Pulang Mata

8 1 0
                                    

Note: wazzup galaxies! Its been a time when i last posted a new chapter in here, right? Well, may new chapter nanaman ako, thanks sa contest na sinalihan ko. Btw, pure filipino language sya sa kasi sa Filipino subject namin sya and 200 word count lng base on the mechanics narin, enjoy reading.





Maraming sikreto ang naka tago sa dilim, mga sikretong hindi mabunyag bunyag sa kabila ng mga kilos na isinasagawa, mapa gobyerno, mayamang tao o ordinaryong mamamayan man.

Tahimik ang paligid, ang malamig na simoy ng hangin ay tinatangay ang aking itim na buhok.

Mag isa akong nag lalakad sa madilim na kalye, isa akong tindera sa isang malaking karinderya dito sa probinsya namin.

Hindi ako nakapag tapos ng kolehiyo dahil sa kahirapan, may binubuhay akong mga kapatid at saakin nalang sila umaasa.

Biglang nangilabot ang mga braso at binti ko, ramdam ko ang mga mata sa paligid na naka tingin saakin.

Nagpatuloy ako sa pag lalakad, ngunit ang pakiramdam na iyon ay nariyan parin. Binilisan ko nalang ang aking paglakad dahil delikado narin.

Lumingon ako sa paligid ng umihip ang malakas na hangin, nag mimistulang may dumaan sa aking gilid.

Biglang tumambol nang malakas ang puso ko, sa madilim na bahagi ng kalsada, may matang naka tingin saakin.

Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, takot, kaba at pagka bighani.

Mga pulang mata. Kulay pula na nagmimistulang dugo ngunit makinang. 'Bakit hindi ako natatakot?' Tanong ko sa sarili ko.

Bigla nalang nawala ang kabang nararamdaman ko kasabay ng pag laho ng mga pulang mata.

Ano iyon? Sino iyon? Napaka ganda, nakaka bighani ang mga matang iyon ngunit may kilabot parin sa mga tingin na iyon.

Sa muling pag ihip ng hangin, kasabay nang pag kurap ng mga mata ko, tuluyan nang naglaho ang prisensya na nasa paligid lang kanina nina.

Nagpatuloy ako sa pag lalakad na tila ba ay walang nangyari.

"Sa susunod ulit, Ginoo." Bulong ko sa hangin, tinutukoy ang may mga mapupulang mata na nilalang na hindi matukoy tukoy ng gobyerno oh nino man mula pa noon.

The Silent Memoirs(One shot stories)Where stories live. Discover now