Chapter 41

6.7K 104 4
                                    

Umayos ako ng tayo nang makita ko si Phoebian na naglalakad pabalik sakin. Galing kaming dalawa sa mall at ngayon ay nandito kami sa convenience store para maggrocery. Nakangiti siyang bumalik sakin, dala yung dalawang malaking puting plastic bag gamit ang dalawang kamay niya.

Kinuha ko ang cellphone niya para hindi madulas mula sa kanyang hawak. Kukunin ko na sana yung isang plastic bag pero linihis niya ang kanyang kamay kaya hindi ko nahawak.

"I got this. No need a hand. Just hold my phone until we get home." sabi niya sakin.

Tumango nalang ako at sabay kaming naglakad pabalik sa bahay.

Anim na buwan magmula ng makabalik kami galing probinsya. Hindi naman naging mabigat sa loob ko na umalis at bumalik sa lugar na kinasanayan ko. Si Phoebian ang nagpaalala sa akin na kahit kailan ko gugustuhin ay pwede naman kaming bumalik doon para bumisita.

Pagbalik namin ni Phoebian ay sa apartment muna ako tumuloy dahil gusto kong sa apartment ko. At binabayaran ko din yun kaya kahit papaano ay magamitan ko yun. Palaging bumibisita sakin si Phoebian.

Minsan nga ay umaga na siya umuuwi o di kaya ay hindi na umuuwi dahil malapit lang naman ang bahay niya sa apartment building ko.

Tatlong buwan din akong nasa apartment at kalaunan ay napagdesisyunan ko na sa kaniya na ako umuwi tutal palagi siyang nasa apartment ko at nagpaparinig din siya noon na kung pwede ay sa bahay niya lang daw ako umuwi, mas maluwag pa daw ang guest room niya kaysa sa kwarto ko sa apartment.

Then he helped me to overcome my fear to face my father's adoptive parents.

Tumawag si Oxford sakin at sinabi sakin na gusto daw makita ng pamilya niya si itay. Inulat ko agad yun kay itay kaya napaluwas agad sa syudad.

Gusto daw makita si itay dahil ang tagal na panahon mula ng makita nila ito. At nirerespeto naman nila kung anong desisyon ni itay kung saan siya masaya ay doon sila masaya.

"Ako nalang ho ang bibili ng damit para sa inyo, 'tay. Huwag po kayong mag-alala. Magshashopping po tayo." Narinig kong sabi ni Phoebian kay itay.

"Eh kuya maarte kasi si itay sa damit gaya ni ate." Kontrabidang sabi ng kapatid ko. I just rolled my eyes.

Narinig kong sinaway ni tiya yung kapatid kong mahilig mang-asar sakin. Nasa kusina ako at nagbabalat ng kalabasa dahil lulutuin ko tapos silang apat ay nasa sala.

Nasa apartment ko tumuloy ang pamilya ko. Nagpadala din si Mama nang maraming pagkain nang dumating sila itay sa apartment ko para daw hindi na ako magluto.

Supportive talaga ang Nanay ko.

"Eh paano ko yun mababayaran, anak?"

Anak na agad ang tawag ni itay kay Phoebian. Alam kong nakangisi si Phoebian sa isip niya dahil tanggap talaga siya ni itay.

"Basta lang po hindi kayo pumayag na iwan ako ng anak niyo." sagot ni Phoebian.

Napailing nalang ako sa sagot niya saka narinig ko ang pagtawa ng kapatid kong sira.

We came to the house of my father's adoptive parents. They're so happy to see him and they welcomed us with open arms.

"Ito na ba ang mga apo ko?" tanong ng lola ko. Ang saya lang dahil may lolo at lola na ako.

"Ay oho, mga magaganda diba, Ma?" Pagmamalaki ni itay saka inakbayan kami ng kapatid ko.

"Syempre naman! Eh bakit kasi ang tagal mong nawala! Hindi ko tuloy nabantayan ang paglaki nila." Pinalo pa ni lola Ysabel si itay.

Napakamot lang ng ulo si itay atsaka niyaya kami nina itay, tiya, kapatid ko, at Phoebian sa likod ng bahay para kumain. Ang dami nilang hinanda. Parang may banquet na naganap para samin.

Phoebian (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon