4th face- Meet ann and Sin

23 1 2
                                    


Hello!! guys nalaman niyo na ang name ng bida sya si GABBY REIGER. Any comment para may guide ako sa hindi magagandang scene.Thank you!

************

GABBY'S POV

Wala akong naintindihan sa pinag-uaspan namin sa tower of magic.Nandito ako sa kwarto ko sa bahay ng star section ito lang ang alam ko sa pinag usapanan namin titira kami sa iisang bububong.

Iniisip ko parin kung sino si master Sean.Bakit niya ako kilala? Anong koniksyon niya sa akin? Parte ba siya ng nawawala kong alaala?

Marami akong katanungang gumugulo sa isip ko, ang hirap naman nito.Pumikit nalang ako upang alalahanin ang reaksyon nila.Nawala talaga ang pagiging seryso nila.Hahahaha!!! Epic si clien naman na pa mura na lang sa pag kabigla.

Halata masyado ang pag kagulat ng lahat pwera sa akin.Wala naman kasi akong alam sa kanila kaya lang ako naka pasok sa Xenion Academy dahil kay clien,pero palaisipan parin ito sa akin dahil kong normal ako na Mystic hindi ko makikita ang village sa likod ng Academy.

Si clien ang kumaha sa mga gagamitin niya sa at damit, ako naman kanina ko pa kinuha nung matapos ang pag pupulong sa tower of magic.

Ang bahay namin ay nasa tagong parte ng eskwelahan madadaan ito ng mga estudyante patungo sa pamilihan.

Isa itong two storey house sa first floor nandoon ang kitchen, dining room,sala, meron ding training room basta hindi ko pa kasi nalilibot.Sa second floor naman nandoon lahat ng room namin isa-isa.Kada room may sariling cr may meduim size bed, may study table,pag tumingin ka sa viranda ng kwarto kita masyado ang malaking gubat.

Hindi ko alam kong saan papunta 'yan nakakakilabot kasi ehh..

Para naman sa pagkain sabi ni mr.Dean ang assistant ni master sean kami ang bahala sa kakain nami, ang Xenion Academy kasi ay para ding bayan.May mall din may restuarant, may strore ,palengke at park basta para talaga itong village.

Pero lingid sa kaalaman ng mababaang uri ng Mystic.Ang mga nakakataas lang ang may alam ng may ganito at ang mga estudyante.

Ang matataas na uri ng Mystic lang ang qualifide na makapasok sa Xenion Academy.Ang nakakapagtaka bakit ako kasali.Sa pagkakaalam ko isa akong mababang uri ng Mystic. Hindi kaya dahi-

Naudlot ang pagiisip ko ng may kumatok sa pinto. Sino naman ito? kasi sa pagkakaalam ko matagal pa si clien makakauwi dahil kailangan pa niyang magpaalam sa magulang niya at kumaha ang gamit niya.

Tumayo ako at nag inat.Pag kabukas ko ng pinto may dalwang babae.Ano ang ginagwa ng dalawang to dito?Sa pagkakaalam ko kasapi ito sa star section.

"Hello,ikaw si Gabby diba? ako si Annalyn at siya si sinchie gusto sana naming makipagkaibigan"

Omg ang ganda nilang dalawa si Annalyn ay may mahabang buhok, maputi at may pagka chinita hindi din ito katangkaran. Si sinchie naman ay napkaputi,hanggang balikat ang buhok. Basta ang masasabi ko sa kanya ang cute niya...*O*

"Talaga gusto niyong makipagkaibing"
^_^

"Oo alam naming bago kalang dito kaya itotour ka namin" nakangiting turan ni sinchie.

"Talaga?" wow!! may friends na ako.

"Oo so tara na at mag mall na din tayo hintayin ka na lang namin sa baba hindi na din kasi kami uuwi sa bahay sa labas dahil gagabihin kami so dito nalang kami bibili ng kakailanganin" mahabang paliwanag nito pero nakangiti parin.

"Oh sige mag bibihis lang ako"

Pagkatapos kong isara ang pinto agad akong pumunta sa cabinet.

Isang simleng blouse lang na design ay doremon, may naglalagay ng mga regalo sa pinto ko sa condo kada pasko at isa na dito ang t-shirt na to. Nag short lang ako at ipinusod ang mahaba at itim kong buhok,nag dala din ako ng maliit na packbag. Ang laman lang naman nun ay pera,kasi ang pera namin ay gems at may pag ka bigat but for me its very cool..*O*

Nang matapos na akong magbihis bumaba na ako na abutan kong nagkukulitan sila Ann (short for annalyn) at sin (short for sinchie) kasama nila ang dalawang lalaki.

"Ooyy nanadiyan na pala si Gabby" sabi ni sin.

"ipakilala mo naman kami sa kanya anna" sabi ng may pagka brownish ang buhok at maputi inshort gwapo...

"ako rin baka makalimutan niyo ako ha? *pout*" waahhhh!!! bakit ba ako napalilibutan ng magagandang nilalang. Ang cute niya pramis bagay sila ni sin.

"haayysstt o sige na nga,Gabby ito si Kris Kris si Gabby" itnuro niya yung brownish ang buhok. ahhhh so siya si Kris..

"hi kris nice meeting you ^_^" nakipagshake hands naman ako sa kanya.

"oh siya meron pa ito si Ash"

so Ash pala ang pangalan ng cutie na to..

"hi ash" nakipagshake hand din ako sa kanya.

"tama na 'yan aalis na kami" sabi ni ann

"tara na Gab"

Yahheeyy!!makakapag libot din ako... sa wakas..^_____^

********

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Two facesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon