Madilim na ulap ang bumungad sa umaga
Patak na ulan ang buhos bigla,
Malamig ang simoy ng hangin na nadarama
Tila'y panahon ang nakisabay sa aking pagdurusa.Hindi parin mawari sa aking isipan
Kung bakit bigla ka nalang namamaalam
Wala akong makitang rason na iyong iwan
Basta umalis ka nalang ng hindi alintana na ako'y masasaktan.Minsan naisip ko minahal mo nga ba ako?
Kasi kung Oo hindi ako magiging ganito
Ganito ka miserable ng ako'y iwan mo
O sadyang hindi ako sapat para sayo.Mahal, kung mabasa mo man ito
Sana mabatid mong ikaw ay mahal ko
Minahal kita ng higit sa sarili ko
Pero alam kong hindi ko na hawak ang puso mo.Sana masaya ka sa piling niya
Dahil ako'y ngingiti nalang at maging masaya sayo sinta
Kahit hindi ako ang huli ,
At least ako ay iyong naging una.
YOU ARE READING
Wistful Poetry (On-going)
PoetryLove was not only for two people who adore each other but additionally for those people who surround you. This is only to express my emotions and thoughts.