CHAPTER 08

19.9K 514 21
                                    




Hi! May book signing po ulit si psicom nextweek (Dec 11, 2022) sa Sm Megamall. Nandoon po ako, puwede kayong bumili ng book ni Eros or magpa sign sa akin kung nakabili na kayo sa shoppee o lazada. May ibibigay din pala akong postcard. Salamat!

Tapos na din pala si Maria sa vip and patreon apps.






"What? Ginagawa mo dito Azul?" Ani ni Rios ng makita ang kaibigan niya. Wala siyang pasok ngayon at wala din siyang balak umalis at pumunta sa kung saan. Beside he just finished a sexy time with his wife Amethyst.





"Kailangan lang ng matinong kausap." Sabi ng binata na mukhang problemado, tiningnan niya ng maiigi ang pulis na kaibigan. He knew Rios because of his friend Marcus, pinakilala siya ni Marcus dito. At lahat naman ng mga kaibigan niya ngayon ay nakilala niya talaga dahil kay Marcus, samantalang sila namang dalawa ay nagkakilala ng pumasok siya sa ospital ng kaibigan.




"Tungkol sa mag-ina mo? How are they? Nakausap mo na ba?"



"Yes I already talked Savannah last week pero hindi ko pa din nakikita ang anak namin hanggang ngayon. Ayaw niya." Kuwento ni Azul.




Buti nga, gago ka kase eh. Deserved.. "Hayaan mo muna siya makapag-isip, ilang taon din ang lumipas bago kayo nagkita at natural hindi gano'n kadali para sa kanya ang gusto mo." Payo ni Rios, hindi niya pa personal na nakilala ang nabuntis nga nitong si Azul at maging ang anak nito pero madali lang naman kaseng intindihin ang sitwasyon. Gago si Escarra, tapos.




"Pero gusto ko na kaseng makita ang anak namin, ilang beses akong pumunta at nagbakasakali na makausap ulit si Savannah sa kompanya ni Marcus pero lagi naman siyang wala doon at nakauwi na." Hindi muna siya pumapasok sa ospital simula ng makalabas siya dahil hindi pa naman gano'n kagaling ang sugat niya. Maging ang clinic niya ay hindi muna siya pumapasok.




"She's avoiding you, as simple as that. Hindi mo siya masisisi, hindi ko pa siya nakikita at nakikilala but I know she have strong personality. And I guess she became like that because of you."




Natahimik si Azul sa sinabi ng kaibigan, tama ito. Savannah was sweet, naive and innocent eight years ago. But she's so different when they talked, she really bloom and became matured. And her personality became strong as well. At dahil siguro 'yon sa mga naranasan niya ng iwan niya ito, na hindi ginawang kahinaan ni Savannah ang pagsabi niya na ipalaglag niya ang anak nila kung hindi doon pa ito humugot ng lakas para maging matibay. And he still remebered everything she said to him, ng ikuwento nito kung ano ang mga naging paghihirap habang nagbubuntis at hanggang ngayon na malamang may sakit ang anak nila. At nagsisisi siya at naaawa kay Savannah, na sana pala hinarap niya ang responsibilidad noon at hindi ito tinakbuhan.



"It takes time Azul, hindi biro ang magpalaki ng anak ng mag-isa tandaan mo 'yan. Pareho lang kayo ni Samuel, Brielle hide Thalia from him pero unlike you hindi naman niya sinabihan si Brielle na ipalaglag ang anak nila and look at them now Dawson is happy and contended on his family and life."




Naisip ni Azul ang kinukuwento ni Rios na si Samuel, the owner of the Dawson pharmaceutical company. And yes Rios was right, Samuel is happy with his family. Pero siya? Mararanasan niya din ba 'yon o hindi?




"Basta ako 'yon lang ang maipapayo ko sa 'yo, do not rush her Azul dahil kapag kinulit mo 'yan ng kinulit sigurado ako lalayo lang 'yan lalo sa 'yo. Tsaka magsasama ka kase kay Maximum o kaya kay Fierro. 'Yong dalawang 'yon ang tropahin mo para mahawaan ka ng faithfulness nilang dalawa." Sabi pa ni Rios.




M.A series #12 Azul EscarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon