Start

252 3 0
                                    

Dedicated to Ate Aly! (@alyloony)



Ang hirap talagang maging mabait na anak. Yan tuloy napaginitan nanaman ako nang santo kong ama. Fuck my fucked up happy life.

Kasalanan ko ba kasing nag'pa'pa'bully saakin yung mga duwag na nerd na yun? Na nagpapauto yung mga feeling gwapo at magaganda na yun? Na tatanga'tanga yung mga bwisit na umaapak sa sapatos ko? Na mapanira nang araw yung salot na pinsan ko?

It's so hard to have a Father that expects a lot from you. Pucha kasing tumakbo pa siya bilang Mayor yan tuloy pati buong bayan nage'expect na kagaya niya ako. I am not like him. I am far from being him. And I will never be him.

"Hi!"

Tinaasan ko siya ng kilay. Who's this freak? Nagb'beautiful eyes siya habang ngumi'ngiti. Nags'sway siya nang dahan'dahan tsaka ako tinitignan nang diretso sa mata.

"What do you want?"

Ngumiti siya nang malapad tsaka in'extend yung right hand niya. What is she doing? Akala ko sa bahay at sa school lang may mga weirdos and freaks. Pati na pala sa tahimik na park dito meron na.

"Wait..." sabi niya at may kinuha sa bag niya.

Ako pa paghihintayin. Humalukip ako at pinanuod siya sa ginagawa niya. Pinagmasdan ko siya. Ano ba naman 'tong porma nitong babaeng 'to. Jumpsuit na color green na may red scarf sa leeg tapos may sling bag? Nakaboots pa. Seryoso? Ano akala niya Christmas parin?

"What's this?" Naiiritang tanong ko. Inabutan niya kasi ako ng isang colorful na flyer.

Why am I even entertaining this freak? Finold ko yung flyer tsaka na sana tatalikod nang bigla siyang nagsalita.

"Wait lang! Sandali! I'm recommending you to join our group. This is a group which will help a thousands of children around the Philippines by teaching them about the Bible-"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at agad nang hinulog yung flyer. Maayos na nga yung ginawa ko kesa itapon sa mukha niya. I don't need some stupid groups or organizations. Ano ako humahabol nang Mr. Generous ng Pilipinas? Hell no.

At ang creepy na babae naman na nasa harapan ko ay nakangiti parin sa harap hanggang ngayon. What an annoying stupid face.

"Tss. Alis." Badtrip na nga ako mas b'badtripin pa ata ako nang babeng 'to.

"Please?" Yuck. Tinalikuran ko na siya, bakit ko naman sasayangin yung oras ko para sa babaeng tulad niya. Hindi pa ako nasisiraan nang bait para gawin yun.

"Ay Putek!"

"Hi, hi, hi, again!"

Ano ba kasing ipinaglalaban nitong 'feeling-niya-christmas-ngayon' na babaeng 'to?

"Nagulat ka noh?" inosenteng tanong niya at humalakhak nang malakas. Putangina 'tong babaeng 'to ah!

Napairap ako sa kawalan, "Ano ba? Hindi ako in-te-re-sa-do. Period. Ano ba kasing mahirap intindihin dun? Alis."

Hindi niya ba ako kilala? Ako kaya ang aak nag pinaka santong Mayor na nabubuhay ngayon. Ako lang naman ang pinakamaswerteng lalaki sa balat nang pesteng lupa dahil may tatay akong bantay sarado saakin na bawat galaw ko ay may nanunuod na sunudsunuran niya.

"Hehehe. Makinig ka muna saakin para maging interesado ka." Sabi niya at naglabas nanaman ng flyer sa bag niya.

Confirmed. Sindikato nga 'tong babaeng 'to. Anong akala niya saakin? Tanga? Magpapauto sa mga modus ngayon? Pusta ko maglalabas narin 'to nang sobre at hihingi nang abuloy o donasyon. Bago pa man siya maglabas ng sobre inabutan ko na siya ng bente pesos. Ang kulit!

That Bible StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon