Number 1

66 1 0
                                    

Dedicated to Queen j! (@jonaxx)


---


Napairap ako sa kawalan. Mabilis akong umupo sa pinakamalapit na sofa tsaka sumandal doon habang nakadekwatro. Mukhang alam ko na naman kung ano nanaman 'to. It's written all over his face.

"Umagang'umaga naman..." Napakamot ako ng batok sa inis. Hindi pa man ako nakakakain, sermon kaagad.

"What's this?"

Inangat ko ang tingin ko't hindi na nagulat sa nakita. A picture of me with that christian girl. Hinihila ko siya palabas ng park, nakakunot ang kilay ko doon habang may masamang aura. Habang yung babaeng yun naman ay nakatingin sa left side at mukhang nagaalala. This is bullshit.

Simula pagkabata ko tuwing may gagawin ako, mapabuti o mapasama man yan parating may picture ang magaling kong tatay. Siguro kung hindi niya tinatapon ang mga 'to malamang sa malamang 10 na ang photo album ko dito sa bahay. Minsan nga kunin ko yung picture para meron akong remembrance ng mga moments ko sa buhay, para masabi ko naman na kahit minsan naisip niya din pala ako.

"A picture. A picture of me and an annoying girl, ang gwapo ko jan. I look like my Mom. I got her eyes, even her nose--"

"Alam kong picture 'to, wag mo nga akong gawing tanga. Wag mong ibahin ang usapan. Bakit may ganito? What happened?"

Napangisi ako. Ano siya, diary ko? Journal? Kailangan alam niya ang nangyari? Gayshit.

Tumingin ako sa lamesang puno ng litrato ni Mommy sa left side ng sala, "That girl is crazy."

Huminga ako ng malalim ng marinig ko ang mga malulutong na palakpak niya. Ito nanaman, kaya ako natatalo kasi sa simpleng ganyan lang niya na pipikon na ako. I need to expand my patience. Hindi pwedeng ganito na parati nalang akong magpapatalo sa mga simpleng bagay.

"Ang galing naman--"

"Quit it, ano bang point mo? Why do you have to ask me this, sigurado namang alam mo na. Stop it! Annoying!"

Humalukip siya't tinignan ako ng diretso. I'll lie if I'll tell myself na hindi ko nakuha ang mga mata niya, that's the truth. Sakanya ko na kuha ang mga matang ganito at hindi sa Mommy ko kaya mas lalo akong naiirita. Ang daming pwedeng makuha mata pa talaga.

Bumuntong hininga siya, "That organization means a lot to your mom. Siya ang nagbuo 'non."

"Wait, what? Tell me you're kidding."

See, he knows it already hindi na ako magugulat maliban nalang sa huling sinabi niya. They never told me about it. Bakit naman gagawa si Mommy ng ganoong group? Nahihibang na ba siya?

Lumapit siya sa mga litratong tinitignan ko kanina, "No I am not. Nasasayo yan kung maniniwala ka sa sinasabi ko."

Napairap ako. Hindi niya ako pinaglololoko. Sam, bakit naman siya magsisinungaling? Ano namang mapapala niya? He's just informing you about the things you don't know. He's just saying another fact.

"Umalis ka na sa harapan ko, kanina pa naghihintay yung mga kaibigan mo sa labas. Be here before 6, may mga bisita ako--"

Napatigil ako sa pagiisip at napatayo nang mabilis sa narinig ko, "6?! Alam mo namang may soccer practice ako, diba? Mayor, make it 8--"

Napaurong ako sa lakas ng suntok niya. The heck it's still early and for Pete's sake lunes ngayon. Simula palang ng araw ko.

Pinasok ko ang magkabila kong kamay sa bulsa ng aking pantalon. I don't wanna give back what he gave. Tuluyan lang mawawala ang respeto kong katiting sakanya. Mabilis niya akong tinalikuran habang namumula ang right fist niya.

That Bible StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon