ng tawa sa pang-titrip sa akin. 

"Mag-swimming ka na kasi! Mamaya na yan, ikaw na lang kumikilos diyan eh!" at sinabuyan niya ulit ako ng tubig. Sinamaan ko na siya ng tingin dahil malapit na ako mapikon, nakuha naman niya agad yung gusto kong iparating kaya tumigil na siya.

"Halika na kasi rito, Love!" at tumawa ako nang magdabog siya sa tubig. Katatapos lang kasi ng children's party, at may dalawang table na nakapwesto sa malapit sa pool at nag-aayos ako ng mga kalat dito kaya malaya niya akong nasasabuyan ng tubig. 

Kaarawan kasi ng bunso ni kuya Luke ngayon si Keana, kuya Luke and ate Giana planned to throw a pool party for Keana. At naenjoy naman ng bata kaya ngayon bagsak sa loob ng kwarto na nirentahan namin. 

"Diann, pagbigyan mo na yung tao oh, kanina ka pa inaantay ni yan." hindi ko na nilingon kung sino yun dahil hawak-hawak ko yung mga kalat baka pag lumingat lang ako saglit ay mahulog 'tong mga 'to.

"Mamaya, kuya Ethan. Tapusin ko lang 'to." pero bago ko pa tuluyang iangat yung mga kalat ay may kumuha na non at nakita ko si Kiel na nakangisi, may kinuha rin siya sa bulsa ng short ko at naalala ko nandun pala phone ko, nagtaka ako bigla sa kaniya pero bago pa ako maka react ay bigla na lang ako umangat sa ere. 

"Kuya Ethan!" tili ko. 

"Mabitawan mo, Ethan!" kuya Mark. Bago pa ako makahingi ng tulong ay nagulat na lang ako ng ihagis ako sa pool. Shit! Hindi ko abot yung sahig! Pero may dalawang kamay ang humawak sa bewang ko, hindi na ako nakapag isip at yumakap na ako mahigpit dun sa taong humawak sa akin.

"Gotcha!" si August, hindi na ako makapagsalita sa takot, nakabaon na ang mukha ko sa balikat niya, then his manly scent attacked my nose. Hindi ko na inalintana yung half-naked niyang katawan, ang kailangan ko lang ngayon ay makakapitan. 

"Gago 'to! Hindi marunong lumangoy yun!" si kuya KD. 

"Andon naman si August." naririnig ko na nagtatalo mga kapatid ko pero hindi ko na sila inawat. Bahala sila diyan, hindi ko rin naman sila maaawat, maligalig sila. 

"Sabi ko sa'yo swimming na tayo eh." bulong niya at naramdaman ko na ang katawan niyang gumalaw. Samantalang ako, kapit-tuko sa katawan niya ngayon. 

Hindi na ako makapagsalita dahil sa nangyari sa akin kanina. Hindi na rin nagsalita si August dahil pakiramdam ko nakaramdam siya don. Ilang saglit pa ay bumagal na yung lakad niya hanggang sa naramdaman ko na yung hagdanan sa likod ko kaya agad akong umupo ron. 

Nang makaupo na ko ng maayos ron ay napatingin na ako sa hita kong nakababad ngayon sa tubig.

"Hey, are you okay?" tumango ako, kung wala si August don tiyak na nalunod na ako, pero alam kong hindi naman gagawin ni kuya Ethan yun kung wala si August na nakaabang.

"Would you like to practice floating?" napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang ngiti sa kaniyang mga labi. 

"Is it hard to float?" 

"Hmmm, if you are a beginner, yes. But once you've learned from it it will be easy for you to float." then he gave me another smile, assuring me that it won't be hard to learn to float. 

"Dito muna tayo sa may hagdanan para may dantayan ka," at tinuro na niya sa akin yung tamang posisyon sa pag-float. 

"Then relax your body like you are lying in your bed." humiga ako sa hagdanan dun sa pinaka-mababaw para sure. 

"Mga kuya! Ate! Si kuya Noah kausap ko sa kabilang linya!" naagaw ng atensiyon ko yung sinabi ni Kiel kaya napa-ayos ako ng upo. 

"Pupunta ka ron?" tanong ng kasama ko, tumango ako. 

My 15 Brothers And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon