Part 3

55 4 1
                                    

Samantha's POV

~RRIIINNGGGG~

Uwian na!!

"Babe!" Dali dali akong nag impis ng gamit ko at lumapit kay Aly nung narinig ko ang pagtawag nyang yun.

Kinilabutan pa ako.

Babe your face!!

"Aly bilisan mo." At hinila ko na pababa ng building namin pero ramdam ko namang sumusunod si Enriquez. Kaya mas binilisan ko pa.

"Ano ba Sam, natatae ka ba?" Sigaw nya at narinig ka namang natawa si Erniquez pero di ko pinansin yon. Mas lalo ko pang binilisan at nakarating na kami dun nang naghahabol ng hininga. Sumulyap ako sa likod ngunit walang Enriquez.

Mabuti naman.

"Oh anong eksena naman yung Sam? Dinamay mo pa talaga ako huh?" Habol ang hiningang sabi nya sa akin. Umupo ako sa may mga malalaking bato sa may halamanan. Habang si Aly ay nakatayo sa harap ko habang ang hamay nya ay nakahawak sa may tuhod nya.

"Tinakbuhan ko lang si Enriquez eh. Baka mamaya kung ano na naman ang sabihin non." Sagot ko "oh sya sige, alis ka na't nabwibwisit na ako sa mukha mo" biro ko sa kanya at bahagya naman syang napa nguso.

"Hindi ka sasabay sa akin?" Tanong nya.

"Sabay kami ni Kuya"

"Langya ka naman Sam eh, di ka naman pla sasabay sa akin tapos kung hilahin mo ako kanina parang driver mo ako't nagmamadali ka ah." Biro nya at natawa naman ako sa kanya. "Oh sige. Alis na ako. Bye" at naglakad sya papalayo.

"Ingat!" Sigaw ko at iwinagayway nya naman ang kamay nya.

Kinuha ko ang cellphone ko at idinial si Kuya.

"Sam" sagot nya naman agad.

"Where are you? Di ka pa ba uuwi?" Tanong ko.

"Papunta na ako dyan. May dadaanan lang ako saglit."

"Bilisan mo Kent. Pagod na ako!" Kunwaring galit na usal ko sa kanya.

"Ayy wow ate, pasensya na huh? Oh sige na. Bye." At binaba nya na. Binabaan ba naman ako? Ewan ko ba dun sa lalaking yun—.

"Who's Kent?"

"Ay kalabaw" gulat na sabi ko sabay tayo! "Ano ba?!" Sigaw ko sa kanya at bumalik sa pagkakaupo.

"Why?" Inosenteng tanong nya.

Di ko sya sinagot. Bahala ka sa buhay mo.

"Hey, Im talking to you"

"Pwede ba lumayo ka. Bwisit to."

"Baka nakakalimutan mo yung kasalanan mo sa akin"

"Ilang beses ko bang uulitin na hindi para sayo yun!" Inis na sigaw ko sa kanya. "Wag ka ngang assuming" tumayo ako sabay lakad sa tabi ng sasakyan ni kuya.

Hindi ko pinapansin si Enriquez na alam ko namang nakatingin sa akin at nakaupo kung saan ako nakaupo kanina. Maya maya pa'y natanaw ko nang naglalakad si Kuya.

"Sebastian!!! Bilisan mo!" Sigaw ko sa kanya at nakita ko naman ang pagkunot ng mukha nya. Haha naiinis sya.

Nung nakalapit sya sa kotse nya ang binuksan nya at pumasok. Ay, hindi man lang ako pinagbuksan.

Pumasok ako sa passenger seat at inistart nya na. Hindi ko na nilingon si Enriquez. Papansin masyado eh.

Ang tahimik naman neto, dinibdib masyado. Parang bakla kung umarte.

Sticky Note [On Going~] ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon