CHAPTER 23

13.9K 346 4
                                    





Hi! Merry Christmas sa inyo! Tumatanggap po ako ng regalo😆 lalo na ng pa-kape.





Nakangiting inabot ni Azul kay Savannah ang hawak na kape. Katatapos niya lang patulugin ang anak nilang si Aella, their daughter really enjoyed the day. Maghapon silang nagbabad na dalawa sa dagat at tinuruan niya pa itong lumangoy. He knew Savannah don't know how to swim so, siya ang nagturo sa anak nila.





"Hindi na naiilang si Aella sa 'yo." Uminom ako ng kape na binigay niya, nandito kaming dalawa ngayon sa veranda ng resthouse. Bilog ang buwan at mahangin din ngayong gabi, masarap din pakinggan 'yong mga huni ng ibon lalo na gng alon sa dagat.




"Indeed, at nagiging madaldal na din siya ngayon kapag kausap ko hindi katulad dati. Kung anu-ano na din ang kinukuwento niya sa akin. And she's getting better Savannah, nag-match talaga ang kidney ko sa kanya." Masayang sabi ni Azul, doktor siya at natural na alam niya na maganda ang kalusugan ngayon ng anak nila pero dahil life time ang sakit nitong lupus ay kailangan pa din nilang maging maingat.




Nakikita ko naman na mas sumigla talaga siya nitong mga nakaraang araw, 5 days na rin kami dito sa isla at wala kaming ginawa kung hindi i-enjoy ang bawat araw na pananatili namin ditong tatlo. Nakakatuwa nga dahil kahit nasa isla kami mero'n pa rin wifi kaya nakakapag-internet pa din ako at nakakausap ko si Amara. Pero hindi ko sinasagot 'yong mga text at tawag ng mga kapatid ko lalo na si Kuya Supremo na alam kong galit hindi lang sa akin kung hindi pati na kay Azul.


"Maraming salamat talaga sa 'yo Azul, dahil kung hindi dahil sa'yo baka mas lumala pa ang lagay ni Aella ngayon. At baka hindi ko na alam ang gagawin ko dahil hindi ko alam kung saan kami makakakuha ng puwede niyang maging donor." Pasasalamat ko ulit sa kanya
alam ko naman kung gaano kahirap maghanap ng kidney donor at alam ko din kung gaano kalaki ang magagastos sa kidney transplant. Hindi lang libo kung hindi milyon at paulit-ulit ako na magpapa-salamat kay Azul dahil sa ginawa niyang pag-donate ng kidney sa anak namin. Kahit na hindi pa kami gano'n ka okay at hindi pa din namin napapag-usapan ang tungkol sa namagitan sa aming dalawa ay hindi ko naman itatanggi na malaki talaga 'yong tulong na ginawa niya sa aming mag-ina.


"Hindi mo kailangan magpasalamat sa akin Savannah, ginawa ko lang ang dapat at alam kong kulang pa ang ginawa kong 'yon para makabawi kay Aella at lalong-lalo na sa 'yo. And I'm very thankful that you gave me a chance to be with our daughter kahit na halos hindi na tumitigil 'yong cellphone ko sa kakatunog dahil sa mga tawag nila Arken at Supremo dahil hinahanap nga nila kayong dalawa. Pero heto kasama ko pa rin kayong dalawa dito sa isla."


"Hayaan mo na muna sila Kuya, gano'n talaga 'yong dalawang 'yon. Tsaka nag-ganyan lang naman sila simula ng malaman nilang ikaw pala 'yong tatay ni Aella." Sabi ko kay Azul,
maliit nga lang talaga ang mundo dahil sino ba namang mag-aakalang ang kaibigan pala ng mga kapatid ko ay siya ding tatay ng anak ko. At kung siguro noon ko pa sinabi kila Kuya Supremo at Kuya Arken ang tungkol kay Azul ay malamang noon pa din kami nagkita at hindi na dahil kay Marcus.


"And they don't like me, your siblings hate me Savannah at nakita mo naman kung paano nila ako tratuhin kapag magkasama kami diba? they are disappointed to me at naintindihan ko 'ton dahil kaibigan ko sila, handa din akong tanggapin ang lahat ng puwede nilang sabihin sa akin pero hinding-hindi ko na kayo iiwan kahit kailan lalong-lalo na ang anak natin."


Muling napainom ng hawak na kape si Savannah, parang hindi siya sanay na ganito magsalita si Azul dahil laro lang naman 'yong namagitan sa kanilang dalawa noon. Pero ngayon nag-iba na talaga dahil may batang dawit na.


"At 'yong tungkol sa nangyari sa atin Savannah g-gusto ko sanang pag-usapan natin."


Nailapag ko ang tasa na hawak ko sa lamesa na nasa harap namin. "Azul.."


"Kung bibigyan mo lang sana ako ng isa pang tsansa Savannah gusto ko sanang mabuo ang pamilya natin. Gusto ko sanang mabuo tayong tatlo at gusto kong bigyan ng buong pamilya ang anak natin. Alam kong hindi 'yon kadali sa parte mo dahil sa mga kagaguhan na ginawa ko sa 'yo pero sana maisip mo na mas magiging masaya si Aella kapag nalaman niyang okay na din tayong dalawa."


"H-hindi gano'n kadali ang sinasabi mo Azul, hindi ko nga alam kung seryoso ka ba o isang araw may balak ka na namang umalis. Malayo na ang narating mo at ngayon naiintindihan ko na kung bakit noon naisipan mong sabihin sa akin na ipalaglag ko ang anak natin. Alam mo kung bakit? Dahil kung hindi siguro ako umalis noon at tinanggap mo ang responsibilidad sa magiging anak natin siguro hindi ka magiging doctor ngayon. Hindi mo magagawa 'yong pangarap na gusto mo dahil magiging iba na 'yong priority mo at baka sinisisi mo rin ako dahil ako 'yong naging hadlang sa pangarap mo kami ni Aella."


Sabihin na natin na ako nga siguro nag-give way sa aming dalawa katulad ng sabi ni Amara. Ako 'yong mas naghirap dahil inako ko 'yong buong responsibilidad bilang magulang sa anak namin. And the fact that I'm only 19 years old the time made me realized now that I really made it. I really did everything to be a good mom for my daughter at siguro may dahilan kung bakit hindi kami noon nagkaayos na dalawa ng malaman niyang buntis ako kasi kung inako niya talaga ang responsibilidad noon sa akin malamang hindi talaga siya magiging doktor ngayon dahil kami ang magiging prayoridad niya.


Azul held her hand, "I'm not
going anywhere Savannah, pinapangako ko sa 'yo na hinding-hindi ko na kayo iiwan ni Aella. At nagsisisi talaga ako sa mga sinabi ko at ginawa ko sa 'yo noon, and you're right naging duwag ako noon. Na isang beses sa buhay ko natakot ako ng husto, I'm still reaching my dreams that time and I know you knew about that. Pinagsasabay ko ang pag-aaral ko at pagtatrabaho ko dahil walang ibang tutulong sa akin kung hindi sarili ko lang. Pero nagkamali ako Savannah, hindi ko dapat ginawa 'yon sa 'yo at hindi ko dapat sinabi na ipalaglag mo 'yong anak natin. Na ginawa nating pareho at dugo at laman ko 'yon."


"I-I don't know what to answer Azul, oo alam kong
magiging masaya ang anak natin kapag nalaman niyang ayos na tayong dalawa pero alam ko sa sarili ko na hindi gano'n kadali magpatawad. Yes they had something happened between us but Azul I'm the one who suffered the most so please maintindihan mo sana kung saan nagmumula 'yong mga nararamdaman ko ngayon at sinasabi ko sa 'yo." I should followed what Amara said to me, dapat nga sigurong maghinay-hinay muna kami ni Azul sa kung anong mero'n kaming dalawa ngayon. Mahirap magpanggap na ayos lang kahit hindi naman talaga.


Azul brought her hands on his lips and kissed it. "I understand it Savannah, hindi naman ako nagmamadali at kayang-kaya ko maghintay."




On going na ang Midnight mass sa patreon apps at vip group. PM niyo ko sa fb page kung sino gusto mag-join.



#maribelatentastories

M.A series #12 Azul EscarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon