Hi! Wala lang trip ko lang magdagdag ng special chap. Hehe xD
Third Person's POV:
~~ Year 17** ~~
[ this time setting is when Aster and his family are NOT YET cursed to become vampires ]
Gabi na nang Lumabas sa kanilang bahay ang 19 year old na si ASTER ZADEN ELIXIR upang magpahangin at naglalakad-lakad nang may narinig syang ingay at pinuntahan nya ka-agad yun.
" Iha, sumama ka sa amin! " sabi ng lalaki sa nakayukong babae
" tiyak na masasarapan ka sa gagawin namin, haha "
Nakita nya ang isang nakayukong babae na napapalibutan ng tatlong mga lalaki.
" ano iha? Sama ka ah? " sabi ng pangatlong lalaki. Lalapit na sana si Aster upang tulungan ang babae pero nagulat nalang sya nang
*boooggssshh*
" iwan nyo ako " cold na sabi ng babae pagkatapos nyang suntukin ang isang lalaki.
" ang tapang mo ah " sabi ng pangalawang lalaki.
Hahawakan na sana nya ang babae ngunit tinabig ng babae ang kanyang kamay at sinuntok ito sa panga sabay sipa sa tyan nito. Susuntukin na sana yung babae nang isang lalaki ngunit sinalo nito ang kamao ng lalaki at pinihit ito patalikod at tinuhod. Yung isa namang lalaki ay nagtangkang sisipain ang babae ngunit yumuko ang babae ang pinatid ang pa a ng lalaki tas tinalunan sya nang babae at siniko. Napangnga naman si Aster sa ginawa ng babae dahil bihira lang ang mga babeng ganun. Dahil sa panahon nila, mahihinhin ang mga babae.
" ang galing mo. " sabi ni Aster at napatingin naman sa kanya yung babae pero laking guat nya din nang sinugod sya ng babae
" oy! Mag hunas-dili ka -- aray .. hindi ako masama!-- aray " bulalas ni Aster ng pinagsusuntok sya ng babae ngunit wala naman syang ginawang masama. Susuntukin sana sya ng babae ngunit yumuko sa at pinatid ang babae gaya ng nakita nyang ginawa nito kanina. Ngunit hindi nya ito hinaya-ang mahulog sa sahig kaya't agad din nya itong sinalo at nginitian.
" sabi ko sayo di ako masama " sabi ni Aster sa babae ng nakangiti. Hindi nya alam kung bakit sya ngumingiti dito gayong di naman sya palaging ngumingiti. Natulala naman ang babae sa kanyang nakita at nahiya sa kanyang ginawa
" pasensya na, akala ko kasi kasamahan mo sila "
" okay lang. Ako nga pala si Aste Zaden Elixir, ikaw? " pagpapakilala ni Aster sa babae.
" Thana Grace Austria. Grace nalang, wag mo kong tawaging Thana. " sabi naman ni Grace
" bakit? Ang ganda kaya nung Thana. Thana ang itatawag ko sayo! " sabi ni Aster sabay labas ng dila.
" okay, Zaden nalang din tawag ko sayo! Haha " hindi alam ni Grace kung bakit ang ga-an ng lo-ob nya kay Aster. Simula nung pagkikita nila ay may namumu-o nang pag-iibigan sa dalawa. Palagi na silang magkikita at napagpasyahang maging kasintahan ang bawat isa.
Isang gabi, humahangos na pumasok sabahay nila ang ama ni Aster na si Kobie.
" anong nangyari? " nag-aalalang tanong ni Jeanette na ina ni Aster.
" hi-hindi ko sinasadyan, pinagtanggol ko lang ang sarili ko! "
" papa? Ano pong nangyari? " tanong din ni Aster
" napatay .... napatay ko ang anak ng isang mangkukulam .. si Ella .. may balak syang gayumahin ako upang umibig na ako sa kanya. "
" dyos ko po! " Jeanette.
*booooogggsshhh*
Napatingin silang lahat sa nagibang pinto ng kanilang bahay at iniluwa do-on ang isang matandang babaeng naka-itim at puno ng galit ang mga mata.
" pinatay ninyo si ellaaa!!!! Aaaaahhh!! " napatakip naman silang lahat ng kanilang tenga dahil sa pagsigaw nito. Habang umiiyak naman ang nakababatang kapatid na babae ni Aster.
" hi..hindi ko iyon sinasadyan beka .. " sabi naman ni Kobie.
" hindi ko kayo mapapatawaaaaad! " sigaw ng mangkukulam na si Beka at may kung anong orasyon ang pinagsasabi
" ahmie sianm binaka kabwe suma asumie kanakw wakaye kyre vampira "
" habang buhay nyo yang dadalhin. Mabubuhay nga kayo pero sa pamamagitan ng iba pang buhay! Yan ang kabayaran sa pagpatay nyo sa anak ko! " pagkatapos sabihin iyon ni Beka ay unti-unting ina-antok ang buong pamilya nila, si Aster, Jeanette, Kobie, yung dalawang kapatid ni Aster at si John Paul na nakaupo lang ay nadamay sa sumpa.
Kinabukasan nagising silang lahat na parang nauuhaw. Nag-uunahan silang inumin ang tubig pero parang may kulang hindi nila alam kung ano ngunit hindi sila makuntento. Nagsimula nang umiyak ang batang kapatid ni Aster habang silang lahat ay naguguluhan , ngayon lang nila naramdaman iyon ang gano-ong klaseng uhaw.
" magandang umaga ho! Gino-ong Kobie at Ginang Jeanette " hindi nila alam kung bakit parag merong lumalabas sa kanilang ngipin at parang naririnig nila ang agos ng dugo sa kakadating lang na katulong nila. Unang lumapit si John Paul sa katulong at hindi nya nakayanan at agad nya itong kinagat. Nang nakita nilang lahat ang dugong dumaloy sa le-eg ng kanilang katulong ay para silang na hipnotismo at agad din silang kumagat sa iba pang bahagi ng katawan nito.
Hindi nila alam kung ano nang nagyayari sa kanila pero parang nauuhaw padin sila hindi sa tubig kundi sa dugo. Napansin ni Aster na may kung anong nakapulupot sa mga daliri nya, isa iyong singsing na nagpoprotekta sa kanila laban sa init ng araw. Lahat sila a lumabas upang makainom ng dugo, di alintana ang makapatay basta ang alam lang nila ay nauuhaw sila. Puno ng hiyawan ang madidinig mo sa baryo nila sa paglabas nila. Iniinom nila lahat ng dugo ng taong makikita nila.
Na-alimpungatan si Ster sa pag-inom ng dugo ng may narinig syang sigaw. Tila nabuhusan sya ng malamig na tubig nang narinig nya ang sigaw na iyon. Hinahanap nya iyon at nakita nya si Grace na kinakagat ni John Paul. Agad nyang tinulak si John Paul at niyakap si Grace.
" Thana .. i'm so sorry, patawad.. "
" Zaden.. mahal kita .. " sabi ni Grace sabay halik kay Aster
" Mahal din kita.. Thana. Kumapit ka.. " umiiyak na sabi ni Aster kay Grace
" I'll....wa-wait.. for you... Zaden.. "
" dadating ako... mag hintay ka lang... Thana.. " bulong ni Aster habang yakap ang walang buhay na si Grace.
" Aster! Bilisan mo! Aalis na tayo dito! " sigaw ni John Paul kay Aster
" hi..hindi ako aalis dito. Hindi ko iiwan si Thana! " sigaw din ni Aster pabalik. Hinila ni John Paul ang uumiiyak na si Aster.
" kalimutan mo sya! Aalis tayo dito? Hinihintay na tayo ng papa mo! " sabi ni John Paul kay Aster habang nakatingin deretso sa mga mata nito.
" okay " parang nahihipnotismong sabi ni Aster. Natigilan naman sandali si John Paul at napangisi.
" sino si Thana? " tanong nya kay Aster
" Hindi ko alam " Aster
BINABASA MO ANG
When Ms. Gangster meets Mr. Vampire ( COMPLETE )
VampireWhat will happen if a gangster meets a fictional vampire? Isang pagtatagpo na hindi inakala ng lahat, hindi naaayon sa mga fairytales na naisulat sa libro at bagong lovestory na maiisulat pa lamang. AN: FORGIVE ME, THIS STORY WAS WRITTEN WAY BACK 20...
