Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
KURT
Nakakapangsising pumayag akong ihatid nga si Kianna with Ara around. Right now, I feel like I am a personal driver. Nasa likuran ang dalawa at panay lang ang pag-uusap. Hindi nila ako pinapansin. I know I deserve the treatment, but this is too much.
"Six to nine ang pasok ko today, Ate Ara. Ituloy na lang natin ang date natin bukas. Seven to twelve ang pasok ko bukas nang umaga. Mag-lunch date na lang tayo. Hindi ako puwedeng magpuyat kasi may quarterly quiz kami para sa Foreign Language, eh. Next week, may two days kaming walang pasok but after that is the final exams. Sa mismong birthday mo. Nakakainis nga, eh."
"It's fine. Puwede naman tayong kumain nang tayong dalawa lang. Mag-celebrate din tayo after my birthday. Puwede naman pre-birthday party. Basta, ikaw."
"Talaga?" Tuwang-tuwa si Kianna. "Pero gustong-gusto ko talagang sumama, eh. I want to get out of town. Island province ang hometown mo, 'di ba? Gustong-gusto ko na ng sariwang hangin."
"H'wag mo nang ipilit, Kianna. You have your exam," pagsabat ko sa kanila. Hindi na rin kasi ako nakakatiis na sila lang ang nag-uusap. Ayokong para akong driver lang talaga rito. "Mag-aral ka na lang nang mabuti. You might not know, baka sa 'yo ibigay ni Dad ang kumpanya niya."
"Sa akin? Nakapangalan na nga lahat sa 'yo, eh. Ayaw mo lang talaga. Anyway, Ate Ara, hindi ba kapag probinsiya, maraming beaches? Sikat ang province n'yo when it comes to virgin beaches. Nabasa ko 'yon. As a tourism student, I know that. Little Boracay nga minsan ang tawag do'n, eh."
"Marami. We have Maniwaya Island. There, you can see the disappearing rock. The Palad Sand Bar as well. The famous Tres Reyes Island is in our municipality. Sa Poctoy, maganda rin. Kung gusto mong mamundok, I know a lot of personal favorites. We can hike and swin on hidden falls. Punta tayo sa Bathala Cave kung gusto mo."
Mas lalong nagningning ang mga mata ni Kianna sa mga suggested places and activities na in-offer ni Ara. Mas nadagdagan ang excitement nito.
"OMG, I want to come. Kahit 'di mo birthday, puwede?"
"Puwede pero mukhang mahihirapan na tayong magkasundo ang schedule, eh. I just signed a business partnership earlier. Mukhang magiging busy na ulit ako." Dismayado si Ara ngunit pinisil maya-maya ang pisngi ni Kianna. Halatang nanggigigil. "But we can do something para magkaayos ang schedule natin, right?"
"Talaga?"
"Yes. Malapit na ang bakasyon ninyo, right? Adjust na lang ako ng schedule para makauwi tayo."
"OMG, thank you so much, Ate!"
"Siyempre, ako pa ba?"
Napailing ako. Binitiwan na rin ni Ara ang pisngi ni Kianna. Talaga namang bini-baby niya ang kapatid ko. Ngayon, alam ko na kung bakit sila magkasundo. They both know how to flatter each other. Kaya pala mabilis nilang nakuha ang loob ng isa't isa. Itong si Ara ay naghahanap ng ii-spoil at willing na willing naman ang kapatid ko.