Chapter 6: The War Begins

5K 123 9
                                        

Ito na ang susunod na chapter! malapit na matapos to :'( sana suportahan nyo parin ito ah?

sorry natagalan, tinatamad kasi eh . hehe. at Reader din po ako. enjoy reading! sorry sa mga typo at grammatical errors and wrong spelling.

MIRA'S POV:

" ito lang po ba mam? " tanong sa akin ng babaeng cashier

" yeah " walang ganang sabi ko sa kanya at kinuha ang chocolate drink na binili ko. umupo ako sa vacant seat and started to drink my chocolate drink. pagkatapos, naglakad na ako papuntang condo ko.

" uggghh " may narinig akong ungol, sinundan ko iyon at hindi naman gaano ka layo. I-it's a vampire doing it's routine, drinking and killing people again.

" vampire " bulong ko at nakuha ko ang atensyon nito, inilabas ko ang baril ko with bullets of a werewolf venom. It can directly kill a vampire, sabi ni Daniel. tsk. lumingon sya sa akin at hinayaan lang ang katawan ng biktima nyang nakabulagta sa daan. what a BEAST!

" Another food eh? " bulalas nito at ngumisi, kitang kita ang kanyang dalawang matutulis na pangil. Hinanda ko ang sarili ko sa pag-atake nya. Bigla syang nawala sa paningin ko pero naramdaman kong nasa likod ko sya. yumuko ako at pinatid ang paa nya ngunit tumalon lang sya at nasa ikalawang palapag na sya ngayon ng isang bahay.

" Hmmm.. Afraid eh? " tanong ko sa kanya habang sinusunod ang tono ng pananalita nya kanina. Mukhang napikon ko ata sya dahil nag-iba ang ekspresyon ng mukha nya, mula sa kalmadong mukha nya kanina ay tila naging isang mabangis na hayop na sabik na sabik sa kanyang pagkain.

bigla syang nawala at pumunta sa harap ko, inangat nya ang kamay nya direkta sa puso ko. Ganun ba sya ka pikon at gusto nyang kunin ang puso ko? tsk. Hindi pa nga alam ni Daniel na sya ang tinitibok ng puso ko, tas kukunin nya? Unfair men! Unfair! At para hindi ako maabutang patay at nakabulagta dito sa lansangan na ito na katabi ang puso ko , eh, mabilis kong hinawakan ang kamay nya at inikot ito tas kumuha ako ng VERVAIN sa bulsa ko at ipinakain ko sa kanya. Vervain is an Herb that can hurt Vampires, yan ang kahinaan nila at walang bampira ang hindi nasasaktan ng Vervain.

(a/n: vervain on the side ---> ^__^)

" ~~ Accckk! " daing nya habang napapaso ang bibig nya dahil sa Vervain. Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon at tinadyakan ko na sya.

" Bang! Bang! " Dalawang bala ang ipinukol ko sa kanyang puso na syang ikinamatay nito.

" Living Dead should be DEAD " sabi ko at tumalikod.

" And where are you going? " Napalingon naman ako sa nagsalita. Isang lalaki, tinaasan ko lang sya ng kilay. Matangkad, maputi ang balat , mukhang nasa mid 30's pero walang kahit anong kulubot na makikita mo sa mukha nya at may ka galang-galang na kasu-otan. Nakatingin lang sya sa bampirang nakahandusay sa sahig na pinatay ko. Napa ti-im baga syang tumingin sa akin. Uh-oh I think i hit the big bird. *smirk*

" kilala mo? " tanong ko habang tinuturo ang bampirang nakahandusay sa sahig na wala ng buhay. *smirk* gusto ko to *evilsmile*

When Ms. Gangster meets Mr. Vampire ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon